Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Umabot na sa Malacanang ang pag-a-dismaya ng Gobernador ng Cebu sa naranasang pagbaha ng probinsya.
00:0726 na bilyon piso ang inilaan para sa mga proyekto kontrabaha sa kanilang lalawigan.
00:12Saksi, si Ian Cruz.
00:17Sa Facebook dinala ni Cebu Governor Pambaricuatro ang sama ng loob sa dinanas na naman nilang kalamidad,
00:24dulot ng bagyong si Tino. 26 bilyon peso daw ang pondo para sa flood control project sa buong lalawigan.
00:32Pero flooded to the max daw ang inabot ng maraming LGU sa lalawigan nila kahapon.
00:38Nabasa raw ng Pangulo ang shout-out ni Gobernador.
00:42Yan po ang dahilan kung bakit nagpapaimbestiga ang Pangulo Marcos Jr.
00:47Dahil nakita niya po yung epekto may mga budget na inilaan para dito pero parang hindi gumagana.
00:52Kaya mas maganda po na kung siya man po ay nagagalit, yan din po ang nararamdaman ng Pangulo Marcos Jr.
01:01Kung meron po siya pang mga alam, may mga facts, may mga data rin po,
01:07si Gobernador para dito mas na makakatulong sa ating gobyerno para mapanagot,
01:14ang dapat mapanagot niyan po ay welcome.
01:16Sa datos na nakalap ng GMA Integrated News Research mula sa isumbong mo sa Pangulo website,
01:23may 414 flood control projects sa Cebu Province mula taong 2022 hanggang 2025 na nagkakahalaga ng P26.7 billion pesos.
01:34Pangalawa ang Cebu sa Bulacan sa dami ng flood control projects at sa contract cost.
01:40Kahit wala ang Cebu Province sa top 10 flood prone provinces base sa National Adaptation Plan.
01:48Apat sa pinangalanan ng Pangulo na top 15 contractor sa bansa,
01:53nakakuha ng 117 flood control projects sa Cebu na may kabuang halagang halos 9.6 billion pesos.
02:00Sa bayan ng Liloan kung saan may 35 ang naitalang na sawi,
02:06may limang flood control projects na may halagang halos 398 million pesos at lahat base sa isumbong website ay tapos na.
02:16Ang dalawa sa pinakamahal na proyekto dito ay co-contractor ang dalawang kumpanya na mga diskaya na Alpha and Omega at St. Matthew General Contractor.
02:26Sa bayan ng Compostela na may naitala ng 15 patay kaninang umaga,
02:32may tatlong flood control projects na may halagang halos 137 million pesos.
02:37Iisa ang kontraktor sa tatlong proyekto at lahat ng ito ay nasa Cotcot River.
02:43Sa Cebu City kung saan may labindalawang patay, 47 ang flood control projects na may 1.8 billion pesos.
02:51Sa Talisay City na may 7 patay kanina, may 21 flood control projects na nasa halagang 2 billion pesos.
02:59Labing tatlo sa mga proyektong ito, ang QM Builders ang kontraktor na nakabase sa Cebu.
03:05Ang QM Builders ang isa sa top 15 kontraktors.
03:09Sa Danao naman kung saan may siyam na nasawi,
03:12ay may dalawang flood control projects na may halagang 172 million pesos.
03:16Maging ang center waste construction na nakabase Sorsogon sa Bicol,
03:21ay may proyekto rin sa mga bayan ng Alegria at Ronda.
03:26Ang tatlong proyektong ito ay may halagang 212 million pesos.
03:30Sinusubukan ng GMA Integrated News sa makuwang panig ng DPWH
03:34ukol sa mga flood control projects sa Cebu.
03:36Para sa GMA Integrated News, ako si Ian Cruz, ang inyong saksi.
03:46GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.

Recommended