00:00Hindi umulan pero bumaha sa bahagi ng Paco, Maynila.
00:04Ayon sa barangay, bumigay kasi ang isang pumping station sa kanilang lugar.
00:08Pero una balita, si Jomer Apresto.
00:12Nagmistulang ilog ang bahaging ito ng UN Avenue, Corner Quirino Avenue sa Paco, Maynila.
00:18Yan ay kahit wala namang ulan na naranasan dito mula pa kagabi.
00:21Ayon sa barangay 672, bumigay ang Paco pumping station na nagdulot ng tuloy ang pagbaha sa kanilang lugar.
00:27Nag-bomba sila ng umaga kasi umiinit po yata yung kanilang motor.
00:32Kaya o bali ng paggating po ng hapon, nag-avision na po sila sa karating na barangay.
00:37Mas malalaraw ang sitwasyon kahapon na umabot pa hanggang Baywang ang taas ng tubig.
00:42Sa pag-iikot ng GMI Integrated News, pasado ala stress ng madaling araw kanina,
00:46gutter deep pa ang taas ng baha sa bahagi ng UN Avenue at Quirino Avenue.
00:50Nabutan pa namin ang isang motorsiklo na tumirik sa gitna ng kalsada.
00:54Tinulungan ng rider na magtulak ng dalawang taxi driver na naghanap naman ang kanilang plate number na inanod dahil sa baha.
01:00Ang sasakyan naman na ito, umatras na lang at hindi na isinugal ang paglusong sa baha.
01:05Maging ang barangay hall ng barangay 672, inabot din ang tubig.
01:09Ayon sa barangay, nasa halos siyam na pong pamilya mula sa anim na barangay ang inilikas kahapon.
01:15Nabawasan na raw yan ngayon dahil bahagyang humupa na ang tubig.
01:18Ang natira po rito ay tatlong barangay po.
01:21Bali ang families po sa akin po may 11, tapos dun po sa kabilang barangay meron po silang 8 na families.
01:29Tapos dito po sa kabila eh meron po silang 7 yata.
01:33Narito ako sa Lukban Elementary School sa Paco, Maynila,
01:35kung saan pansamantalang nanunuluyan ang mahigit dalawampung pamilya na apektado ng nangyaring pagbaha.
01:42Hindi pa malinaw kung kailan posibleng maayos ang pumping station,
01:45pero agad naman daw pa uuwiin ang mga residenteng apektado sa oras na humupa na ng tuluyan ng tubig.
01:50Sinusubukan pa namin makuha ang panig ng MMDA at ng Manila LGU.
01:55Ito ang unang balita, Jomer Apresto para sa GMA Integrated News.
02:12Apresto para sa GMA Integrated News.