00:00Para sa mga nagaanap ng trabaho bilang hotel worker, may good news ang Bansang Croatia.
00:05Ikinakasa ang government-to-government na programa na wala raw placement fee.
00:10Saksi si JP Soriano.
00:15Cashier sa isang hardware chain sa Pilipina si Jessa.
00:19At masaya naman daw sa kanyang trabaho.
00:21Pero dahil lumalaki na ang kanyang mga anak,
00:24panahon na raw para maghanap ng trabaho may mas malaking sahot.
00:28So gusto ko sana maka-experience ng international.
00:33So kahit yung mga sa hotel, mga housekeeper po.
00:37Ang target na trabaho ni Jessa,
00:40swak sa oportunidad na binubuo ngayon ng Department of Migrant Workers at ng Bansang Croatia.
00:46Mangangailangan kasi ang Croatia ng libon-libong hotel workers gaya ng housekeepers, front desk at office staff.
00:54At ang target, government-to-government o G2G.
00:58Wala itong placement fee at direkta sa DMW ang application.
01:03At hindi daraan sa anumang agency.
01:05Pero dahil binubuo pa lang, paalala ng DMW.
01:10Abangan lang po yung kaukulang announcement.
01:13Magpapatul sa illegal recruiter.
01:14Ang Public Employment Service Office o Peso ng Maynila,
01:18kaisa ang TESDA, DOLE at DMW,
01:20pinangunahan ang Mega Jobs Fair na itinaon ngayong National Heroes Day.
01:25Kabilang sa mga kumpanya at employers na lumahok,
01:28ay nakabase sa Japan, Norway, Lithuania, Saudi Arabia at Ireland.
01:34Ayon sa peso,
01:35daan-daang Pilipinong manggagawa gaya ng driver, welders at farmers o magsasaka,
01:40ang kailangan ng Japan.
01:43Estimated po, converted po sa peso is around 70 to 90 thousand po.
01:48And ang maganda po dyan,
01:49sagot na po ng employer lahat,
01:52yung accommodation, pati yung food po nila.
01:54Pero kwalifikado man sa skills sa trabahong inaalok sa Japan,
01:58ang kadalasang problema ay hindi marunong ng salitang ni Hongo o Japanese ang aplikante.
02:04Dito papasok ang Language Skills Institute ng TESDA na siyang tutulong para magbigay ng language training skills.
02:12Kung trabaho naman sa Pilipinas, ang mga in-demand na trabaho ngayon.
02:16Kapalapit na yung Vermont.
02:18So meron po tayong mga store crew, mga sales representatives.
02:22Nandyan din po yung mga housekeeping.
02:24So syempre yung mga hotels po kasi natin, medyo maraming ngayon ang...
02:28Medyo nagbuboom sila ngayon.
02:29Kung na-miss nyo po ang Mega Jobs Fair ngayong National Heroes Day,
02:32e pwede pa naman po kayo mag-apply parate sa mga local employment office sa mga lunsod at munisipyo sa buong Pilipinas.
02:39Maaaring tignan ang pinakamalapit na peso sa inyong lugar sa website ng peso at fill job net ng dole.
02:46Muling paalala ng DMW, huwag kakagati at huwag na huwag mag-a-apply sa mga trabahong inaalok sa social media.
02:53Pati na rin sa cross-platform instant messaging apps para hindi mabiktima ng illegal recruiters at maging biktima ng human trafficking.
03:03Kahit pa inaalok ng isang otorizadong ahensya ang mga trabaho abroad,
03:07tignan muna kung aprobado ang job orders at kung lisensyado ang recruitment agencies sa website ng DMW.
03:15Para sa GMA Integrated News, ako po si JP Soriano, ang inyong saksi.
03:20Mga kapuso, maging una sa saksi.
03:25Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.