- Traffic enforcer na hulicam na nangotong umano sa rider, suspendido


- RPG ginamit sa ambush attempt sa Shariff Aguak Mayor


- Confirmation of charges hearing ni Duterte, gaganapin sa Feb; ICC nakitang "fit to participate" siya


- 2 Chinese managers at 22 iba pa, arestado sa ilegal na minahan ng ginto


- 16-anyos, nabaril ng may-ari ng tindahang tinangka raw niyang looban


- 2 proyekto kontra-baha sa Naujan, Or. Mindoro na substandard ayon kay Gov. Dolor, sinisiyasat


- 18, patay sa paglubog ng M/V Trisha Kerstin 3; 10 hinahanap


- Alex Eala, aabante sa round of 16 ng Philippine Women’s Open matapos daigin ang Russia


- Pusang tila katulong sa pagbutingting ng motorsiklo, kinaaliwan



State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv

Facebook: / gmanews
TikTok: / gmanews
Twitter: / gmanews
Instagram: / gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00State of the Nation
00:06Emosyonal ang rider na ito habang hinihingi ng traffic enforcer ang kanyang lisensya
00:20dahil sa paglabag umano sa no entry sign.
00:24Tumipat pa ang dalawa sa kabilang kanto para doon mag-usap.
00:27Tumayo ang rider at kitang hinahanap na ang pitaka.
00:31Bumuno nito ng 200 piso na hinihingi umano na enforcer para hindi na matiketan.
00:37Ang pangungotong iniimbisigahan na ng opisina ng Roads and Traffic Administration ng Cagayan de Oro City.
00:44Sinuspindi na ang enforcer na wala pang pahaya.
00:48Hindi basta-basta ang gustong magpatumba.
00:52Aligasyon nito ng mayor ng Sharif Aguac Maguindano del Sur na nakaligtas sa pananambang.
00:58Hulikam ang pagpuntiriya sa kanyang sasakyan gamit ang rocket-propelled grenade.
01:03May report si June Veneracion.
01:04Parang warzone sa Sharif Aguac Maguindano del Sur umaga ng January 25.
01:12Mula sa minivan, may bungobang lalaki.
01:15Nakargado ng rocket-propelled grenade o RPG.
01:19Inasinta ang likuran ng isang SUV.
01:25Bulletproof pala ang SUV.
01:26Nalulan si Sharif Aguac Mayor Ahmad Mitra ang patuan.
01:34Nakaabante pa ang SUV at nagkaputukan.
01:38Kuminto ang SUV sa isang kalsada at muling nagkaputukan.
01:47Sinambos, sinambos.
01:48Ligtas si Mayor ang patuan.
01:58Pero sugatalang dalawa sa kanyang security escort.
02:00Tumaka sa mga sospek na nasa minivan.
02:04Pero naabutan ang mga pulis sa sundalo.
02:07Tatlong sospek ang patay kabilang ang nagpaputok ng RPG na si Alias Raprap.
02:12Nakatakas ang driver ng minivan.
02:15Batay sa embestigasyon ng PNP,
02:17lahat ng apat na sospek ay magkakaanak.
02:19Hini-establish po nila mami yung po ang kanilang pag-establish ng motibo.
02:23Kumukuha sila po ng mga ebidensya kung ito po yung mga hired killers.
02:27Inaalam din kung paano nagkaroon ng RPG ang sospek na nagpaputok nito.
02:32Nalubabas din, may tatlong warrant of arrest sa iba't ibang kaso gaya ng murder.
02:36Nakita po sa initial investigation na kung bakit po gumamit ng posible ng RPG
02:41dahil alam po nila na bulletproof ang sasakyan.
02:43Kung ito yung tinamahan ng solid, mag-iiba, mag-iimarahil, mag-iiba po ang kwento ng nangyaring insidenya po.
02:50Kinasisiyasat ng Malacanang ang pananambang.
02:52Kinukundin na po ng Pangulo ang nangyaring yan.
02:54At dahil sa kanya pong pag-uutos at direktiba,
02:58agad-agad din pong kumilos ang DILG, pati po ang PNP.
03:03Sa utos ng liderato ng PNP, bumuunan ang Special Investigation Task Group
03:07para imbistigahan ng ambush at mga tukoy kung sino ang mga nasa likod dito.
03:12Lumalabas din na pang-apat na beses na pala itong mahilagtangka
03:16sa buhay ng Mayor ng Bayan ng Sharif Agua.
03:19Paniwala ni Mayor Opatuan, hindi basa-basa ang may gustong magpatumba sa kanya.
03:24Hindi ko kalay na mga ganun mangyari sa akin.
03:27Sinong tao na ganun na kalakas na bari na ibari sa akin?
03:32Nagtataka rin daw ang alkalde kung bakit siya binawian ang security detail.
03:36Bigla lang naalis yung escort ko.
03:38Doon na nagpasok yung lahat ng treats sa akin na amusin ako.
03:44Sinusubukan pang makuha ang palig ng PNP tungkol dito.
03:47June Van Alasson, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
03:51Fit to participate o maayos ang kalagayan para humarap sa korte
03:55si dating Pangulong Rodrigo Duterte na kinasuha ng crimes against humanity
03:59dahil sa kanyang madugong drug war.
04:02Ayon sa pre-trial chamber 1 ng International Criminal Court,
04:06na busisi nila ang mga natanggap na report ng independent medical experts na sumuri kay Duterte.
04:11Doon lumalabas na kaya ni Duterte nagampana ng kanyang procedural rights.
04:17Dahil dito, itinakda ng ICC ang Confirmation of Charges Hearing ni Duterte sa February 23.
04:23Hindi pa malinaw kung personal siyang haharap sa pagdinig.
04:27Maglalabas naman ng pre-trial chamber 1 ang schedule at direktiba para sa pagdinig,
04:32kabilang na ang mga hakbang para matiyak ang sitwasyong medikal ni Duterte.
04:36Noong September dapat ang Confirmation of Charges Hearing pero ipinagpaliban dahil sa apela ng depensa
04:43na lumala ang kalusuga ni Duterte.
04:47Nairapan na ro siyang maunawaan ang ebidensya laban sa kanya at intindihin ang mga direktiba ng mga abugado.
04:54Sinisikapang makuna ng reaksyon ang kampo ng mga Duterte.
04:57Isang iligal na minahanang ginto ang nabisto sa Opol Misamis Oriental.
05:06Mahigit dalawang puang arestado, kabilang ang dalawang Chino.
05:10May report si Marisol Abduraman.
05:15Nilusog kahapon ang mga operatiba ng Northern Minanaw Police at Presidential Anti-Organized Crime Commission o PAO.
05:22Ang tatlong ektare ang minhang ito sa barangay Tinggalan sa Opol Misamis Oriental.
05:26Inareklamo ng ilang civil society group at environmentalist na sand and gravel extraction lang daw ang hawak na permit nito.
05:34Pero ang minimina pala, ginto.
05:36We validated those information at nag-conduct po tayo ng operation gold mining.
05:41Yung mga minimina po nila.
05:44Yung mga mineral ores na sacks of mineral ores na nakuha natin is ipaprocess pa po iyon at yung magiging output po noon is yung gold.
05:54Dalawang put-apat ang inaresto.
05:56Ang nakagugula, dalawa sa kanila, Chinese, na itinuturong manager at operations manager ng Minahan.
06:03Tumagi silang magbigay ng komento sa media.
06:06Sa embisigasyon ng mga otoridad, hindi mga taga Region 10 ang mga nahuli sa nasabing illegal mining operation.
06:12Ang dalawa namang Chinese national.
06:14Wala rin na ipakita ni anumang dokumento.
06:16Kung piskado ang halos 31 milyon pesos ng mga heavy equipment, gaya ng dalawang backhoe,
06:22iniimbisigahan kung gaano nakatagal nag-ooperate ang grupo sa Minahan at kung may sangkot na government official.
06:29Marami na po talaga ang nabungkal.
06:31Marami na po nasira po talaga ang nasabing area sa pagbibina po nila.
06:37Marisol Abduraman, nagbabalita para sa GMA Integrity News.
06:42Patay ang isang dalagita sa Pototan, Iloilo, nang mabaril ng may-ari ng tindahang tinangkaraw niyang looban.
06:50Ayon sa pulisya, madaling araw nang makarinig ng ingay ang may-ari ng tindahan na isang senior citizen.
06:56Sumilip siya at nadatna ng 16 anyos na kapitbahay.
07:00Sirbukan daw ng dalagita na manghataw ng dos por dos, kaya nabaril niya ito.
07:05Tinamaan sa dibdib ang dalagita na dead on arrival sa ospital.
07:09Sinampahan ng reklamong homicide ang sospek, pagamat aminado ang polisya na self-defense ang nangyari.
07:16Hindi humarap sa media ang sospek pero iginit niyang hindi niya balak patayin ang biktima.
07:22Naniniwala naman ang lola ng biktima na nautusan lang siyang banloob.
07:26Sinisiyasat ng DPWH ang dalawa pang palyado o manong project sa Oriental Mendoro na mismong gobernador ang nagsiwalat.
07:37Ibang kumpanya ang kontraktor sa mga ito pero nasisili pang koneksyon ng dalawang opisyal ng DPWH.
07:44May report si Ian Cruz.
07:45Ayon sa disenyo ng DPWH, una muna, ang sheet files, pagkatapos ng sheet files, saka ilalagay, yun.
08:00Ang tawag nila doon ay ito pa, hindi sunfield sa ilalim, ang tawag nila dyan geotech style.
08:08Mismong si Governor Bons Dolor ang nagsiwalat ng dalawa pang palyadang flood control project sa Nauhan, Oriental, Mindoro.
08:16Titang-tita nyo naman, salit na nasa loob, nasa labas.
08:22Ito nyan ah, hindi tayo nagawa niyan.
08:25Itinayo sa mag-asawang Tubig River ang dalawang proyekto.
08:29Sabi ni Governor Dolor, sa pagkasira ng mga yan, lumala ang baha sa mga bayan ng Victoria at Nauhan.
08:37New Big 4J, ang kontraktor ng dalawang proyekto.
08:40Parehong sinimula noong February 11, 2023, at ginaso sanang mahigit P210 million pesos pahit isa.
08:48Ang isa ay natapos ng February 5, 2024.
08:51Ang completion date naman ng isa ay December 10, 2023.
08:56Yung New Big 4J, today na ngayon, papadagan na natin ang demand letter to repair kasi subject of warranty.
09:04Roughly nasa parang, ang estimate atay is nasa 20 plus million ang repair.
09:11Patuloy naming kinukunan ng pahayag ang New Big 4J.
09:15Kahapon, dinatna na GM Integrated News sa Sarado at walang tao sa address itong nakalista sa mga dokumento ng DPWH.
09:23Signatory sa dalawang proyekto si dating DPWH Mimaropa Regional Director, Gerald Pakanan.
09:28Nakakulong siya ngayon at nililiti sa mga kasong graft at malversation of public funds through falsification
09:36dahil sa isa pang umunay substandard na flood control project sa Nauhan.
09:41Dawit naman sa proyektong yan ang SunWest Corporation,
09:46pag-aari ng wanted ngayong si dating representative, Saldico.
09:49Tanong tuloy kay Secretary Dizon, bakit tila maraming substandard flood control projects sa probinsya?
09:56Mukhang kagaya ng 1st District of Burakan, hawak nila ang region ng Mindoro.
10:01Meaning madalising ang makagawa ng mga haushow na project. Pinagkakakitaan nila.
10:08Natanong din si Dizon kung posible ba ang koneksyon ng New Big 4J sa ngayong state witness sa sidat ni Yusek Roberto Bernado.
10:16Pusibre kasi marapit si na-establish na si former RD Pakanan marapit kay Yusek Bernado.
10:23Kahit na nasa witness protection program si Yusek Bernado, yung mga ganyang mga impormasyon kailangan natin niyang investigahan.
10:31Sinisikap ang makuna ng reaksyon si Bernado.
10:34Ian Cruz sa Guabalita para sa GMA Integrated News.
10:39Hindi overloaded o lagpas sa kapasidad ng barkong lumubog malapit sa Basilan ayon sa Philippine Coast Guard.
10:44Labing walo sa mga sakay nito ang nasawit.
10:48Sampu ang nawawala pa.
10:49Mula sa Zamboanga City, may live report to Jonathan Andal.
10:53Jonathan.
10:57Atom, sabi ng Philippine Coast Guard hanggang ngayong gabi, meron pa rin silang search and rescue operations sa dagat ng Basilan.
11:03Hindi pa rin daw kasi silang nawawala ng pag-asa na makikita pa rin ng buhay.
11:07Yung sampu pang nawawalang sakay ng lumubog na MV3 siya Kirsten 3.
11:16Biglang nagising ang mga sakay ng roro na MV3 siya Kirsten 3 pasado hating gabi.
11:21Lumulubog na pala ang barko na galing Zamboanga at patungong Sulu.
11:27Napasuot sila ng life vest.
11:29May ilang pumunta sa gilid hanggang tuluyang lumubog ang barko sa dagat malapit sa Balok-Balok Island, Basilan.
11:35Sa gitna ng dilim, palutang-lutang sa Sulusi ang mga pasahero.
11:42Desperado sa paghingin ng saklolo.
11:44Todo kapit ang ilan sa mga pampalutang.
11:50Nakaresponde ang mga otoridad.
11:51Ang mga nasagip, tinala sa mga pantalan ng Isabela City, Basilan, Hulo, Sulu at Zamboanga City.
11:57Agad ginamot ang mga sugatan at binigyan ng pagkain at kumot.
12:01Ang DSWD po ay inutosan na po ng Pangulo para po mabigyan ng karampatang tulong ang ating mga kababayan na naapektuhan po nito at nabiktima po sa nasabing insiden.
12:12Sa ilang nakaligtas, sariwa pa ang sinapit nilang bangungot.
12:15Ang gising namin po, gumigilid na ganyan.
12:18Tapos na gano'n.
12:20Seconds na nagkukuha na kami lahat ng mga life jacket.
12:23Tapuan na kami para sa buhay namin.
12:25May life jacket o kayo?
12:26Meron naman.
12:28Pero karamihan wala.
12:30Wala silang information na nagsabi na may nangyayari.
12:33Tapos ang sinabi lang nila,
12:36kung nga kayo ng life jacket, talubog na yung bargo.
12:39So nagpanikan lahat po sa ang tao sa itaas.
12:422 hours, ako po kami na-rescue.
12:46Hindi pa kung wala naman maglumunod pero ginawa ka rin para kasurban ako.
12:50Ayon sa Philippine Coast Guard, 316 ang nasagip,
12:54kabilang ang 13 polis.
12:57Isang polis naman ang kasama sa 18 nasawi.
13:00Sampu pa ang nawawala.
13:02We use naman a systematic base of search and rescue approach.
13:05Kasama po yun yung pag-compute ng current sa area na yan.
13:09Yung lakas ng hangin din.
13:10So kasama yan.
13:11Isa sa hinahanap ang lolang kasama ang limang kaanak.
13:14Si Nordice Ondalisawabi po yung pangalan niya.
13:18Baka may makakita po sa kanya.
13:20Sabi, yung naano pa daw yung barco,
13:23hindi pa tumaob talaga.
13:25Magkasama pa sila.
13:27Pero yung naglakihan na daw yung alon,
13:29no, nasiparet na sila.
13:31Nawawala rin ang on-duty cadet sa barco na si Kyle Ponsalang.
13:35Ayon sa kanyang kapatid,
13:36nakapagpadala pa si Kyle ng mensahe
13:38na tumatagilid na ang kanilang barco.
13:40Sa aerial inspection ng Philippine Coast Guard,
13:44kita malapit sa pinaglubogan ng barco
13:46ang mga lumulutang na gamit ng mga pasahero at debris.
13:49May bakas din ang oil sheen o langis.
13:52Magtutulungan ang PCGT Maritime Industry Authority o Marina
13:55sa pag-iimbestiga sa paglubog ng barco.
13:58Batay sa ulat ng PCGT ni Basilan Governor Mujib Hataman,
14:01tumagilid ito at pinasokan ng tubig.
14:04May nagsabi rin,
14:04pinasok na ng tubig ang barco bago tumagilid.
14:07Aalamin kung may sinalubong na malalaking alon ang barco.
14:10Sisilipin din ang seaworthiness nito.
14:13Batay sa website na marintraffic.com,
14:151995 ginawa ang barco sa Japan
14:18at binili ng Allison Shipping Lines.
14:20Sabi ng Allison,
14:21nang matanggap nila ang distress call,
14:23agad silang nag-activate ng quick response measures
14:25at nag-deploy ng mga sasakyang pandagan.
14:28Nakikipagugnayan daw sila sa mga otoridad
14:30habang patuloy ang search and rescue operations.
14:33Nagpabot din sila ng pakikiramay sa lahat ng sakay ng barco,
14:36pati na sa mga pamilya nila.
14:38May teorya naman sa paglubog si Zambuanga City Mayor Kimer Adan Olaso.
14:43Dati siyang kapitan ng barco at asawa
14:45ng isa sa mga may-ari ng Allison Shipping Lines.
14:48Basta may pumutok to na parang malakas sa baba.
14:51Sa baba kung nasan yung mga sasakyan po?
14:53Saan yung mga sasakyan?
14:54Baka yung lashing,
14:55yung lashing materials,
14:57yung tumatali sa mga sasakyan.
15:00Kasi pag humampas yun, malakas yun eh.
15:03So baka yun ang maaaring naputol at nag-giveaway.
15:07Tumagilit siya.
15:08Yung mga equipment, yung mga truck,
15:09nawala ng stability.
15:11Yung cargos,
15:12nag-ship siya sa one side ng lahat.
15:14Ni-rule out na ng PCG na overloaded ang Roro.
15:18352 ang maximum passenger load nito.
15:21344 ang sakay ng pasahero at crew ng madisgrasya ito.
15:24May karga rin mga truck ang Roro.
15:26Sabi rin ng marina,
15:27naglayag sa pinahintulutang kapasidan ang Roro.
15:35Atom, may pito pang pasahero
15:36ang nagpapagaling sa iba't ibang hospital dito sa Zamboanga City.
15:39Ayon po yan sa City Social Welfare Office.
15:41Ang sabi naman po ng mayor ng Zamboanga City,
15:44merong sampung survivor
15:46na pinili pa rin pong maglayag ngayong gabi.
15:49Papunta pa rin po ng Sulu.
15:50Sakay po ang ibang barko ng Allison shipping lines
15:54na nilibre naman daw yung kanilang ticket.
15:56Yan muna ang latest mula rito sa Zamboanga City.
15:58Balik sa iyo, Atom.
15:59Maraming salamat, Jonathan Andar.
16:02Bago ngayong gabi,
16:03wag si Alex Iala sa unang sabak niya
16:05sa Philippine Women's Open ng WTA 125.
16:09May report si JP Soriano.
16:10Sa unang pagsabak ng Filipino Ace at World No. 49,
16:17Alex Iala sa Philippine Women's Open ng WTA 125,
16:20natalo ni Iala ang pambato ng Russia na si Alina Shareva.
16:24Sa set scores na 6-1, 6-2,
16:26nag-advance si Iala sa round of 16.
16:29Pero hindi rin naging madali ang pinagdaanan ni Alex
16:32dahil sa isang punto ng kanyang laban
16:34ay nagkaroon siya ng medical timeout
16:36kung saan may tatlong minuto rin siyang nawala sa court.
16:39Pero maayos din siyang nakabali
16:41at naipanalo ang laban.
16:44Si Michael, excited na bumiyahe pa may nila
16:47para manood sana ng laban ng Filipino Tennis Ace
16:51na si Alex Iala sa Philippine Women's Open ng WTA 125.
16:55Pero sold out na raw ang ticket
16:57at ground pass na lang ang kanyang nakuha.
17:00Malungkot lang po kasi,
17:01actually galing pa po kami Tugiga raw.
17:03Tugiga raw pa po kami galing
17:05para makapanood po sana.
17:07Gayunpaman, todo cheer pa rin si Michael
17:10para kay Iala.
17:12Ilan pa sa mga nanood at nag-cheer
17:13sa unang laban ni Alex sa WTA 125
17:16ay ang kanyang mga tiyahin at pinsan.
17:19You see, she's really that nice girl,
17:22mabait na bata, very grounded.
17:25And we love her for that.
17:27She has a very nice personality.
17:29She's always active in our family gatherings
17:32so I'm very thankful for that.
17:35She doesn't forget family.
17:36JP Soriano, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
17:47Muning buting ting,
17:49tila naging katulong kasi ng isang lalaki sa Davao Oriental
17:52ng isang pusa sa pagsasayos ng motorsiklo.
17:58Agay na, agay na, agay na, agay na, agay na.
17:59Agay na, agay na, agay na.
18:03Agay na, agay na.
18:06Naparabang expert siya sa pagmi-minkaniko.
18:11Ang nakatutuwang tagpong yan,
18:12laging nararanasan ni U-scooper Stephen De La Cruz.
18:16Agad daw tutulong ang alaga
18:17tuwing mag-a-adjust ng kadena ng motor.
18:20Walang lusot ng aberyad dahil bawat sulok,
18:23kanya raw sinisilip at sinisiyasa.
18:25Patunay na isa siyang,
18:27Mechanicat.
18:31Yan po ang State of the Nation
18:32para sa mas malaking misyon
18:34at para sa mas malawak na paglilingkod sa bayan.
18:37Ako si Atom Araulio
18:38mula sa GMA Integrated News,
18:40ang News Authority ng Pilipinas.
18:43Huwag magpahuli sa mga balitang dapat niyong malaman.
18:46Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube.

Recommended