00:00Pusibleng bumaba na ang presyo ng galunggong sa mga pamilihan ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.
00:07Yan ang matapos ilift ng BIFAR ang fishing bands sa karagatan sakop ng northern Mindanao.
00:13Yan ang ulat ni Gab Villegas.
00:16Matagal lang hindi bumibili ng galunggong si Amid dahil sa taas ng presyo nito.
00:21Ngayong araw, namili siya na salmon sa halagang 100 piso para sa iluluto niyang pangat.
00:26Ito ang diskarte ni Amid para mapagkasya ang kanyang budget.
00:33Ang benta naman ni Annie sa kanyang mga panindang galunggong parang panapanahon lang.
00:43Minsan mabenta, minsan matumal.
00:46Kaya para makaubos, binibenta niya ang galunggong na kanyang nahangho sa halagang 100 piso kada tumpok.
00:53Aminadong nahihirapan rin siyang mapaubos ang mga galunggong na binibenta niya.
00:58Mahal din po si Ray kasi pakiyawan din.
01:00May minsan prosen.
01:02Sariwa, sabun di po isang banyera.
01:06May hirap.
01:07Sa pinakauling monitoring ng Department of Agriculture,
01:10naglalaro sa P380 pesos ang presyo kada kilo ng lokal na galunggong.
01:15Habang P300 pesos naman ang kada kilo ng imported sa mga pamilihan sa Metro Manila.
01:21Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR,
01:24inaasahan na bababa ang presyo ng galunggong matapos alisin ang fishing ban sa katubigan sakop na Northern Palawan
01:31bilang bahagi ng conservation measure na ipinapatupad ng pamahalaan.
01:35Sinabi ni BFAR spokesperson, Nazario Briguera,
01:38na tataas na muli ang volume ng galunggong sa mga pamilihan sa mga susunod na linggo.
01:43We're expecting na in the coming weeks, bababa na yung presyo dahil makakabalik na yung mga pumalaot
01:49at i-expect na natin ang pagtaas ng supply sa ating mga pamilihan.
01:54Inaasahan na bababa ng P180 hanggang P200 pesos ang kada kilo ng galunggong
01:58sa oras na muling manumbalik ang supply nito sa normal.
02:02Sinisiguro rin ang BFAR na mararamdaman ang mga consumer
02:06ang pagbaba ng presyo ng galunggong sa mga pamilihan.
02:09Tuloy-tuloy naman ang pagsasagawa ng pamahalaan pa ng mga pamamaraan
02:15para masiguro natin na nararamdaman ng publiko yung pagbaba ng presyo
02:21dahil sa pagdami ng supply.
02:25At yun ang patuloy na isinusulong natin na mabawasan yung layers
02:33kumbaga dun sa market para mas maramdaman ng mga mamimili yung pagbaba ng presyo.
02:40Habang hindi pa bumababa ang presyo ng galunggong,
02:43hinikayat naman ng BFAR ang publiko na bumili ng mas murang isda.
02:47Abundant ang ating supply naman pagdating sa aquaculture,
02:54nandang yung tilapia natin, nandyan yung bangus,
02:57na masasabi din naman natin ay masapat na source ng protina,
03:05yung dietary protein na tinukha natin sa isda.
03:08So meron naman tayong aquaculture production.
03:12Gab Villegas para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.