Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Muling na perwisyo, ang mga kababayan natin bumisita o bumibisita sa San Jose Public Sematary sa Kalumpit, Bulacan.
00:07Lubog pa rin kasi sa baha ang mga puntod ng kanikanilang mahal sa buhay.
00:11At para sa update sa sitwasyon doon, live dito sa Unang Balita, si Ivan.
00:15Ivan!
00:20Maris, mga kapuso, marami sa mga kababayan nga natin ang tutungo sa mga sementeryo ngayong ondas
00:25para puntahan ang puntod ng kanilang mga mahal sa buhay.
00:29Alalahanin ang kanilang mga kung saan sila nakahimlay.
00:33Pero yan pa lang po, pagpunta pa lang sa sementeryo, malaking hamon na para sa mga kababayan natin dito sa Kalumpit, Bulacan.
00:40Nandito nga po ngayon sa San Jose Public Sematary kung saan nakikita ninyo, lubog itong kalye patungo dito sa sementeryo.
00:49May ilang mga puntod po dito.
00:50Nakikita ninyo, lubog na rin sa baha.
00:53Sa lagay na yan, low tide po ngayon kaya hindi ganun kataas.
00:56Halos sa abot lang po sa aking tuhod ang tubig sa mga orsa ito.
01:01Pero tuwing high tide o di kayo malakas ang ulan, talaga namang ito ho'y parang water world.
01:06Ito ang nakikita ninyo dito naman sa aking kaliwa, sinasabi ho ng mga taga rito, dati ho itong palayan.
01:12Ngayon, naging palaisdaan dahil nga po, pirminang may tubig dyan, hindi na nawawala.
01:18Umaangat lang at bumababa.
01:21Ito naman po aking kinatatayuan mismo.
01:23Ito ho, dati-dati.
01:25Sa mga ganitong panahon, marami na ho'y mga nagtitinda rito.
01:27Dahil nga pupunta sa sementeryo mga kababayan natin, marami yung mga nagtitinda rito.
01:31Pero ngayon, tulad doon nakikita ninyo, wala nagtitinda.
01:34Kasi naman, paano ko nga naman magtitinda rito, halos wala na nga ho'y taong pumupunta dito sa sementeryo.
01:40Nakikita nyo rin ho, dito sa pader, itong mga marka na yan, umaabot daw ho hanggang dito.
01:48Hanggang bewang daw ho, yung baha tuwing high tide o di kaya malakas ang ulan o may bagyo.
01:54At dahil nga po dyan sa sitwasyon na yan, yung mga kababayan natin,
01:57dito na lamang po nagdagay ng mga larawan ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay
02:02para dito nila alalahanin, dito sila magtulos ng kandila.
02:07Kausapin po natin ang ilan sa kanila, kung paano ba ang sitwasyon tuwing undas na ganito kahirap.
02:12Ngayon po, baha sa kanilang sementeryo.
02:14Ma'am, pwede ko buka kayong maabala saglit.
02:19Ganda kumaga po. Kayo po si?
02:21Susan Landicho po, sir.
02:22Sino po yung nakahimlay, ma'am?
02:23Ito po, yung ito po yung kitinitirikan po dyan ng kandila.
02:29Kaya alam po, gawa po ng level na ng tubig, halos matagal na rin po na lagi kami nakalubog.
02:35Ang simenteryo namin, hindi na halos masyado mapasok po ba?
02:38Ang kinakwento, 2019 lang nagsibula itong ganitong sitwasyon ninyo. Mga ganun ba?
02:43Nakukuha pa po na medyo napipigil-pigil pa po ng konti
02:46kasi ang barangay naman po ng San Jose, kasama ang namumunong kapitan
02:50at saka yung mga barangay tanod namin, saka yung mga kansilor.
02:54Pinagtutulong-tulong po.
02:55Pero kailan po nangyari itong ganito na pirming may tubig na?
02:57Ano daw po yung nangyari? Anong cause?
03:02Gawa po ng level po ng tubig, umiikot po dito sa kabukiran sa amin.
03:06Ngayon po, nakapantay na po yan.
03:09Kaya po pag mataas ang tubig sa bukid, ang tendency po yan talagang abuti na po ng tubig ito.
03:14Gano'n naman po kahirap yan ganyan?
03:16Para sa tulad din yun na halimbawa yan, gusto niyong pasaran yung puntod na yung maumahal sa buhay,
03:22e ganito naman kahirap.
03:23Ang totoo yan, isang beses lang naman ang undas.
03:26Napakahirap sa amin talaga yung katayuan namin.
03:29Nalulusong ka po ba sa ganyang klase ng tubig.
03:32At pagkatapos nakita naman ho yun, delikado din ho yan sa kalusugan ng marami,
03:36lalo na kung may sugat at saka ano.
03:38Kaya ang nangyayari po, lahat po kami dito na ano, dati po yan masaya po dito hanggang dito.
03:43Ngayon po nangyayari dito na lang, o kaya sa bahay na lang kami nagtitirik.
03:47Marami na rin po dito ang hindi na rin po masyadong nagpupuntat talaga.
03:51So, kukunti na lang ho talaga taon-taon?
03:53Opo.
03:53Pakunti na ng pakunti?
03:54Kukunti, yun po ang malungkot.
03:56Na ang simenteryo po namin, dati na dinadalaw talaga, pinagmimisahan lahat diyan.
04:01Ngayon po ang nangyayari na ang tao dumadalang na ang punta dito.
04:04Ayan, maraming salamat po sa inyo.
04:06Maraming salamat po.
04:06Ayan, yung sinasabi ko kanina, ma'am, pakituro nga ho yung tubig kung hanggang saan ang maabot.
04:12Ayan ho.
04:13Ayan, kulay brown na yan.
04:15Mababa pa po yan.
04:16Mababa pa yan.
04:17Ayan, papakita ko lamang.
04:19Salamat po, salamat po.
04:20Papakita ko lamang ho sa inyo,
04:22kung dito sa may kalye, umaabot ng hanggang dyan yung tubig,
04:27e ano pa kaya?
04:28Dito sa loob mismo ng sementeryo.
04:29Kaya tulad na nakikita po ninyo,
04:32wala ho halos pumupunta sa mga oras na ito.
04:35Dahil ito, sa bungad, ganito na ho ang lalim ng baha dito sa San Jose Public Cemetery.
04:43Napakahira po ng sitwasyon.
04:44Gustuhin man ng karamihan sa mga kababayan natin na puntahan,
04:49ang puntod ng kanilang mga mahal sa buhay,
04:50ay hindi ho nila magawa o kung gagawin man,
04:53ay talagang napakalaking hirap, napakalaking abala,
04:56napakalaking perwisyo ng dulot ng baha sa kanilang lugar.
05:01At yan po, ang sitwasyon mula dito sa San Jose Public Cemetery.
05:04Mamaya po, makakausap naman natin ang pamunuan ng sementeryo,
05:08kung ano ba ang pwedeng gawin.
05:09May pag-asa pa ba na mas mapagaan naman
05:12ang pagpasyal ng mga kababayan natin sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay.
05:17Balik po muna tayo sa studio.
05:18Gusto mo bang maauna sa mga balita?
05:21Mag-subscribe na sa JMA Integrated News sa YouTube
05:24at tumutok sa unang balita.

Recommended