00:01Kapapasok lang pong balita, yan ang live nakuha sa sunog ngayon sa isang residential area sa Santa Mesa sa Maynila.
00:08Ayon sa Bureau of Fire Protection o BFP, itinaas na sa ikatlong alarma ang sunog pasado las 5 ng hapon.
00:15Wala namang naiulat na nasaktan.
00:17Hindi pa malinaw sa ngayon ang mitya ng apoy.
00:20Inaalam pa ang halaga ng pinsala at kung ilan ang mga naapektohang residente.
00:27Tinapyasahan ang Senado ng 77 bilyong piso ang pondo ng Department of Public Works and Highways o DPWH para sa
00:35susunod na taon.
00:36Ayon po kay Santa Nance Committee Chair, Senator J.B. Ejercito, kabilang sa inalisan nila ng pondo ang 295 projects
00:44na hindi umano nakakompli sa mga technical requirements.
00:47Gayun din, ang 36 na DPWH buildings at iba pa ang mga non-compliant na proyekto, lalot mahigpit ang pagpapatupad
00:55nila ng mga panuntunan ngayon.
00:58Dagdag ni Ejercito, umaasa silang makatutulong naman ang mga district projects para rin mapabilis ang paglago na ekonomiya.
01:11Pinatawag na po tayo ng bundok at kung hashtag stress na sa init at ingay na metro, now is the
01:18perfect time.
01:20Ba't di subukang mag-unwind muna at lumanghap ng sariwang hangin sa tuktok?
01:25Saan tayo? Sa pagtutok ni Katrina Son.
01:33Ihanda na ang mga gear at iba pa ang gamit dahil mamumundok tayo for today's video.
01:40Akyat tayo sa Mount Inaknam sa Bintar, Ilocos Norte.
01:44Magbaon ng sandamakmak na pasensya at sapat na lakas.
01:48Aabot kasi ng 2 hanggang 3 oras ang hiking.
01:52Sakaling mapagod, may nakahandang istasyon kung saan pwede munang mag-slow down.
01:57Worth it naman ang hike.
01:59Dahil sa tuktok, masarap na simoy ng hangin ang naghihintay.
02:04Makipag-ugnayan lang sa mga tour guides sa barangay para sa mas ligtas at maayos na paglalakbay.
02:12Next stop, sa lunti ang paligid na ito, na punong-puno ng mga puno.
02:18Nagtatago ang isang paraiso.
02:21Matatagpuan niyan sa hungduan ifugaw.
02:24Matatanaw lang naman dito ang hagdan-hagdang palayan,
02:28Mount Napalawan,
02:30at may mga madaraan ng ilog at talon.
02:34Patok ang lugar sa mga ultra-marathoner at sa mga nagma-mountain trail running.
02:38Pero syempre, safety first.
02:41Kaya kinakailangan makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan ng hungduan.
02:46O, saan tayo sa susunod na pasyal o food trip?
02:50I-share niyo na sa 24 Horas Weekend Page ang inyong travel at food adventures.
02:56Katrina Son, Nakatutok, 24 Horas.
03:02Mga kapuso, 34 na araw na lang po, Pasko na.
03:07Ramdam na yan sa Davao del Norte at Negros Oriental kung saan pinailawan na ang naglalakihan mga Christmas tree.
03:14Sa Mandaluyong naman, pwedeng mag-food trip at mag-shopping sa isang Christmas bazaar.
03:19Nakatutok si Bea Pinlac.
03:31Nagliwanag ang paligid ng pailawan kagabi ang higanting Christmas tree sa Tagum City, Davao del Norte.
03:37Ang disenyo, labing isang layer ng pinagpatong-patong na regalo na simbolo raw ng mga biyayang natanggap ng mga taga
03:44-tagum ngayong taon.
03:46Pinaningning yan ng mahigit isang libong light bulbs at LED lights.
03:50Ayon sa Tagum LGU, record-breaking ang 232 feet na Christmas tree na mas mataas sa 231 feet na Christmas
03:58tree nila noong nakaraang taon.
04:06Sinabayan naman ang magandang fireworks display ang pagpapailaw sa 50 feet na Christmas tree ng Bayawan City sa Negros Oriental
04:13kagabi.
04:14Pinalamutian niya ng malalaking bulaklak at mga prutas na simbolo ng masaganang ani sa lungsod.
04:20Tampok din doon ang Belen Festival na dinarayo ng mga turista.
04:24Kasabay ng Christmas tree lighting ceremony ang pagdiriwang ng 26th Charter Day Anniversary ng lungsod.
04:30Sa mandaluyong naman, mabubusog ang mga mata at tiyan sa dami ng tindahan sa Christmas bazaar.
04:36Sa paligid ng Christmas tree ng Barangay Hulo, sunod-sunod ang mga food stall at tiyangge na pwedeng pasyalan.
04:43Masaya kasi po nalilibot po ng mga tao eh and paggutom, sakto po.
04:48Kasi hindi kumpleto ang Pasko, pag hindi kumain ang puto-bombong bibingka.
04:51Bukod sa pasyalan, layon din ang Paskuhan sa Hulo na makatulong din sa mga lokal na negosyo.
04:58Malaking tulong ito sa ating mga small and small medium micro-enterprises owner kasi alam naman natin ngayon na ang
05:04hirap ng buhay.
05:05Bea Pinla, nakatutok 24 oras.
05:14From PBB Housemate Era, papasukin na ni ex-PBB 3.0 kapuso housemate Ethan Benares ang kanyang singing era.
05:23May ilalabas siyang debut single soon, ang Memory of You.
05:27Sa isang livestream nitong Webes, binigyan ni Ethan ng sneak peek ng kanta ang kanyang fans.
05:32Kwento niya tungkol daw ito sa Heartbreak.
05:35At pagka-miss sa isang tao, naku, masusundan kaya ito?
05:40I'm in the process of making a melody and creating a song with it po.
05:46So hopefully another new song po.
05:56Thanks, Nell. Sino nagsasabing para lamang sa mga bata ang amusement rides?
06:01Naku, may tila kontra dyan.
06:03Lola, pasok!
06:09Siya ang 63 anyo sa si Lola Fevel Lago Bodadilla.
06:14Game na game na sumakay sa depedal na roller coaster sa isang water park sa may kawayan, Bulacan.
06:21Sa bawat padyak, unti-unting gumagalaw ang bagon paakyat.
06:25At nang pababa na ito, dito na nagpaikot-ikot at nagpagewang-gewang si Lola.
06:31Na parabang sinapian na yan siya.
06:34Kwento ng kanyang anak at uploader na si YouSuper Jessa.
06:37Wala na nagawa kundi magtawanan silang pamilya habang nanunood.
06:42At kahit medyo sumakit daw ang balakan ng ina, poor memory na itong maituturing sa kanila.
06:47Kaya tandaan, you're never too old or too young to enjoy life.
06:51Kaya tandaan, you're never too old or too young to enjoy life.