Skip to playerSkip to main content
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00May water cannon incident muli sa Baho de Masinlok at isang Pilipino ang napuruhan.
00:05Binomba ng tubig ng China Coast Guard Vessel 5201 ang BRP Datu Gumbay-Piang ng BIFAR kaninang umaga.
00:14Isang tauhan ng BIFAR ang nasugata ng mabasag ang isang bintana ng barko.
00:19Pati electronics at air conditioning ng barko nasira rin.
00:22May pakakataon pang bumanga ang BRP Datu Gumbay-Piang sa CCG ship nang humarang ang barko ng China.
00:30Pukod dito, may Chinese warship din na nagradyon na magsasagawa raw sila ng live fire exercises sa lugar.
00:37Sa kabila ng mga ito, ayon sa Philippine Coast Guard, tagumpay na nakarating ang mga barko ng Pilipinas sa Baho de Masinlok.
00:52Tapos na dapat noong Marso pa pero inabutang ginagawa pa ang isang flood control project na ininspeksyon sa La Union.
01:00Sub-standard daw at tila palamuti lang ang mga tubo na imbis na nakabaon sa lupa, nakapatong lang.
01:07May report si Joseph Moro.
01:08Hindi natuwa si na DPWH Secretary Vince Disson at Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa ininspeksyon DK at riprap sa Barangay Columbaya sa Bawang La Union.
01:22Ang mga tubo, imbis na nakabaon sa lupa, nakasabit lamang.
01:25At may igsipa, dalawang metro dapat pero isang talampakan lamang ang haba.
01:29Walang pipe eh, hindi naman tagusan eh, peke lang yan eh. Para mapakita lang na meron pero hindi naman, nakapatong lang.
01:38Ang mga bakal at thigh wiring, sub-standard din umano. At ang ilang bahagi ng dike, nasira na ng ulan.
01:45Base pa lang sa observation namin ni Mayor Benji, mukhang napaka-sub-standard nito.
01:50Insulto rao na hindi pa ito tapos at may mga trabahador pa.
01:53Ganyang idinek na rang completed noong Marso ang proyekto na inawards sa kumpanyang Silver Wolves sa halagang halos 180 milyon pesos.
02:01We're designating this area as a crime scene. Kaya kailangan talaga rito magkaroon tayo ng forensics.
02:08Sinusubukan mga makuna ng reaksyon ng Silver Wolves.
02:12Ang 500 meters, the flood control project sa barangay Anduya sa bayan ng tubaw, 50 milyon pesos ang pondo pero tinipid daw.
02:20Questionable nga yung technology na ginamit. Considering na nakita nyo naman sa ibang mga lugar, consistent na talagang buhos.
02:29Pero dito, parang stone masonry naman ang ginamit. Bakit? Bakit hindi consistent yung one?
02:38Nagtataka kami, bakit hindi consistent yung technology na ginagamit?
02:43Ang mga sinuring proyekto, pinasuspend din na ni Magalong na special advisor sa Binong Independent Commission for Infrastructure.
02:50Nagpulong ngayong araw ang komisyon sa pangungunan ni Retire Justice Andres Reyes.
02:54Pina-freeze naman ng Court of Appeals ang 135 bank accounts sa 27 insurance policies ng 26 na individual na inereklamo ng DPWH ombudsman.
03:06Kasama ang kinadating Bulacan 1st District Engineer Henry Alcantara, dating OIC District Engineer Bryce Erickson Hernandez,
03:13dating Assistant District Engineer JP Mendoza, Construction Section Chief John Michael Ramos, at 16 na iba pa.
03:20Hinarang na rin ang mga bank account na mag-asawang Sarah at Curly Diskaya, at Maria Roma Rimando ng St. Timothy Construction Corporation,
03:29Mark Alan Arevalo ng Wawo Builders, Sally Santos ng Sims Construction Trading, at Robert Imperio ng IM Construction Corporation.
03:36They will not allow the movement transfer deposit withdrawal and any or closing of these bank accounts that are covered by the freeze order, meaning po hindi talaga pwede na siyang galawin.
03:53Kung guilty ang hatol sa kanila sa mga reklamo, babawiin ang mga ari-arian ng mga sangkot.
03:58Wala pa silang pahayag kaugnay sa freeze order.
04:00Iniimbestigahan din ang Anti-Money Laundering Council ang posibleng money laundering scheme ng tinawag ni Sen. Ping Laxon na BGC Boys sa Bulacan Group of Contractors.
04:11Matatandang sinabi ni Laxon na posibleng nagsusugal ang BGC Boys para palabasing napanalunan sa kasino ang pera na kukubra sa mga proyekto kontrabaha.
04:20Una ng inamin ni Alcantara at Hernandez na gumamit sila ng Pekin Driver's License para makapagkasino. Ngayong araw, inereklamo sila ng LTO ng paggamit ng falsified documents.
04:38Bukod kina Alcantara at Hernandez, siya habla rin ang iba pang umano'y BGC Boys. Kung mapapatunan na nagkasala, di higit sa anim na taon ang parusang kulong at aabot sa isang milyong piso ang multa.
04:49Hini-imbestigahan na rin kung galing sa kasino ang mga Peking Driver's License. Sinusubuan pa namin hinga ng pahayag ang mga nabanggit na opisyal.
04:57Joseph Morong, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
05:01Kasado na ang tigil pasada ng mga transport group na Manibela at Piston.
05:06Bukas hanggang Biyernes, September 19, ang transport strike ng Manibela.
05:10Habang sa Huwebes lang o September 18, ang welga ng Piston.
05:14Bukod sa pagbahal ng petrolyo, kinukundi na rin ng mga tsuper.
05:17Ang katiwalian sa pamahalaan.
05:21Ayon sa Transportation Department, magbibigay sila ng libreng sakay sa mga commuter.
05:26Magbabantay rin ang pulisya.
05:28Sasali rin daw ang dalawang grupo sa malawakang anti-corruption protests sa September 21.
05:34Suportado rao ni Pangulong Marcos ang malawakang kilos protesta,
05:38pero itinanggi ng Malacanang,
05:40na may kinalaman ito sa pagkansila ng pagdalo ng Pangulo sa United Nations General Assembly.
05:45Pinunaan ni Vice President Sara Duterte ang pagbuo ni Pangulong Marcos ng Independent Commission
05:52na sisilip sa maanumalyang flood control projects at iba pang government infrastructure projects.
05:59Samantala si Congressman Zaldico na idinadawit sa isyo ng kurakot na proyekto kontrabaha,
06:05idinawit din sa isyo ng pag-iimport ng isda.
06:08May report si Tina Panganiban Perez.
06:09Isinantabi ni Vice President Sara Duterte ang parliamentary courtesy na tradisyong ibinibigay ng Kamara
06:21sa Office of the Vice President tuwing budget deliberations.
06:25Ibig sabihin, pumayag siyang matanong ng mga mambabatas para sa proposed 2026 budget ng OVP
06:32na mahigit 902 million pesos.
06:35Pero nang muling buhayin ng ilang mambabata sa isyo ng 2022 confidential funds ng OVP,
06:41may mga kwestyong hindi sinagot ang vice.
06:44Last August 8, 2024, nag-issue po ng Notice of Disallowance ang COA, Commission on Audit,
06:53sa 73.28 million na halaga ng confidential funds.
07:00Sabi ng COA ay wala raw accomplishment reports na ipakita or sinabmit ang Office of the Vice President para dito.
07:11Ano na po ang status ng Notice of Disallowance?
07:14Madam Chair, I suggest that the congressman ask this during the hearing of the Commission on Audit.
07:21Sabi ng sponsor ng OVP budget na si Palawan 2nd District Representative Jose Alvarez,
07:27iti-check niya ito sa COA at babalikan si Tinio.
07:30Pero inungkat pa rin ni Tinio ang isyo ng Notice of Disallowance
07:34at ang mga kontrobersyal na pangalang nakapirma sa mga acknowledgement receipt
07:38na isinumite ng OVP sa COA para ipaliwanag ang pag-astos nila sa CONFI funds.
07:44Ayon sa investigasyon ay 1,322 out of 1,992 names in the OVP ARs
07:57submitted to the PSA have no birth records.
08:02So kasama po dito yung mga pangalang Mary Grace Piatos, Fernando Tempura,
08:08meron pang shell joke, no?
08:11The subject confidential funds is a matter in impeachment proceedings
08:20which is archived but there is a pending motion for reconsideration in the Supreme Court.
08:27I cannot discuss defense, strategy.
08:32I cannot discuss intelligence operations.
08:37Nang matanong naman kaugnay sa mga biyahe niya sa ibang bansa,
08:41iginiit ng bise na lahat ay may travel authority galing sa Office of the President
08:46at hindi galing sa kabanambayan ang ginastos.
08:50Nang si Kabataan Partilist Representative Rene Coe ang nagtanong,
08:54siya naman ang binalinga ng bise kung kaanak ba niya si Representative Elizalde Coe
09:00na idinadawit sa isyo ng flood control projects
09:02at ayon kay Representative Toby Chanko ay nasa likod ng lagpas 13 billion pesos na insertions
09:09sa national budget noong 2025.
09:13Paano po pinapondohan yung pagpunta, flight and accommodations ng staff and security ng OVP?
09:19Madam Chair, may I be allowed to ask a question?
09:30Dependent sa nature or Madam Vice President?
09:33Yes. Magpinsan po ba si Congressman ko ngayon at si Zaldi Coe?
09:38I have no familiar relation po to Representative Zaldi Coe or any of their relatives po.
09:48Kalauna nagpaliwanag ang bise, kaugnay sa gasto, sa ilan niyang international travels?
09:53The total for nine trips for both the security and OVP personnel is 7,473,887.70.
10:11Ang merong sinacharge sa Office of the Vice President ay yung security at disisyon yun
10:18ng Armed Forces of the Philippines kung magpapadala ilan at kung sino.
10:23Sa isang punto, nagkainita ng ilang kongresista.
10:27Parliamentary inquiry. Madam Chair, I thought we're going to accord institutional courtesy
10:33to the office of the Vice President. Bakit po natin binabanatan? Bakit natin tatanungin?
10:40Wala pong binabanatan dito. I take exception to the use of the term binabanatan.
10:48Nagtatanong lang po tayo rito at lihitin mo naman po ang mga tanong.
10:53Pagkatapos ng pagtatanong ng dalawang mambabatas, tinapos agad ang hiri.
10:58Sa isang pahayag, bumuelta si Representative Rene Coe sa bise.
11:03Kaano-ano rao ni Duterte si Mary Grace Piatos.
11:07Pinuna rin niya ang anyay galawang pusit at troll behavior ng bise.
11:11Wala pang sagot dyan ang bise.
11:13Pero pinuna niya ang pagbuo ni Pangulong Marcos ng Independent Commission for Infrastructure.
11:19Pag ikaw presidente ba, tapos alam mo na kung anong nangyayari.
11:28Tapos nakikita mo na based on the budget kung paano binaboy yung pera ng bayan.
11:36Mag-aantay ka pa ba ng komisyon o ng truth komisyon o nung kung anong komisyon yan?
11:41Aksyonan mo kasi ka agad dapat yan eh.
11:44Nandiyan na yung budget. Nakikita natin kung paano siya kinuha.
11:51Diba dapat nun ay diretsyo mo na gawin, tanggalin mo na yung speaker mo.
11:56Sinisika pa ng GMA Integrated News na makuha ang panig ng Palacio at ni House Speaker Martin Romualdez.
12:03Sa hearing naman para sa hinihinging P176.7 billion budget ng Department of Agriculture sa 2026,
12:12nasiwalat na pinilit ni Representative Zaldico ang DA na bigyan ng import permit ang tatlo niyang kumpanya
12:19at damihan ang alokasyon ng isdang pwede nitong ang katid.
12:23We're being forced at that time to give him 3,000 containers of fish which I did not agree.
12:30Sinisika pa namin kunan ang pahayag si Ko.
12:33Tina Panginiban Perez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
12:39Napanatili ng Bagyong Mirasol ang lakas nito habang papalapit sa Isabela.
12:44Signal number one sa Batanes, Cagayan, kabilang ang Babuyan Islands, Isabela, Quirino,
12:49northern at eastern portions ng Nueva Vizcaya, northern at central portions ng Aurora, Apayaw, Abra, Kalinga,
12:56Mountain Province, Ifugao, Ilocos Norte, northern portion ng Ilocos Sur, Pulillo Islands at northern portion ng Camarines Norte.
13:04Sa 11 p.m. bulitin ang pag-asa huling namata ng bagyo, 65 kilometers southeast of Kasiguran, Aurora.
13:12Hindi inaalis ang posibilidad na mag-landfall ang bagyo sa Isabela o northern portion of Aurora
13:17bukas ng umaga o kaya'y no-landfall scenario hanggang makalabas ito ng Philippine Area of Responsibility
13:24bukas ng hapon o gabi.
13:26May medium chance o katamtamang chance na maging bagyo sa susunod na 24 oras ang low-pressure area
13:34sa east ng southeastern Luzon sa labas ng PAR na unang namataan bilang cloud cluster.
13:40That as well, I have courted Herlene.
13:47Not just to Herlene, but to her parents as well.
13:52To her friends and family.
13:56To everyone close to Herlene.
13:58Inamin ni Kevin Dasom sa The Bubay and Tecla Show na nililigawan niya si Herlene Budol.
14:04Tutuo raw ang nararamdaman niya kay Herlene at nanliligaw siya simula pa lang ng taon.
14:08Umamin din si Herlene na first time daw niyang maligawan ng foreigner.
14:12At ipinaliwanag na sa Pilipinas, matagal talaga ang ligawan.
14:16Pero willing to wait daw si Kevin para kay Herlene.
14:21Beating his personal record ang goal pero umuwi ring panalo si Christopher Martin.
14:26Second placer siya sa triathlon sa Clark, Pampanga.
14:30Ang podium finish dedicated sa kanyang asawa na si Azee at ipinagpapasalamat niya sa coach.
14:39She bangs! Looking regal as ever si Azee Martinez sa close-up photo na sinare niya online
14:45highlighting ang kanyang new hairstyle and of course, her beautiful eyes.
14:52Nakita ang softness ni Dustin Yu nang maging emotional sa isang fan meet
14:56na iyak siya sa mga mensahe mula sa kanyang dumadaming solid fans.
15:00I remember before parang sa isang restaurant na kami, parang ano lang kami, 10 pa lang kami nun eh.
15:07Or less than pa nga eh.
15:09Mayroon ko na-imagine na magkakaroon ako ng ganitong support from them.
15:13And like ko nga siya iniisip pagka uwi ko sa bahay na grabe yung, grabe yung love na binibigyan nila sa amin, sa akin.
15:23Athena Imperial nagbabalita para sa GMA Integrated News.

Recommended