Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Maintain it ang naging talakayan ng mga senado sa panukalang ibaba sa 10 taong gulang ang age of criminal liability.
00:12Ang may akda ng Juvenile Justice and Welfare Act na si Sen. Kiko Pangilinan pinalagan ang gustong pag-amyenda ni Sen. Robin Padilla.
00:21Ang issue niyan, pinulsuhan sa Baragay Saksi online ni Mark Salazar.
00:25Sa ilalim ng batas ngayon, 15 taong gulang ang pinakamababag edad ng kriminal na pananagutan.
00:35Pero ang gusto ni Sen. Robin Padilla, ibaba pa yan at gawing 10 taong gulang
00:40sa pamamagitan ng pag-ambyenda sa Juvenile Justice and Welfare Act.
00:45Sa plenaryo ng Senado kagabi, hiningin ang Senador ang suporta ng mga kasama sa kanyang panukala.
00:50Yung mga nakagawa po ng mga heinous crime, hindi ko po talaga matatanggap na tatawagin nating mga bata itong mga ito.
00:58Sana po buksan din po natin ang isip natin sa usapin ng kailangan na.
01:05Nakita ko na ang worst of the worst, sabihin nyo na. Pero ako hindi ko masikmura.
01:10Tinanong namin ang mga kapuso online, payag ba kayong ibaba sa 10 taong gulang ang edad ng criminal liability?
01:18Marami ang sumagot na pabor sila sa panukala at nagbigay ng tugon kung bakit.
01:24Ang isa, binanggit ang mga napanood daw niyang insidente ng bullying.
01:28Sabi ng isa pa, papaparaw ang edad ng mga gumagawa ng krimen, peti man o hindi.
01:34Nakadepende daw dapat ang parusa sa bigat ng ginawang krimen.
01:37At para may katakutan, palagay ng isa pa, malakas daw gumawa ng krimen ng kabataan ngayon dahil alam daw nilang hindi sila ikukulong.
01:45Iba na raw ngayon. Sabi ng isa pa, kaya raw ng kabataan pumatay ng tao.
01:51Ang isa naman, payag daw kung sa heinous crime o yung mga karumaldumal na krimen.
01:57May nagsabing payag siya para raw alam ng mga bata na may consequence o kahihinat na ng kanilang ginagawa.
02:05Pero isaisip din daw sana ang pagkakaroon ng juvenile prisons at rehabilitasyon ng mga bata
02:11para maayos pa nila ang kanilang buhay para sa hinaharap.
02:15Pwede raw sabi ng isa pa, pero ang mga minority edad ay ipiit daw na hiwalay sa mga edad 18 pataas.
02:22Meron ding mga tumutol, may nagsabing masyado pang bata ang 10 taong gulang para maranasan ang juvenile prison system.
02:30Mas maigiro sana kung 12 o 13 taong gulang ang may criminal liability.
02:37Sabi ng isa pa, maaaring mauto ang 10 taong gulang na bata o kaya'y mabuli hanggang sa magkaroon siya ng bugso ng galit.
02:45Ang dapat daw ay mabigyan siya ng tamang gabay.
02:48Si Senador Kiko Pangilina na may akda ng 2006 Juvenile Justice and Welfare Act.
02:54Pumalag sa panukala ni Senador Padilla, hindi anya totoo na walang pananagutan ng isang bata sa batas.
03:02Pinabulaanan din ni Pangilinan na dapat pakawala ng batang nagkasala sa ilalim ng kanyang batas.
03:08Kung sila ay kumilos at magkaroon ng discernment at kumilos na parang mga tulad ng mga nasa hustong gulang na.
03:18From 18 to 15, dapat ditisin bilang mga nasa hustong gulang na.
03:26At yung 15 and below naman, pagka serious offenses, pwede silang mandatory confinement for a period not less than one year.
03:40Ayon kay Pangilinan, maraming probisyon ang batas na pumuprotekta sa biktima ng juvenile offender.
03:46Pero nagbibigay rin ang pagkakataon para makapagbago ang isang batang nagkasala.
03:51Ano yan, baka ang kailangan ay hindi pag-amienda sa batas, kundi ang maayos na pagpapatupad nito.
03:58May kakulangan ng batas, ngunit mas marami ang kakulangan sa implementasyon kaysa sa batas mismo.
04:09Una po, linawing ko po sa ating kaibigan, Sen. Quigo Pangilinan, wala po akong sinabi na kulang ang batas.
04:19Ang sabi ko po ay napakaganda ng batas na ito. Hindi lang po siya napapanahon ngayon.
04:27Ang kabataan po natin sa ngayon, kapag sila ay nakita nila kasi na tayo easy-easy lang,
04:36at alam naman natin na kayo po mismo ang nagsabi, may problema sa implementasyon at napanood pa nila ngayon yan,
04:42Ano, lalo na naman lalakas po ang mga loob ng mga sindikatong bata.
04:49Pero sabi ni Pangilinan, suportado ng mga pag-aaral, na naging matagumpay ang batas sa pagre-reforma ng mga juvenile in conflict with the law.
04:5870% if I remember right, nung mga nabigyan ng pangalawang pagkakataon dahil nagkasala na diversion program ay nanumbalik sa normal na buhay at nagkaroon na ng maayos na pamumuhay.
05:16Nirefer na sa Committee on Justice ang panukala ni Sen. Padilla para dun mahimay ng husto bago ibalik sa plenaryo para pagbutuhan.
05:24Para sa GMA Integrated News, ako, si Mark Salazar, ang inyong saksi.
05:33Sisimula na po ngayong buwan ang pagpapatayo ng kamuning footbridge na magiging kapalit ng tinaguriang Mount Kamuni sa Quezon City.
05:42At magdalagay rin daw ng elevator at wheelchair lift sa lugar.
05:47Saksi, si Joseph Moro.
05:48Mismong si Pangulong Marcos na nagpapagiba sa Scout Borromeo Nia Road Overpass na sa tarik binansagan ng Mount Kamuning para kang umakit sa bundok para makatawid.
06:02Pwedeng tumawid sa pag-akit na MRT pero kahit ito matarik din.
06:06Si Na Noemi sasakay ng EDSA Carousel pa Monumento.
06:09Ang pagod sa senior.
06:11Ang pagod sa tohod.
06:12Marami ang bumababa sa may kanto ng Mount Kamuning galing sa bandang Bulacan.
06:27Aking kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, hirap sa halip na ginhawang nga raw ang dulot ng Mount Kamuning.
06:32It's inconvenient. It's uncomfortable. It's not inclusive. It leaves out many vulnerable sectors.
06:42Pero ngayong buwan, sisimula na ang pagtatayo ng Kamuning footbridge na nagkakahalaga ng P86 million pesos kasama na ang rehabilitasyon ng Kamuning station.
06:51Maliwala si ito, may elevator at wheelchair lift at maliwanag sa gabi. Halos kapantay na lamang ito ng release ng MRT3.
06:58Isang kanto lamang ang layo mula dito sa Scout Borromeo Nia Road na footbridge na tinagurya ng Mount Kamuning.
07:05Yung itatayo na Kamuning footbridge.
07:08Yan ay sa mismo ng Kamuning station ng EDSA Bus Carousel.
07:12Mas mababa na ito at accessible sa maraming commuter.
07:16Hindi raw magiging sagabal ang konstruksyon nito sa daloy ng trapiko sa EDSA.
07:20Minimal yung magiging epekto at yung mga, kunyari yung mga bridge na yan,
07:24kagaya nung nakikita niyo yung ginagawa nila ngayon sa Mega Mall,
07:28nagtatrabaho lang sila para maisara ang EDSA.
07:31Madaling araw, I think, arawuna ng madaling araw hanggang aras 4 ng madaling araw.
07:38Ayon sa ilang commuter group, maganda raw na papalitan na ang mga Kamuning pero...
07:42Yung best practice sa mga ibang bansa is what we call upgrade, meaning ground level yung crossing.
07:51Gagawa tayo ng pedestrian crossing dito sa EDSA, tapos may traffic light.
07:57Sa Desyembre, target buksan ng Kamuning footbridge at saka pa lamang gigibain ang Mount Kamuning.
08:02Bahagi ito ng rehabilitasyon ng mga estasyon ng EDSA busway at iba pang proyektong imprastruktura para sa mga commuter.
08:09Pumihingi ang DOTR sa Kongreso ng halos 200 bilyong pisong budget na ang bulto gagastasin para sa mga malalaking mass transit project
08:18tulad ng Metro Manila Subway Project, North South Rail Commuter Project at LRT Line 1 Cavite Extension Project.
08:25Para sa GMA Integrated News, ako si Joseph Morong, ang inyong saksi.
08:29Dalawang banghay ng babae ang natagpuan sa gilid ng isang highway sa Palawig, Zambales.
08:35Taga-talak daw ang mga biktima at batay sa inisyal na investigasyon,
08:39ba't na alas tres ng madaling araw na marinig ng isang residente ang sunod-sunod na putok ng baril pero hindi na niya ito pinansin.
08:48Pasado alas seis na umaga, doon na niya nakita ang wala ng buhay na katawan ng dalawa sa isang kanal.
08:54Kabilang sa mga na-recover sa crime scene, ang limang empty shell ng kalibre 45 baril.
09:01Patuloy ang investigasyon.
09:04Arestado sa Puerto Princesa City ang grupo ng mga estudyante na pinagkukunan umano ng sigarilyong tuklaw.
09:11Ang mga suspect, nahulihan din daw ng mariwana.
09:14Saksi si June Veneracion.
09:19Tatlong linggo mula nang mag-viral ang pangingisay ng tatlong kabataan sa Palawan dahil sa paghitit umano ng sigarilyong tuklaw o black cigarette.
09:29Na-aresto na sa isang viva sa operation ng grupong pinagkukunan umano ng kontrabando.
09:34Limang estudyante na edad 19 hanggang 25.
09:37Ito kasing nahuli natin is the identified source of the tuklaw na may synthetic cannabinoid niya dito sa Puerto Princesa.
09:47Bukod sa synthetic cannabinoid at iba pang ebidensya, nakuha nandiyan daw sila ng mariwana.
09:52Nasampahan sila ng reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act at nasa kusadiya pa ng pulis siya.
09:59Sinusubukan pa namin bakuha ang kanilang paning.
10:01Marami pa ang ating tinitingnan mga tao at sisiguraduhin natin na hindi na ito maglipaan na pa.
10:06Sinasabing galing Vietnam ang mismong tuklaw.
10:09Pero ang synthetic cannabinoid na inihalo sa tuklaw ang naging sanhi umano ng pangihisay ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency o PIDEA.
10:17Base sa investigasyon ng PNP, online ang bentahan ng mga sospek.
10:22Ang isang milliliter ng synthetic cannabinoid, 300 pesos daw ang kanilang benta.
10:27Inaalam pa kung kanino sila kumukuha ng supply ng iligal na droga.
10:30Sabi ng PNP, tulad ng ibang droga, tinututukan din nila ngayon ang tuklaw na may halong synthetic cannabinoid.
10:38May mga illicit trading routes na tinitingnan natin na maaaring pinagladaanan ng mga substance na ito.
10:46Ang problema, marami umuno sa rabibiktima ay ang mga kabataang sumusubok kumamit dala ng murang pag-iisip.
10:52Walang mabuting inudulot sa inyo yan. At itong bottom line lang dyan, wala pa akong nakita ang adik na maganda at gwapo.
10:59Lahat ng adik, pangit. Tingnan nyo ang before and after. Artista, napakaganda na adik, tinan mo isura. Diba?
11:06Para sa GMA Integrated News, June venerasyon ang inyo. Saksi!
11:10Nilinaw ng Davao City Council na hindi nila idineklara ang persona ng grata si Vice Ganda.
11:18Pero kinundin na nila ang viral na jet ski holiday joke ng komedyante.
11:23At si Sen. Rodante Marcoleta naman, bagamat walang pinangalanan sa pagdinig ng Senado, may inungkat na biro.
11:30Kagay sa kanya. Saksi! Si Maav Gonzalez!
11:33Sa pagdinig ng Senado ukol sa online gambling kanina, may ibang isyong inungkat si Sen. Rodante Marcoleta.
11:44Puya tayong nag-sponsor nung isang concert. Ngayon-ngayon lang, pati po ako ay kanyang idinawit.
11:54Bigla ba niya naman sinabi, tingnan nyo yung mukha ni Marcoleta kung matatawa kayo.
11:59Napakawalang hiyanong tao na yun, Mr. Chair.
12:03Ayaw ko na pong patuksin siya.
12:06Bagamat wala siyang pinangalanan, nag-viral online ang mga video ni Vice Ganda na nag-joke ukol sa Senador.
12:12Wow! Sige, titigyan mo nga si Marcoleta. Tingnan ko kung matatawa ka.
12:21Joke! Joke! Joke! Joke! Wala ka! Yung pala nagsisori na ako.
12:25Meron ding joke si Vice Ganda tila tungkol kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
12:29Doon, tinungkol niya ang jet ski holiday sa West Philippine Sea na may kasamang libreng trip sa The Hague ng ICC para sa mga DDS.
12:38Sa pamamagitan ng isang resolusyon, kinundinan ang Davao City Council ang biro ni Vice Ganda.
12:44Ayon kay Counselor Danilo Dayang Hirang, hindi nararapat na gawing biro ang kalagayan ni Duterte,
12:49ang nahalal na mayor ng Davao City, lalo na dati siyang presidente ng bansa.
12:53I-gin-it ni Dayang Hirang na bilang isang sikat na celebrity, may malaking papel ang komedyante na pagbuklo rin ang mga mamamayan.
13:01Pero salungat daw ang nangyari matapos ang nasabing biro.
13:05Sabi naman ang Davao City Council, wala itong panahong ideklara pang persona ng grata si Vice Ganda.
13:10Masyado raw itong mababaw at hindi karapat dapat pagtuunan ng atensyon.
13:15Kinukunan pa namin ang panig si Vice Ganda.
13:17Para sa GMA Integrated News, ako si Mav Gonzalez, amin yung saksi.
13:21Posibleng siya sa atin ng COMELEC ang campaign donation sa mga kumandidato noong 2022 at ngayong taon
13:29para makita kung kasama sa mga nagbigay ay mga kontratista ng gobyerno na ipinagbabawal po sa batas.
13:37I-dinatali naman ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang mga nakuha niyang informasyon mula mismo sa ilang kontratista
13:45kung paano raw pinaghahatian ang pondo na nakalaan para sa proyekto ng gobyerno.
13:50Saksi, si Mackie Pulido.
13:56Nag-volunteer si Baguio City Mayor Benjamin Magalong na imbesigahan ang flood control projects.
14:02Hindi naman daw pwedeng kongreso ang mag-imbestiga dahil parang i-imbestigahan nila ang sarili nila.
14:07People will volunteer to submit pieces of evidence, pati mga people involved, basically.
14:19Talagang maglalabas siya kasi takot din sila lahat eh. Alam nila na may i-ipit sila eh.
14:23Ayon kay Magalong, kalimitang moro-moro lang ang mga bidding.
14:27Ang paboritong construction companies daw na mga politiko ay ang mga mabilis umano magbigay ng kickback sa kanila.
14:33Sabi raw ng mga nakausap niyang kontratista sa 100% na project cost, 25% umano ang ibibigay sa committee on appropriations ng kongreso,
14:425 to 10% para sa kongresista na kung tawagin ay parking fee o pass-through,
14:473% sa bids and awards committee ng DPWH,
14:50at may 3% din na mga lumahok sa moro-moro na bidding.
14:54Kung 12% ang kita ng construction company, 30% na lang daw ang matitira para sa mismong flood control project.
15:01Ang kwento nga dyan, naman ang de-contractor, sabi niya, kung sino pa ang di pumipirma sa dokumento,
15:08siya pa ang may pinakamalaking porsyento.
15:12Sipin mo, pag nagkakaso, sinong kakasuhan?
15:16Yung mga nakapirma sa dokumento, sa kontrata, DPWH, at yung kontrakto.
15:23Pero yung pinakamalaking mga porsyento, ito yung mga politiko eh.
15:27Anong sabi, paano sila masasabi?
15:28Ang Malacanang ginimok si Magalong na ilahad sa Pangulo kung anong may tutulong nito.
15:33May naiset na raw ng mekanismo ang Pangulo kung paano iimbestigahan ang mga proyektong ito.
15:38Walang timeline na ibinigay si Pangulong Bongbong Marcos,
15:41bagamat na isumanon niyang mabilisan ang pag-iimbestiga.
15:44Pag diin pa ng palasyo, dapat may mapanagot sa palpak na flood control projects o kaya ay ghost projects.
15:50Ayon kay Pangulong Marcos Jr., dapat na may managot sa ganitong uri ng kapabayaan,
15:57katiwalian, at panluloko at tiyakin na mananagot sa batas ang lahat ng may sala.
16:05Nakakadismaya at nakapagtataka kung bakit napupunta sa mga pabayang contractors ang mga ganitong proyekto.
16:11Ang COMELEC, posible rin daw mag-imbestiga kaugnay ng campaign donations ng mga kontratista ng gobyerno,
16:18lalo't pinagbabawal ito ng Omnibus Election Code,
16:21kasama sa titignan ng Statement of Contributions and Expenditures o SOSE na mga tumakbo noong 2022 at ngayong taon.
16:28Tanggat hindi tapos ito yung prescriptive period,
16:31ay pwede po po kami gumawa ng lahat ng hakbang dahil nasa amin pong jurisdiction pa yan.
16:37Sa gitna ng mga issues sa flood control projects, mahigit P270 billion ang ipinapanukalang budget ng DPWH para sa taong 2026.
16:46Mas mababa ito ng mahigit P75 billion kumpara ngayong taon.
16:50Dapat ang implementing agencies po natin marunong mag-monitor ng mga proyekto
16:58to make sure na yung mga proyekto po ma-implement ng tama at saka sa tamang oras po.
17:05Sa ipinapanukalang budget, sabi ng DPWH, may mga bagong flood control project at bagong pondo para sa pagpapatuloy ng mga nasimulan na.
17:13Giyit ni DPWH Secretary Manny Bunuan, mahigpit ang kanilang bidding process.
17:18Yung bidding process is a very structured process. It's an open competitive bidding po.
17:24Scrutinized naman sa legal, technical and financial status of every bidder.
17:30DPWH ang pangunahing implementing agency ng mga flood control project.
17:35Direktiba sa kanila ni Pangulong Bongbong Marcos, i-blacklist ang mga palpak na kontratista sa mga flood control project.
17:42Sa labing limang contractors na inilista ng Pangulo na naka-corner ng 20% ng kabuang pondo para sa proyekto,
17:49nakita ng GMA Integrated News Research na anim ang binigyan ng poor
17:53o kaya'y unsatisfactory rating sa Contractors Performance Evaluation System o CPES,
18:00base sa siyam na government projects na kanilang ginawa.
18:03Ginawang pagsusuri ng Construction Industry Authority of the Philippines para sa mga proyekto mula July 2015 hanggang June 2025.
18:12Base sa CPES Implementing Guidelines, ang contractor na nagkaroon ng poor o unsatisfactory rating
18:18ay magiging blacklisted sa paglahok sa alinmang proyekto ng gobyerno alinsunod sa Government Procurement Policy Board.
18:25Para sa GMA Integrated News, ako si Maki Pulido, ang inyong saksi.
18:30Bagay ang lumakas ang epekto ng habagat sa malaking bahagi ng bansa, kaya asahan pa rin ang maulang panahon bukas.
18:37At sa pag-asa, posibleng makaapekto rin sa pag-iral ng habagat ang potensyal na low-pressure area
18:42na maaring mabuo sa mga susunod na araw sa paligid ng bansa.
18:47Basa sa datos ng Metro Weather, bukas na umaga may tsansa ng kalat-kalat na ulan
18:51sa Mimaropa, Bicol Region, Ilocos Region, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula at Northern Mindanao.
18:59At bandang tanghali at hapon, halos buong bansa na ang makakaranas ng maulang panahon.
19:04May heavy to intense rains sa malaking bahagi ng Luzon, Summer Provinces, Western Visayas at Northern Mindanao.
19:12Kaya patuloy na maging alerto sa Bantanabaha o landslide.
19:15Sa Metro Manila, posible rin ang malalakas na buhos ng ulan dala ng thunderstorms sa hapon noong gabi niya.

Recommended