00:00Ikinagalak ni House Speaker Faustino Bojie D. III
00:03ang pagpapatibay ng 2026 General Appropriations Act
00:06na kanyang inilarawan bilang isang tunay na people's budget.
00:10Kasunod ito ng pangako magkakaroon ng mahigpit na congressional oversight
00:13para tiyakin na ang pondo ng bayan ay magagamit ng naaayon sa batas,
00:18maayos at walang katiwalian.
00:21Ayon sa House Speaker, hindi nagtatapos sa pagtakda sa budget ang kanilang trabaho,
00:25pero simula pa lang ito ng pag-oversight.
00:27Dagdag pa ni House Speaker Bojie D.,
00:30ang P6.793 Trillion Approved Budget ay sumasalamin sa pangako ng administrasyon
00:36ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tiyaking direktang tinutugunan ng pondo ng bayan
00:41ang pang-araw-araw na pangangailangan ng mamamayan.
00:45Ayon pa kay D., ang people's budget ay bukas, may paninindigan
00:50at nakatoon sa pagtapaunlad ng buhay ng Pilipino.
00:54Sinabi rin niyang makikipagtulungan ang Kongreso sa Executive Branch
00:57para tiyakin na maayos at napapanahong pagpapatupad ng budget.