-DPWH Navotas, binato ng mga bulok na tahong
-Mga Discaya, ikinanta ang mga mambabatas, taga-DPWH at ilang opisyal na humirit daw ng kickback
-Sen. Sotto, pinalitan si Sen. Escudero bilang Senate President
-Charlie turns 17 |27th birthday ni Angel, pata vs itak sa "My Father's Wife; atbp.
-Farewell messages sa intern, galing sa mga 'di niya kakilala
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: / gmanews
TikTok: / gmanews
Twitter: / gmanews
Instagram: / gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
-Mga Discaya, ikinanta ang mga mambabatas, taga-DPWH at ilang opisyal na humirit daw ng kickback
-Sen. Sotto, pinalitan si Sen. Escudero bilang Senate President
-Charlie turns 17 |27th birthday ni Angel, pata vs itak sa "My Father's Wife; atbp.
-Farewell messages sa intern, galing sa mga 'di niya kakilala
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: / gmanews
TikTok: / gmanews
Twitter: / gmanews
Instagram: / gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00State of the Nation
00:07State of the Nation
00:11State of the Nation
00:25State of the Nation
00:32State of the Nation
00:34State of the Nation
00:36State of the Nation
00:38State of the Nation
00:40State of the Nation
00:42State of the Nation
00:44State of the Nation
00:48State of the Nation
00:50State of the Nation
00:52State of the Nation
00:542,000 police were taken to the DPWH, Senado, Kamara, Mendiola at EDSA.
01:01May stand-by ring 1,000 police mula Camp Bagong Diwa sa Tagit.
01:06Ikinanta ng mag-asawang diskaya sa Senado ang ilang mambabatas, taga DPWH at iba pang opisyal na anilay humirit sa kanila ng kickback para di maipit ang kanilang proyekto sa gobyerno.
01:27Todo tanggi ang ilan sa mga idinawit ng mga diskaya. May report si Darling Kai.
01:32Handa po kaming tumistigo ng walang pilit at kusang loob bilang state witness at sabihin ang lahat ng nangyayaring katiwalaan ng Kamara, DPWH at iba pang magkawani ng gobyerno upang gawin ang tama.
01:48Sa Senate Blue Ribbon Committee hearing kaugnay sa maanumaliang flood control projects, pinangalanan ng mag-asawang Pasifiko at Sara Diskaya ang labimpitong dati at kasalukuyang kongresista,
02:00isang regional director ng DPWH, limang district engineer, isang undersecretary ng DPWH, dating undersecretary sa ilalim ng Office of the President,
02:09at isang direktor ng Unified Project Management Office na humingi umano sa kanila ng kickback para sa mga government project.
02:16Ilan sa mga ito ay personal daw na inabutan ang pera ng mga diskaya para hindi maipit ang implementasyon ng kanilang proyekto.
02:2510 to 25 percent daw na halaga ng kontrata ang hinihingi in cash at walang resibong pinipirmahan.
02:31Ito ay binibigay namin sa kanila ng cash. Ang bawat transaksyon ay may karampatang voucher at ledger na nagsasad ng mga araw at kung kailan nila ito natanggap.
02:40I move that we subpoenaed that ledger, Mr. Chair, so that we'll have a copy here.
02:45May mga kickback na inabot daw sa mga chief of staff o staff na mga politiko.
02:49Meron din anilang mga taga DPWH na nagbanggit ng pangalan ng politiko.
02:53Lumapit sa akin ang DPTOWS project engineer na si Angelita Garucha para kolektahin ang parte ni Kong Roman Romulo sa flood control projects noong 2022.
03:04Pagdating ng 2025, si District Engineer Aristotle Ramos ang sumunod na nagpakilala na bagman ni Kong Roman Romulo kung saan 30 percent ang kanyang hinihingi ay para kay Kong Roman Romulo.
03:19Sabi daw ng karamihan sa mga nakausap nilang taga DPWH, ang pera ay para kina House Speaker Martin Romualdez at ako Bicol Partylist Representative Elizaldico, chairman noon ng House Committee on Appropriations.
03:31Nabanggit din sila ni Usuag Partylist Representative Jojo Ang Jr.
03:35Si Kong Jojo Ang naman, lagi ring binabanggit sa lahat ng projects sa kanya ay paponto ni Speaker at ni Zaldico.
03:41Sa computation ni Senate Blue Ribbon Committee Chairperson Rodante Marculeta, 25 percent ng halaga ng proyekto ang para kina Romualdez at ko.
03:505 percent naman ang parking fee para sa mga congressman, 6 percent para sa Bids and Awards Committee, 7 percent para sa DPWH at tax na 7 percent.
03:59Ang natitira para sa proyekto, 35 to 38 percent na lang.
04:04Sabi ng mga diskaya, 3 to 5 percent na lang ang natitira sa kanila.
04:08Bagamat 3 to 5 percent na lang daw ang natitira sa kanilang kumpanya, itinanggi ng mga diskaya na substandard ang kanilang mga proyekto.
04:16Wala pong substandard, tama pa rin.
04:18Para sa ka kasi, hindi po siya papasa sa testing ng DPWS.
04:22Hindi ako naniniwala na papasa sa DPWS, kasabot na hunin niyo yung district engineer at saka regional director.
04:27I don't think 2 percent lang po ang kinikita niyo rito, 3 percent.
04:31Magpapakanda hirap kayo, 2 to 3 percent.
04:33Kakayanin ba ng 2 to 3 percent yung mga sasakyan na binili niyo na pagka dami-dami po?
04:37I mean, that's just way, ika nga, unbelievable po.
04:4123 years naman po namin pinaghihirapan po yun.
04:44Nang tanungin ni Estrada kung may Senador bang sangkot, may ibiniro si Marcoleta na tila dinagustuhan ni Estrada.
04:51Senador, meron ba?
04:52Your Honor, wala po.
04:55Safe ka na.
04:57Sigurada po.
04:58You know, I resent that statement, Mr. Chair.
05:01I resent that statement.
05:02Safe ka na.
05:03Mr. Chair, I move that you strike of the record that you strike of the record.
05:08Kailan mo naman, biro lang naman yun eh.
05:10Wala yun, wala yun.
05:11Humiling sa komite ang mag-asawang diskaya ng seguridad para sa kanilang pamilya.
05:15Sagot dito na Justice Secretary Crispin Remulia.
05:18Kung meron silang nakukuhang pera ang hindi dapat, isa uli nila sa Republika before you can even be considered for immunity.
05:29Si Speaker Mualdez tinawag ang sinabi ng mga diskaya na kasinungalingan, mali, malisyoso at pawang name dropping lang.
05:38Di raw siya tumanggap at di tatanggap ng suhol mula kanino.
05:41I-gini-it ni Kona walang patunay ang mga aligasyon ng anya'y sabi-sabilang at politically motivated para linlangin ang publiko at tumihis sa accountability.
05:50Pumalag din ang iba pang nadawit na kongresista.
05:53So sa totoo, hindi man ako nakikialam sa bidding.
05:56Pero siguro dahil nga doon na hindi ako nakikialam ng bidding, madali niyang masabi.
06:01Hindi po totoo ang mga sinabi niya.
06:03Nino ni Sarah o ni Curly Diskaya, di ko nakita.
06:07I have never spoken to them, nor have I ever authorized or allow any representative to deal with them.
06:15I will also file a libel case against the Diskaya.
06:19Para kay Marikina 1st District Representative Marcy Teodoro, demolition job o paninira ang paratang ng mga diskaya.
06:26Di pa raw siya mambabatas nang mapunta sa mga diskaya ang DPWH projects.
06:30Sina Quezon City 1st District Representative Arjo Atayde at Quezon City 5th District Representative Patrick Michael Vargas,
06:37pumalag din sa aligasyon ng mga diskaya.
06:39Pinabulaanan din ito ni Romlon Representative Eleandro Jesus Madrona,
06:44Quezon 3rd District Representative Reinante Arogancia,
06:47Aga Partilist Representative Nicanor Briones,
06:49at Usuag Ilonggo Partilist Representative Jojo Ang Jr.
06:53Itinanggi rin ni dating Congressman Marvin Rillo na ginamit, pinahiramu inang Kenya ang pangalan ni Romualdez.
06:59Sabi naman ni San Jose Del Monte, Bulacan Mayor at dating Congresswoman Florida Robes,
07:05mangilabot naman daw ang kung sino man ang gumamit ng kanyang pangalan.
07:09Wala raw ghost project sa kanilang lungsod.
07:11Itinanggi rin ni Caloocan 3rd District Congressman Dean Asistio ang mga aligasyon
07:15at nanindigang walang ghost project sa kanyang distrito.
07:19Si Laguna Rep. Benji Agaraw na itinatanggi rin ang aligasyon,
07:23sinabing walang proyekto ang mga diskaya sa kanilang distrito.
07:26Iginiit din ni Occidental Mindoro Lone District Representative Auditariela
07:31na tumanggap siya ng pera o pabor mula kay diskaya.
07:34Ang dalawa sa pinangalanan ng mga diskaya na sina DPWH Region 5 Regional Director na si
07:39Eduardo Vergilio at dating DPWH District Engineer Henry Alcantara,
07:44pareho namang itinanggi ang akusasyon.
07:47Patuloy na sinisikap ng GMA Integrated News sa kunin ang panig ng iba pang idinawit ng mga diskaya.
07:52Darlene Kai nagbabalita para sa GMA Integrated News.
07:56Sa pagdinig din sa Senado, nabunyag ang kalakaraan ng hiraman ng lisensya ng mga kontratista ng DPWH.
08:04Gayun din ang aligasyon ni Navotos Representative Toby Tianko
08:07na nagsingit daw ng biliyong-biliyong piso sa Ako Bicol Partylist Representative Zaldi Ko.
08:13May report si Sandra Aguinaldo.
08:14Ang budget noong 2025 para sa Occidental at Oriental Mindoro na 2.5 billion pesos lang,
08:25naging 20 billion pesos daw ayon kay Navotos Representative Toby Tianko.
08:30Nagulat ako.
08:31Hindi kayang gawin ng regular congressman na magdagdag.
08:38Hindi naman po sila membro ng Committee of Operations.
08:42Parehong first-term congressman po yun.
08:44Anya, proponent ng insertion, si Ako Bicol Partylist Representative Elizalde Ko,
08:50ang House Appropriations Committee Chair noong 19th Congress.
08:54Sa research na ibinahagi ni Tianko,
08:56mayigit 13.8 billion pesos ang mga proyektong isiningit ni Ko sa 2025 budget.
09:03Ang insertion, hindi lang daw nangyayari tuwing buy cam.
09:06Sa lahat ng batas na ginagawa, no touch tapos ng second reading.
09:12Yung buy cam, kasi po, binigyan ng authority yung small committee only for the budget,
09:18nagkakaroon ng ganon.
09:19Papaanong naging mas powerful yung apat na tao kaysa doon sa inaprobahan ng plenario?
09:24Ang tinutukoy na small committee ay binubuo ni Nako,
09:28dating Senior Vice Chairman Stella Quibbo,
09:31dating Majority Leader Manuel Delipe,
09:34at dating Minority Leader Marcelino Libanan.
09:37Wala lang daw detalye kung ano ang mga isiningit
09:39at pinalitan sa small committee dahil walang record kahit sa archives ng kamera.
09:44Bukod sa mga distrito, may mga party list groups din daw na lumobo ang budget.
09:50Ang party list ni Ko, na ako Bicol, nakakuha umano ng mahigit 2 billion pesos.
09:55Gayun din ang BHW party list.
09:57Eh, ang alam ko po, Your Honor,
10:00ang party list congressman, ang allocation po yata,
10:04kung di ako nagkakamali but I'm sure you know better,
10:06is 100 to 150 million lang.
10:09Ipinaliwanag din ni Tiyang Ko na sa kamera may tinatawag na parking at sagasa
10:13sa paglalaan ng pondo sa mga kongresista.
10:16Yung parking po, Your Honor, is nakiusap ka dun sa district congressman,
10:20umayag yung district congressman.
10:22Yung sagasa po, Your Honor, is wala kang magagawa sa ayaw mo't sa gusto.
10:26Dalawang term po yan, Your Honor.
10:28Isang parking, isang...
10:29Kasi madidinibol sa congressman eh, nasagasaan kami.
10:32Paano naman kayo nasagasaan?
10:33Eh, binatuhan kami ng pondo na hindi naman namin alam.
10:39Maring pinabuluanan ni Ko ang mga akusasyon.
10:41Tinawag niya itong sabi-sabi lang at pamumuliti ka para lukuhin ng publiko
10:46at ilihis ang pananagutan.
10:48Aprobado naman daw ng Kamara at Senado ang 2025 National Budget,
10:53bagamat na veto ng Pangulong ilan itong probisyon.
10:56Pero hindi raw siya makapagkomento tungkol sa validity ng 2025 National Budget
11:02dahil may kaso rito na nakasalang sa Korte Suprema at Ombudsman.
11:06Sinusubukan pa namin hingingan ng pahayag ang ibang mga binanggit na kongresistan ni Tiangco.
11:12Nabunyag din ang kalakaran ng hiraman ng lisensya para sa DPWH projects.
11:17Sabi ng may-ari ng SIMS Construction Trading na si Sally Santos,
11:22inutusan siya ni na-engineer Bryce Hernandez at engineer JP Mendoza
11:27na maghanap ng kontraktistang magpapahiram ng lisensya sa kanya.
11:31Nahiraman niya ng lisensya ang Wawaw Builders ni Mark Arevalo.
11:36Bakit ikaw pong inuutosan na manghiram ng lisensya?
11:39Bakit? Kasosyo mo yung mga yan?
11:41Ako daw po yung, kung pwede niyo pong kausapin para manghiram,
11:45nakikisuyo po sa akin.
11:46Siyempre po ako po, may takot din po ako.
11:48Sinusunod yung utos nila kasi natatakot ka,
11:51baka hindi ka na makuha ng proyekto. Ganun ba?
11:53Yes, Your Honor.
11:54Ang Wawaw Builders nakakobra ng porsyento sa proyekto.
11:572.8% sa paghiram ng inyong lisensya. Ang pagkakasabi po nila ay para daw po sa buwis.
12:04Wala po kayong magawalas, takot yung honor.
12:06Maging si Santos, nagpahiram din daw ng lisensya para sa mga proyektong ginawa ni na Hernandez at Mendoza.
12:12Sino gumawa po nitong project sa Baliwag, Bulacan?
12:15Actually po, ang gumawa po ng project ko sa Baliwag,
12:19si E.J. Bryce Erickson Hernandez at si JP Mendoza.
12:23Hindi raw alam ni Santos na ghost project ang ilan.
12:26Ang parte raw ng mga taga-DPWH, cash kong ibigay.
12:30Sinabi mo kasi you delivered 245 million in one day?
12:34Yes, Your Honor.
12:35Ilang boxes yun?
12:36Marami po. Mga boxes lang po ng mga noodles.
12:39Inahati ko lang kasi hindi po pwedeng sambol to.
12:42So, dun sa loob ng tatlong doon, just give me a ballpark figure.
12:47May isang billion ba na bigay mo?
12:49Meron naman po.
12:49I-tinuro ni Hernandez na nag-utos umano ng hiraman ng lisensya
12:53ang boss niya noong si dating Bulacan 1st District Engineer, Henry Alcantara,
12:58na tumatanggap din daw ng pera ng mga kontraktor.
13:01Ang madalas ko pong bigyan ay si E.J. Bryce Erickson Hernandez.
13:05Nung natanggap mo yung pera galing kay Sally,
13:09sinarili mo na lang yun? Wala ka na ibang binigyan?
13:12Actually, hindi ko po binibigay.
13:14Kinukuha po hindi Alcantara sa office ko yun.
13:16I-naamin ko po na may pagkukulang ako
13:18dahil ako po ang huling pumipirwa.
13:20Yung pagtitiwala ko po sa mga tao ko,
13:23yun po ang naging kasalanan ko rito.
13:24Wala ka talagang natanggap?
13:26Yes, Your Honor.
13:27Sandra Aguinaldo nagbabalita para sa GMA Integrated News.
13:32From Minority Leader to Senate President real quick.
13:36Balik sa Lenerato ng Senado si Tito Soto.
13:39Pinalitan niya si Senator Cheese Escudero
13:42na naluklok sa pwesto noong Mayo 2024.
13:44Si Sen. Ping Lakson ang bagong Senate President pro tempore.
13:49Papalitan din niya si Sen. Rodante Marcoleta
13:52bilang chairman ng Blue Ribbon Committee.
13:55Habang bagong Majority Leader si Sen. Mig Zubiri
13:57na nagbosyon para mabakante ang Senate Presidency.
14:01Walang ibang nominado sa pwesto maliban kay Soto
14:03na nakakuha ng 15 boto.
14:06Nagpasalamat si Soto sa mga kasama
14:08at tiniyak na magiging cooperative
14:10pero independent ang Senado.
14:12Nagpasalamat din si Escudero
14:15sa mga kasamang Senador
14:16na nakatuwang niya mula 19th Congress.
14:23Cute and simple girl
14:24ang atake ni ex-PBB housemate Charlie Fleming
14:27sa photoshoot on her 17th birthday.
14:29Sexy and oozing with confidence naman
14:35si Sangre Dea Angel Guardian
14:37while enjoying her 27th birthday cake.
14:42Ang kaka-birthday lang din si Beauty Empire star
14:45Kailin Alcantara.
14:47May minamanifest namang project.
14:49Gusto ko magkaroon ng action series or movie
14:51kahit ano po.
14:53Sino kasama kahit na sino.
14:55Honestly, I can work with anybody.
14:57Ang tapatangpat at itaknin na Kylie Padili
15:02at Keisel Kinucci sa My Father's Wife
15:04umani na ng mahigit 16 million views
15:07sa social media at streaming platforms ng GMA.
15:11Trending din ang confrontation scene
15:13ni Gabby Concepcion at Jack Roberto.
15:17Big winner si Ariana Grande
15:19sa MTV Video Music Awards.
15:21Video of the Year ang kanyang brighter days ahead.
15:24Si Lady Gaga naman ang Artist of the Year
15:26habang Lifetime Achievement Award recipient
15:29si Mariah Carey.
15:31Nakuha ng Cat's Eye
15:32ang Push Performance of the Year.
15:35Nagpasalamat pa in Tagalog
15:36ang member na si Sophia.
15:39Athena Imperial nagbabalita
15:40para sa GMA Integrated News.
15:42Nasukat ang pagiging friendly
15:50ng isang intern sa pagtatapos
15:52ng kanyang OJT.
15:54Ang pabaon sa kanyang surprise messages
15:56galing sa mga taong
15:57di niya kilala.
15:59Puso na yan sa report ni Ian Cruz.
16:01Hello, Gab!
16:03Grabe kong graza!
16:04Wonderful greeting!
16:06Grab this good all the time.
16:08Thoughtful messages.
16:09Sino ba naman
16:10ang di matutuwa
16:12o maiiyak?
16:13Gab!
16:14Solid ka bro!
16:15You're such a blessing to us.
16:17At mapapawonder sa greetings.
16:19Sobrang hardworking ka talaga.
16:21Na sobrang full of thoughts.
16:24Literal kasi
16:24na napapaisip
16:26ang intern na si Gab.
16:29Wondering
16:30kung sino itong mga
16:31umabati sa kanya.
16:34Surprise ang mga pagbati
16:36dahil hindi niya kilala
16:37ang mga nagbibigay nito.
16:39I was really looking forward to it.
16:41I was like
16:41Sino to?
16:44Na-meet ko ba to siya?
16:45Mixed emotions na
16:46I had to listen to the video
16:48and parang
16:49listen to what they were saying
16:51kasi they sounded so sincere
16:53but at the same time
16:53the whole team was laughing.
16:55Pakana ng kanyang supervisor
16:57ang surpresa.
16:59Paano ba naman?
17:00Parang lahat daw kasi
17:01sa opisina
17:02ay kanyang kaibigan.
17:04Pero ang mga
17:05nagpapaabot
17:06ng mensahe
17:07mga kakonsyabang
17:09kamag-anak
17:09at kaibigan
17:11ng kanyang mga katrabaho.
17:13Acting na acting pa
17:15ang mga yan.
17:16Hello, Gab.
17:17Good evening.
17:18Ani alam mo na?
17:19Mga raputin.
17:20Na para bang
17:21malalim na
17:22ang kanilang
17:23mga pinagsamahan.
17:25Gusto ka man pupunta
17:26sana masaya.
17:27Matatapos na kasi
17:29ang kanyang internship
17:30at ito
17:31ang pa-despedida
17:33para sa kanya.
17:35Takang-taka man.
17:37Di naman
17:37nakapagtatakang
17:38Gab
17:39is good.
17:40All the time
17:41Gab is good.
17:44As in,
17:45thank you.
17:46Para nakaka-inspire.
17:47Thank you sa mga
17:47buhay nila.
17:49Ian Cruz
17:49nagbabalita
17:50para sa GMA
17:51Integrated News.
17:54Yan po ang
17:55State of the Nation
17:56para sa mas malaking
17:57misyon
17:58at para sa mas malawak
17:59at paglilingkod
18:00sa bayan.
18:01Ako si Atom Araulio
18:02mula sa GMA
18:03Integrated News,
18:04ang News Authority
18:05ng Pilipino.
18:07Huwag magpahuli
18:08sa mga balitang
18:09dapat niyong malaman.
18:10Mag-subscribe na
18:11sa GMA Integrated News
18:13sa YouTube.
18:13ha, ha, ha, ha, ha.
18:24Bye.