Iniimbestigahan ng mga awtoridad ang kumakalat na video ng mga PInoy na pinangakuan umano ng trabaho sa Russia—pero isinasailalim sa training para sumabak umano sa giyera!


24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Inimbisigahan ng mautoridad ang kumakalat na video ng mga Pinoy na pinangakuan umano ng trabaho sa Russia,
00:06pero ay sinasailalim sa training para sumabak umano sa gera.
00:11Nakatutok si JP Soriano.
00:16Tulong!
00:18Nananawagan ako sa gobyerno ng Pilipinas.
00:21Ongoing yung training namin, almost one month na.
00:24Dahil pupunta daw kami sa war,
00:27so kailangan namin ang agarang aksyon ng gobyerno ng Pilipinas.
00:31Yan ang panawagan sa gobyerno na mga Pilipinong nasa Russia ngayon matapos mabiktimaan nila ng human trafficking.
00:38Ibaraw ang ipinangakong trabaho sa kanila.
00:41Kami po mga Pilipino ngayon nandito sa Russia na pinangakuha po ng trabaho na cleaner,
00:47subalit kami po nasa undergone ng training, ginagawa po kami sundalo.
00:51Hirap na raw sila sa kanilang sitwasyon.
00:54Halos almost 30 kataka kami dito lahat.
00:57Nahihirapan na kami dito dahil sa training na ito at gagawin kami mga army dito.
01:04Tulong lang sir! Tulong lang sir! Tulong!
01:05Tulong lang pa na makauwi! Tulong!
01:08Tulong lang kami tulong!
01:09Tulong lang!
01:10Kwento sa GMA News ng asawa ng isa sa mga nasa video.
01:13Dating barbero sa Middle East ang kanyang asawa,
01:16pero nakumbinsing maging cleaner o construction worker sa Russia dahil sa malaking sweldo.
01:22Yung per month na pinangako sa kanila is $160,000 to $180,000 per month.
01:32Tapos magkakaroon pa po sila ng $400,000 upon signing po ng contract.
01:40Ang in-renew daw po yun so magiging ano na daw po sila Russian citizen tapos dadalin yung pamilya doon
01:50para doon na daw libre lahat.
01:53Accommodation, may allowance, libre yung mga anak sa pag-aaral.
01:59Kalaunan, hindi na raw masyadong nagpaparamdam ang asawa.
02:03Sa kaanak lang niya nalaman ang kinahinatna ng kanyang asawa.
02:07Hindi raw niya alam kung saang digmaan isasabak ang mister o kung may kinalaman ba ang Russian government nito.
02:13Pero nangangamba siya dahil alam niyang nagpapatuloy ang digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine.
02:20Kaya nananawagan siya na matray sana agad kung nasaan ang asawa at iba pa nitong kasama.
02:26Sabi ni Migrant Worker Secretary Hans Katdak,
02:29nagpulong na ang Department of Foreign Affairs Interagency Council Against Trafficking o IACAT para aksyonan ang panawagan.
02:37Dahil lubhang sensitibo ang kasong ito, limitado muna ang mabibigay na informasyon ng DMW at iba pang ahensya ng gobyerno.
02:44Lalo pat ang priority ngayon ay ang kaligtasan ng mga Pilipinong nasa video na nagpapasaklolo.
02:49Pero ang tiyak daw, meron na mga persons of interest na nasa likod sa malawakang recruitment scam na ito.
02:55Sabi ni Katdak, talamak pa rin ang operasyon ng mga taong nasa likod ng military service o force conscription trafficking.
03:03Ang modus, aalukin ng nakakalulang sahod at binipisyo ang mga Pilipino na kadalas ay mga dating pulis at sundalo
03:11o nagkaroon ng military training para magtrabaho sa mga bansa gaya ng Russia.
03:16Ang iba, alam daw na isasabak na sa military training at gera, pero meron ding hindi ito batid.
03:23That's a red flag in itself. So huwag pong magpatuloy pag ganyan.
03:30And of course, yung modality hindi dumadaan sa DMW, hindi dumadaan sa Philippine government,
03:35ang kontrata at ang mismo documentation ng worker, ng deployment ng worker, yung transport.
03:43Kung nagmumula dito ay through the back door.
03:45Kaya about three weeks ago, may nasubok kami together with law enforcement and IAC at apat na nagsubok na lumabas
03:52through Zambuanga.
03:53Nitong Oktubre, isang Pilipino ang nasawi habang nakikipaglaban sa Ukraine para sa Russia,
03:58ayon sa impormasyong nakarating sa DFA.
04:02Kausap naman ng Department of National Defense o DND ang DMW kaugnay sa issue.
04:07Hinimok ng kagawara ng publiko na maging mapagmatyag laban sa mga mapagsamantalang sindikato ng recruitment
04:14na maaaring maglagay sa panganib sa kanilang buhay at kaligtasan.
04:19Sinusubukan pa namin kunan ng pahayag ang DFA kaugnay nito,
04:22pero nauna na silang nagbabala kaugnay sa umanoy recruitment ng mga Pinoy para sa digmaan.
04:28Karaniwan daw na galing ang mga ito sa Middle East at mga Pilipino rin ang umanoy nag-recruit.
04:34Ako po si JP Soriano, nakatuto 24 oras.
Comments

Recommended