Kinilala ang dating aktres na si Nadia Montenegro, na staff na ngayon ni Senador Robin Padilla, sa sumbong ng umano'y paggamit ng marijuana sa Senado. Itinanggi raw ito ni Montenegro. Pero patuloy ang imbestigasyon. May report si Mark Salazar.




State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Kinilala ang dating aktres na si Nadia Montenegro na staff na ngayon ni Sen. Robin Padilla
00:05sa sumbong ng umano'y paggamit ng marihuana sa Senado.
00:09Itinanggi raw ito ni Montenegro pero patuloy ang investigasyon.
00:13May report si Mark Salazar.
00:18Ang dating aktres na si Nadia Montenegro na staff ngayon ni Sen. Robin Padilla
00:24nabanggit sa isang incident report ng Office of the Sergeant at Arms.
00:28Sa incident report ng Senate Sergeant at Arms na si LSO1 Victor Patelo
00:34may simoy ng tila marihuana sa loob mismo ng gusali ng Senado.
00:40Hindi lamang isa kundi sa dalawa ng pagkakataon.
00:44Noong Hulyo itinawag sa kanya ang tungkol sa malakas na amoy sa 5th floor.
00:49Nang inspeksyonin wala siyang nakitang naninigarilyo.
00:52August 12, isa pang staff ng isang Senador
00:55ang nagsumbong na may kakaibang amoy galing sa ladies' room
00:59ng extension offices ng mga Senador.
01:02Inahilintulad nito ang amoy sa marihuana.
01:05At sabi niya ang tangi umanong na sa area ay si Nadia Montenegro.
01:09Nang tanongin ni Patelo si Montenegro,
01:11itinanggi niyang nanigarilyo siya sa loob ng ladies' room
01:14o gumamit ng marihuana.
01:16Pero mayroon daw siyang vape sa bag
01:19at baka ito raw yung pinanggalingan ng kakaibang amoy.
01:22Sinusubukan naming makakuha ng pahayag mula kay Montenegro.
01:25Sa isang pahayag, sinabi ni Sen. Secretary,
01:28Atty. Renato Bantog Jr.
01:31na inatasan niya ang Sen. Sergeant at Arms
01:33na magsagawa ng imbistigasyon.
01:36Sa utos din ni Sen. President Chief Escudero,
01:39ipinadala ng Secretary of the Sen.
01:41ang incident report tungkol sa umanong paggamit ng marihuana
01:44sa opisina ni Sen. Padilla para sa kanyang kaalaman
01:48at naaakmang aksyon.
01:50Hindi pa nagbibigay ng pahayag si Padilla
01:53pero ayon sa kanyang Chief of Staff,
01:55iniimbestigahan na nila ito
01:56at pinagpapaliwanag na rin ang nasasangkot nilang staff.
02:00Mark Salazar, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
02:05Huwag magpahuli sa mga balitang dapat niyong malaman.
02:08Magsubscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube.
02:14Hãy subscribe cho kênh La La School Để không bỏ lỡ những video hấp dẫn
Comments

Recommended