Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Naglagay na po ng mga checkpoint ang lokal na pamahalaan ng Quezon City
00:03matapos mag-positibo sa African Swine Fever ang ilang baboy sa Laloma.
00:09Sarado muna ang 14 na tindahan ng lechon doon.
00:12At saksi, si Salimere Fran.
00:15Malapong, malinamnam, at talaga namang katakam-takam ang lechon.
00:21Isa sa mga paboritong handa tuwing may okasyon, kaya ng Pasko.
00:25Pero mahigit isang buwan bago magpasko, sarado muna ang 14 na tindahan ng lechon sa Laloma, Quezon City.
00:33Nang inspeksyonin kasi ng City Veterinary Department at ng Bureau of Animal Industry,
00:38nakitang may ASF o African Swine Fever ang mga baboy na kakatayin pa lang ng mga lechonat.
00:44Yung ASF ay isolated sa Laloma.
00:48At kaya nga po, isinara na natin kagad upon the recommendation of the Bureau of Animal Industry para hindi na po kumalat sa iba pa.
00:58Pinatay na ang mga may sakit na baboy.
01:01Nagsimula na rin ang disinfection sa mga apektadong lugar sa Laloma.
01:05Ang lokal na pamahalaan, naglagay na ng checkpoints para makontrol ang paglabas-masok ng mga baboy.
01:11Pagtitiyak ng lokal na pamahalaan, tanging mga hayop lamang ang apektado ng ASF at hindi ang mga tao.
01:18Lignas naman po kumain ng lechon, wala pong problema at yun naman po ASF ay hindi napapasa sa tao.
01:27Ayaw naman po yan sa mga advisories ng Department of Health at kahit ng ating City Vet at ng City Health Department.
01:36Nagkausap na rin ang LGU at mga apektadong negosyante at sinabi ang babawiin ng temporary closure order
01:43oras na masunod ang mga requirement ng lokal na pamahalaan at ng bayi.
01:47Ang ASF ay isang sakit ng baboy na dulot ng virus.
01:52Luba itong nakakahawa at nakamamatay sa mga baboy.
01:56Pero hindi naman ito nakakahawa sa tao.
01:58As of October 17, 25 barangay sa labing isang bayan at lunsod ang may aktibong kaso ng ASF.
02:06Ipinatutupad na ang government-controlled rollout ng bakuna kontra ASF.
02:10Ngayong taon, planong magkaroon ng commercial release.
02:14Para sa GMA Integrated News, ako si Salima Rafraan, ang inyong saksi.
02:19Mga kapuso, maging una sa saksi.
02:23Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.

Recommended