00:00Dahil sa ASEAN Chairship ng Pilipinas,
00:02nakatutok sa ngayon ang buong pwersa ng gobyerno
00:04sa mga oportunidad sa negosyo na posibleng mabuksan.
00:08Ang monggatale sa report ni Denise Osorio.
00:13Formal nang sinimulan ng Pilipinas ang ASEAN 2026 Chairship
00:17sa pamamagitan ng isang high-level forum
00:19na nakatutok sa investment, regional cooperation, at economic growth.
00:25Nagtipon ang mga senior policymakers, global investors,
00:28at mga ma-influence yung media figures
00:31sa ASEAN Editors and Economic Opinion Leaders Forum
00:34bilang unang malaking hakbang sa economic agenda
00:38kung saan prioridad ng bansa pagdating sa trade, investment,
00:42at mas malalim na regional integration sa ASEAN.
00:45Ayon sa Department of Trade and Industry,
00:48nakasentro ang forum sa economic resilience,
00:50digital transformation, at sustainable at inclusive growth.
00:54Kasabay nito, ang paglulunsad ng business and investment promotion calendar
00:58ng Pilipinas sa ilalim ng ASEAN Chairship
01:01kung saan mahigit limandaang strategic engagements
01:04ang inaasang maisasagawa.
01:06Kabilang sa mga strategic priorities ng bansa,
01:09ang mas matibay na public-private partnerships,
01:12mas malawak na digital connectivity,
01:14mas matatag na supply chains,
01:16at mas maraming oportunidad para sa MSMEs,
01:19women entrepreneurs, at mga negosyong panrehyon.
01:22Kasama rin sa mga itinutulak ng Pilipinas sa chairship
01:26ang digitalization at AI,
01:28semiconductors at critical minerals,
01:31renewable energy infrastructure,
01:33cross-border digital talent mobility,
01:35at healthcare innovation.
01:37Sa isang panel discussion tungkol sa public-private partnerships,
01:41o PPPs,
01:42tinalakay kung paano mapapabilis
01:44ang pagpapatupad ng mga proyekto sa bansa
01:46sa tulong ng pribadong sektor.
01:48Ipinaliwanag ni Education Secretary Sonny Anggara
01:51kung bakit kasama ang mga traditional na infrastructure projects,
01:55edukasyon,
01:56at healthcare.
01:57This administration has clearly sent very clear signals
02:01that they want to work with the private sector
02:03and that they need the private sector.
02:05And I think another change
02:08that President Marcos has initiated
02:11is that we want human development
02:14and human infrastructure
02:15at the core of the PPPs,
02:16not just physical development,
02:18not just building structures.
02:19Kaugnay nito,
02:21tinalakay din ang mga posibleng modality
02:23para sa social infrastructure,
02:25kabilang ang pagpapatayo ng mga silid-aralan,
02:28habang nananatiling bukas
02:29ang pagsali ng malalaking kumpanya
02:31sa mga bidding process.
02:33Binigyang din naman ang pribadong sektor
02:35na mahalaga ang malinang na framework
02:37sa mga proyekto
02:38upang mapanatili ang interes ng mga investor
02:41sa mga long-term programs ng gobyerno.
02:43From the private sector,
02:45from where we stand,
02:46what we ask for are really just predictability
02:50in the rules,
02:51transparency in the processes,
02:54and the private sector knowing exactly
02:57when the projects are gonna come out.
02:59Samantala,
03:00kinilala rin ng ilang mga local investors
03:02ang mga hakbang ng ARTA
03:03para mapadali ang ease of doing business sa bansa.
03:07Ayon naman kay DTI Secretary Christina Roque,
03:10malaki ang pwedeng maidulot ng ASEAN chairship
03:13sa pagpapalawak ng ekonomikong ugnayan
03:16ng Pilipinas sa rehyon.
03:18So, nakafocus kami ngayon sa ASEAN chairship
03:21because there's a lot of opportunities talaga
03:24that we can get from ASEAN
03:26and ang ASEAN once bonded together
03:29is a very strong force to reckon with actually.
03:32Binigyang diin din ni Secretary Roque
03:34na umabot sa 84.41 billion US dollars
03:38ang exports ng Pilipinas noong 2025,
03:41ang pinakamataas na naitala
03:44kasabay ng 15.2% growth year on year.
03:48Sa investments naman,
03:49nagtala rin ng record high approvals
03:51na senyalis ng patuloy na pagtitiwala
03:54ng mga negosyo sa Pilipinas.
03:56Nakatulong din sa paglakas ng investment climate
03:58ang mga reforma tulad ng Create More Act,
04:01Green Lanes for Strategic Investments
04:03at PPP Code
04:05na layong pabilisin ang mga proseso
04:07at bawasan ang mga hadlang sa pagdenegosyo.
04:10Denise Osorio,
04:11para sa Pambansang TV,
04:13sa Bagong Pilipinas.