00:00Aprobado na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagpapalabas ng 2025 Productivity Enhancement Incentive o PEI na 5,000 piso para sa bawat kwalifikadong kawani ng pamahalaan.
00:13Batay sa Circular Letter No. 2025-13 na inilabas ng Department of Budget and Management, ipinaalam sa lahat ng ahensya ng pamahalaan LGUs, SUCs at GOCCs ang pagkakaloob ng insentibo.
00:30Ang PEI ay ipapamahagi ng hindi mas maaga sa December 15, 2025 alinsunod sa umiira ng mga panuntunan.
00:39Saklaw nito ang mga civilian employee, regular, casual o kontraktwal, pati na rin ang mga uniformed personnel.
00:47Ang PEI ay bahagi ng Performance Based Incentive System na layong palakasin ang productivity, accountability at pagkamit ng mga target ng ahensya.
00:57Kasama ang PEI sa 2025 National Budget at bahagi ng kabuang kompensasyon ng mga kawani ng pamahalaan bilang pagkilala sa mahusay at masipag na paglilingkod sa bayan.
01:09Naniniwala si Pangulo Marcos Jr. na nararapat lang na bigyan ng importansya ang mga kawani ng pamahalaan na walang sawang naglilingkod at nagiging katuwang para maihatid ang pangangailangan ng taong bayan.
01:25Dal sa Bagong Pilipinas, mahalaga ang kapakanan ng mga lingkod bayan.