00:00Mga Kapuso, hindi biro ang mga sumbong na natanggap ng inyong Kapuso Action Man nitong nagdaang taon.
00:09Kabilang ang perwisyong dulot ng mga selang tulay na doble ang naging pahirap sa mga residente.
00:14Ang pagtugundian ng inyong Kapuso Action Man, ating balikan.
00:22Agosto ngayong taon nang idulog ng inyong Kapuso Action Man sa Kalamba City Engineering Office
00:27ang nasirang bahagi ng Spillway sa Barangay San Cristobal.
00:32Napuruan ito dahil sa magkakasunod na Bagyut Habaga noong Hulyo.
00:36Noong ba talagang inanod na po siya, tapos tingnan niyo po yung klase ng tulay namin, talagang nakakatakot po.
00:43Nasa limang taon na o apat na taon na yan, ganyan.
00:47Ngayon kada masisira, ginagawa lang ng paraan para kami makatawid,
00:51gawa po ng mga estudyante namin, nakakawa naman po pang di makakapasok.
00:55Para makaraan, pansamantalang naglagay ng kawayan at pinagpatong-patong na sandbag ang ilang residente.
01:00Kung baga sa lagnat, first aid lang yan para makatawid.
01:04Pero hindi naman yan ang dapat.
01:05Paliwanag ni City Engineer Irwin Pakada.
01:08Sa Djaraw, umaapaw ang tubig sa ilog na siyang disenyo ng spillway.
01:12Ang naturang disenyo ay itinakda para hindi madaling masira ng dumadaloy na tubig ang tulay.
01:17Sa aming pagbalik sa lugar, natapos na ang itinakdang pagsasayo sa spillway nitong Oktubre.
01:26Isa lang ito sa mga reklamong inaksyonan ng inyong kapuso action man ngayong taon.
01:31Gaya na lang nang idinilog noong pangmayo ng nakaraang taon na inilapit namin sa General Trias Cavite City Engineering Office
01:38ang problema sa kawalan ng alternatibong tawiran sa isang bahagi ng Antero-Soriano Highway.
01:44Makaraan kasing masira ang footbridge noong Disyembre 2023.
01:472023, wala ang manong magawa ang mga tumatawid kundi ang makipagpatintero sa mga sasakyan.
01:53Nakakatakot pong tumawid dito kasi lalo na at napakarami pong sasakyan.
01:57Konting pagkakamali mo sa pagtawid eh, buhay mo talaga yung kapalit niyan.
02:01Napakadami pong sasakyan.
02:03Kailangan po talagang mabantayan po ang mga tatawid kasi yung iba po sa sobrang nagmamadali na didisklasya po.
02:12Ayon sa City Engineer.
02:13Nakaroon po kasi ng malaki pinsala yung existing na footbridge natin.
02:17So nag-request tayo sa DPWA na ito'y mayayos.
02:21At agad naman silang tumugon.
02:23At makaraan niyang maisapinalang plano para sa footbridge na nagkakahalaga ng 23 milyon pesos.
02:30Natapos na rin ang proyekto nito pang Pebrero ng kasalukuyang taon.
02:38Mission accomplished tayo mga kapuso.
02:41Para sa inyong mga sumbong, pwedeng mag-message sa Kapuso Action Man Facebook page
02:45o magtungo sa GMA Action Center sa GMA Network Drive Corner, Samar Avenue, Diliman, Quezon City.
02:49Daan sa anumang reklamo, pang-aabuso o katawalian.
02:53May katapat na aksyon sa inyong Kapuso Action Man!