00:00Pinangunaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang formal na pagbubukas ng Aglipay Sewage Treatment Plan sa Mandaluyong City.
00:08May nasa magtataguyod ng mas maayos na waterways management sa ilang mga syudad sa Metro Manila.
00:14Inangulati Ken at pasyente.
00:17Sa layuning maitaguyod ang malinis na waterways o daluyan ng tubig sa malaking parte ng Metro Manila,
00:23pinasinayaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pinakabagong Aglipay Sewage Treatment Plan sa Mandaluyong City.
00:31Ayon sa Pangulo, magsisilbing daan ito para itaguyod ang karapatan ng publiko sa akses sa malinis na tubig at kapaligiran.
00:38The capacity to treat 60 million liters of waste water every day, expandable to 120 million liters per day as our cities continue to grow.
00:49This means that more liters of safe water is available for public consumption and more rivers and seas are preserved for future generations.
01:00Kayang saluhin at linisin ng pasilidad ang domestic sewage ng nasa 652,000 mga residente sa ilang bahagi ng Mandaluyong, San Juan at Quezon Cities.
01:11Malaking bagay din anya ito sa pagpapanatiling malinis ang mga ilog na malaki ang epekto sa kalusugan ng mamamayan.
01:17These are not abstract aspirations, but concrete and measurable actions towards protecting our environmental and restoring our natural resources.
01:29Beyond the machinery, what truly matters is, beyond the machinery, fascinating as it is, what really matters is the result.
01:38And that is cleaner water return to the environment and reduce exposure of our people to the hazards of untreated sewage.
01:46Ibinahagi rin ang presidente na hindi rito natatapos ang trabaho ng pamahalaan at pribadong sektor, lalot nasa limang wastewater treatment plants pa, ang kasalukuyang itinatayo sa ilang service areas sa bansa.
01:59Gayunman, ipinunto ng punong ehekutibo na hindi dapat iyasa lang sa mga ganitong pasilidad ang malinis na kapaligiran.
02:06Sahalip, kailangan anya itong samahan ng disiplina.
02:09Clean facilities must be matched by clean habits. Proper wastewater system must be complemented by responsible waste disposal.
02:18So I call on everyone, the government, private sector and the citizens alike, let's all do our part.
02:24Protect our waterways, keep our surroundings clean and healthy.
02:28Ang wastewater na makukolekta sa pamamagitan ng 53-kilometrong pinagsamang sewer drainage system ay dadaan sa buong proseso ng paglilinis bago ito ilabas sa Ilog Pasig,
02:39alinsunod sa effluent standards ng Department of Environment and Natural Resources.
02:44Gumagamit ang aglipay STP ng moving bed biofilm reactor technology na tinitiyak ang mataas na antas ng paglilinis.
02:51Nagkakahalaga ang proyekto ng 3.93 billion pesos.
02:56Kenneth Pasyente, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.