• 1 year ago
BIR, sinampahan ng tax evasion complaint sina Brice Hernandez, Henry Alcantara, at Jaypee Mendoza | ulat ni Louisa Erispe

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://thao.funnymoment.net/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://thao.funnymoment.net/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sinampahan ng reklabong tax evasion ng Bureau of Internal Revenue
00:04ang mga dating engineer na sina Bryce Hernandez, Henry Alcantara at JP Mendoza
00:10dahil umabot na umano sa 1.6 billion pesos ang hindi nila binabayarang buwis.
00:16Yan ang ulat ni Luisa Erispe.
00:21Magsisimula pa lang ang pagdinig ng Department of Justice sa malversation, perjury at graft complaint
00:27laban kina Bryce Hernandez, Henry Alcantara at JP Mendoza.
00:31Pero may bago na naman silang reklamong haharapin sa DOJ.
00:36Ito naman ay tax evasion na isinampan ang Bureau of Internal Revenue laban sa tatlo
00:41dahil sa hindi tamang pagbabayad ng buwis.
00:45Nakita natin na based on dun sa mga lifestyle checks na ginawa natin,
00:49yung kanilang mga ginastos na nakuha rin natin yan sa mga pagdinig na ginawa sa Senado
00:54at yung mga kanilang mga ari-arian, nakita natin na hindi tugma ito sa kanilang kinikita
01:00o yung mga reported na mga revenues nila at mga binayarang buwis.
01:05Kaya naman nagsampat tayo ng taso.
01:08Ang sumatotal, aabot sa 1.6 billion pesos ang nalusot ang buwis ng tatlo.
01:14Nakita umano ito ng BIR nang magsagawa sila ng lifestyle check sa tatlo
01:19at lumabas na ang mga ari-arian nila malayo sa kinikita dapat mula sa gobyerno.
01:25Sinilip din ang BIR ang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SAL-N ng tatlo.
01:31Sa sasakyan nila, kasama yan sa asset na nakita rin natin.
01:36So sinama rin natin sa tax liabilities na dahil nakabili sila ng ganyan
01:41pero hindi naman tugma based sa kanilang income tax or yung mga binayarang buwis
01:45ay wala silang kakayanan bumili ng ganitong mga mamahaling sasakyan.
01:502020 to 2024, taxable years ang involved dito.
01:54Sa pagbusisi rin ng BIR, nakita nilang idinadaan umano ng tatlo sa kasino
02:00ang mga kickback na nakukuha nila mula sa flood control.
02:04Gumagastos umano ito ng mga daan-daang milyong piso sa kasino.
02:08Nakataka-taka dahil hindi tugma sa kung magkano ang dapat ay sinasahod nila
02:13sa pagtatrabaho noon sa DPWH.
02:16Malaki ang ginagastos nila sa kasino.
02:19So itong mga daan-daang milyon na ginagastos nila sa kasino,
02:24siyempre saan naman din din ang galingan.
02:26So vinerified din natin at nakita natin na totoo nga
02:29na meron talaga silang mga ginastos dito sa kasino na ilan-daang milyon.
02:36Titiyaki naman ang BIR na mababayaran ng tatlo ang buwis
02:39na hindi nila binayaran sa gobyerno.
02:42Kung kakailanganin, kahit mga ari-arian ay hahabulin ng ahensya.
02:47Iko-compel natin sila na bayaran yan at hahabulin din natin
02:51lahat ng mga ari-arian nila para masigurado na mabayaran ito.
02:56Luisa Erispe, para sa Pamansang TV, sa Bagong Pilipinas.

Recommended