00:00.
00:30Nagulat ang mga taga-Venezuela sa bigla ang mga pagsabog doon.
00:40Sabado ng madaling araw, hapon naman dito sa Pilipinas.
00:45Sa gitna ng dilim, sunod-sunod din ang paglipad ng mga helikopter sa himpapawid ng kabisera ng Caracas.
00:52Pag-atake na pala yan ng Amerika na kinumpirma ni U.S. President Donald Trump.
00:57At my direction, the United States Armed Forces conducted an extraordinary military operation in the capital of Venezuela.
01:12Overwhelming American military power, air, land and sea was used to launch a spectacular assault.
01:20Higit pa sa pagpilay sa mga Venezuelan military installation ang kanilang pakay.
01:24Dinampot ng elite unit ng U.S. military ang kanila mismong pangulo, si Nicolas Maduro, at ang kanyang unang ginang na si Celia Flores.
01:35Inilipad sila pa Amerika at pagdating sa New York, idiniretso sa U.S. Drug Enforcement Agency
01:40para harapin ang iba't ibang kasong may kinalaman sa droga, kabilang na ang Narco Terrorism Conspiracy at Cocaine Importation Conspiracy.
01:50Batay sa mga inilabas na dokumento ng U.S. Attorney General, nakikipagsabuatan at ginagamit umano ni Maduro
01:56ang kanyang posisyon para magpuslit ng toneto niladang cocaine sa Amerika
02:01at protektahan ang mga kasabot nilang drug traffickers.
02:05Sangkot daw rito ang mga civilian, military at intelligence official.
02:09Sabit sa mga asunto ang kanyang misis, dati ng pinabababa ni Trump sa pwesto si Maduro,
02:14na inaakusahan niyang sumusuporta sa mga drug kartel at sangkot sa pagpapapasok ng droga sa Amerika.
02:20Maduro and Flores have been indicted in the Southern District of New York,
02:26Jay Clayton, for their campaign of deadly narco-terrorism against the United States and its citizens.
02:34For many years after his term as president of Venezuela, expired Maduro remained in power
02:42and waged a ceaseless campaign of violence, terror, and subversion against the United States of America,
02:50threatening not only our people but the stability of the entire region.
02:542013, panakaupong pangulo si Maduro matapos pumanaw si Venezuelan dictator Hugo Chavez
03:01na siya mismong pumili kay Maduro bilang kanyang kapalit.
03:04Tinutulig sa ng Amerika ang mga anilay pandaraya tuwing eleksyon
03:08na nauuwi sa pagkapanalo ni Maduro, pati kagutuman at pangaabuso sa karapatang pantao ng rehimeng Maduro.
03:15Sabi ni Trump, kukontrolin daw muna ng Amerika ang Venezuela para matiyak ang maayos sa transition.
03:21Kasama raw sa akbang na ito ang paglipat ng major US oil companies sa Venezuela
03:26na may pinakamalaking oil reserves sa buong mundo para ayusin ang mga oil infrastructure doon.
03:32Kamakailan niya, kinumpis ka ng Amerika ang mga oil tanker ng Venezuela bilang bahagi ng naunang blockade.
03:39Inatasan ng korte sa Venezuela na umupo bilang interim president si Venezuelan Vice President Delce Rodriguez.
03:45Pero sabi ni Rodriguez, si Maduro lang ang tanging pangulo ng Venezuela.
03:50Nanawagan din siya na agad pa kawalan si Maduro at ang kanyang misis.
03:54Naa-alarma ang United Nations sa pag-atake ng Amerika sa Venezuela
03:57na ayon sa UN ay kawalan ng paggalang sa international law.
04:02Maaari-ana na itong magsilbing dangerous president.
04:09Ipinrotesta rin ng mga taga-Venezuela at mga kaalyadong bansa sa Latin America at Estados Unidos
04:14ang pagdakip kay Maduro at ang pag-atake ng Amerika.
04:18Pero may mga nagbunyi rin sa ginawa ng Estados Unidos.
04:22Nakabantay naman ang Pilipinas sa sitwasyon sa Venezuela ayon sa DFA
04:26na nanawagin ding ma-resolba ang gulo sa mapayapang paraan at iwasan ang paglala ng gulo.
04:31Handa raw ang embahada sa Bogota, Colombia na tulungan ng 74 na Pilipinong na sa Venezuela.
04:38Kinundina naman ang ilang mambabatas ang pangihimasok ng Amerika sa Venezuela
04:42na labag sa rules-based international order, lalo na sa soberanya ng Venezuela.
04:48Panibagong yugturaw ito ng imperialismo ng Amerika
04:51at pinakikita ang isyo ng pakikialam ng mga major power sa mga problemang panloob ng ibang bansa.
04:58Para sa GMA Integrated News, Jonathan Andal, Nakatutok 24 Oras.