Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mga kapuso, maaaring umabot sa 22 piso kada litro ang taas presyo ng diesel sa susunod na linggo.
00:07Ayon po yan sa mga oil industry source.
00:09At sa gitna po ng pagsirit ng presyo ng langis, binabantayan din ang posibleng pagmahal ng servisyong medikal.
00:16Ating saksihan!
00:21Karaniwang bumper to bumper tuwing umaga ang southbound lane ng EDSA mula Kamuning hanggang Kubaw.
00:26Pero kanina, tuloy-tuloy ang usad.
00:29Bahagya rin maluwag ang trapiko sa iba pang lugar sa Metro Manila kahit pabiyernes.
00:34Tingin ng ilang commuter, epekto ito ng pagpapatupad ng 4-day workweek sa ilang LJU.
00:40At mga ahensya at tanggapan ng pamahalaan bilang pagtitipid bunsod ng malakihang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
00:48Pero wala pa raw datos ang MMDA para masabing kumunti nga ang bilang ng mga sasakyan sa mga lansangan sa
00:54Metro Manila dahil diana.
00:56Kitang kita, talaga na umunti yung ano.
00:58Dali ng trapiko.
01:00Kasi po, lalo na po sa 4 days, siguro yung mga tao po, natuto na rin po dahil sa pagtaas
01:05ng gasolina.
01:05Umiwas rin po sila sa gasolina.
01:07Todo nga ang paghihigpit sa sinturon ng marami at mukhang kailangan pang mas higpitan.
01:11Lalot ayon sa industry sources, 15 to 20 pesos kada litro ang posibleng maging dagdag sa presyo ng diesel.
01:1913 to 15 pesos naman sa gasolina.
01:22Batay raw yan sa 4-day average ng Minof Plats, Singapore.
01:25Pero mas mataas ang estimate ng ibang industry source.
01:2919 to 22 pesos kada litro sa diesel.
01:3213 to 16 pesos naman sa gasolina.
01:35Hindi natuloy malaman ng mga tsuper kung saan buhugot ng panggas.
01:38Mag-antay lang ako sa disisyon sa operator kung bawihin yung jeep.
01:42Nga na ang kaming magawa, wala naman kaming rebounder.
01:45Sa Batanes, sumipa na sa 112 pesos and 50 centavos per liter ang presyo ng diesel.
01:52Nang bombahin noong Merkules ang ilang barko na may kargang langis habang tumatawid sa Strait of Formos,
01:57sumipa ang bentahan ng langis sa global market.
02:00Bago magsara ang bentahan kahapon, tumaas ng 12 US Dollars ang kada barilis ng diesel.
02:06Sumipa rin daw sa 30 US Dollars per barrel ang premium o insurance, transportation at profit margin ng oil importer.
02:14Si Pangulong Bongbong Marcos, pinatawag sa Malacanang ang mga executive ng oil companies para matiyak ang supply ng langis.
02:21Kaya umaasa ang mga tsuper sa 5,000 pisong ayuda ng gobyerno.
02:25Sa loob ng tatlong araw simula sa darating na Martes, March 17,
02:30target mabigyan ang nasa 139,000 tricycle drivers sa Metro Manila.
02:35Sisimulan lang sa Metro Manila, tapos then we move out of Metro Manila.
02:40Yung mga cities at yung mga areas na napakaraming tricycle drivers, lahat yan matutulungan.
02:4439 payout centers ang tutukuyin ng DSWD.
02:48Sa Quezon City at Maynila, halimbawa dahil may 6 counselor districts,
02:52may 6 na payout centers din bawat isa na target mamahagi ng 1,000 na beneficaryo kada araw.
02:59No, driver's license lang. Hindi na kami muna hihingi ng philsis o kung anumang idea.
03:03Driver's license. Sigurado yun yung valid, sabihin hindi expired.
03:07Sigurado yun yung pangalan doon ay ang nag-a-appear na pangalan doon sa talaan ng local government unit.
03:13Pagdating naman sa ibang mga nasa sektor ng transportasyon, tulad ng jeep, bus, taxi, TNBS, motorcycle taxi at delivery rider,
03:23hindi na lokal na pamahalaan, kundi transportation department na ang magiging katuwang ng DSWD dahil sa kanila manggagaling ang listahan.
03:3230 billion pesos ang paunang pondo mula sa DSWD na agaran ang magagamit para sa mga lubhang apektado na.
03:39At maaring maapektuhan pa kung magtuloy-tuloy ang pagsirit ng presyo ng mga produktong petrolyo.
03:45Pagtitiyak ng DSWD, mapupunta sa mga dapat makatanggap nito ang pondo
03:50at mahigpit daw nilang babantayan ang probisyong kontra sa pag-efal ng mga politiko sa pamamahagi nito.
03:56Pero hindi lang sa transportasyon at pagkain, mararamdaman ang pagmahal ng langis.
04:01Ayon sa ekonomistang si Prof. Emanuel Laco, magdudulit din ito ng medical inflation o pagmahal ng servisyong medikala.
04:08Crudo kasi ang raw material ng maraming medical equipment at supply tulad ng hiringilya,
04:13surgical equipment, oxygen mask kahit na gloves.
04:17At dahil magmamahal ang transportasyon, tataas din ang logistics cost ng mga ito na karamihan ay imported.
04:23Hindi malayo na magkakaroon din ng direct impact agad-agaran.
04:28Although meron silang mga long-term supply agreement, nagkakaroon din sila ng hygiene.
04:35Yan, tisipate na rin nila na magkataas ng presyo ito.
04:39So, umuti-untiin na rin nila.
04:42Ang Department of Health, binabantayan na raw ang posibleng pagmahal ng servisyong medikal
04:46at gamot sakaling magkaproblema sa supply chain.
04:49Kasi tumatas ang presyo ng lahat eh.
04:52Dahil nga sa nangyayaring gera, kailangan mag-catch up si Phila at yan ang pinapatutukan ng Pangulong.
04:57Pero ngayon pa lang, ramdam na ni Lola Rosalina ang mahal na bayaring sa ospital.
05:01Kaya hindi raw nila alam saan kukuha ng pambayad para sa apong tatlong araw nang nakakonfine.
05:07Meron naman po yatang swa.
05:10Kahit konti mabawasan.
05:12Pero po kahit po naman mabawasan po yung pambayad, wala rin po.
05:17Para sa GMA Integrated News, ako si Jamie Santos, ang inyong saksi.
05:27Bago sa saksi, sinigawan, minura at sinaktan pa ang isang jeepney driver
05:31ng dalawang sakay ng tricycle na nakaalita niya sa Pasig.
05:35Ang ugat o mano ng galit ng mga sakay ng tricycle,
05:39nausukan daw sila ng tambutso ng jeep.
05:42Nagbabalik ang saksing si Jamie Santos.
05:47Sa video na ibinigay sa GMA Integrated News,
05:51makikitang binabagtas ng pampasaherong jeep ang bahagi ng bagong ilog Pasig,
05:55bandang alauna ng hapon nitong Webes.
05:57Nasa leftmost lane ang jeep at umiwas sa isang puting sasakyan.
06:02Pero ilang sandali lang, biglang lumitaw mula sa kanan ng isang tricycle.
06:06Maya-maya pa, bigla itong promeno.
06:09Nagpatuloy lang sa pagmamaneho ang jeepney driver.
06:12Pero makikita sa video, napili siyang hinaharangan ng tricycle at tina ayaw siyang palusutin.
06:18Hanggang sa muli na namang biglang promeno ang tricycle driver.
06:22Dahilan, para bahagyang magpangabot ang kanilang mga sasakyan.
06:26Sa puntong ito, makikitang nagagalit na ang tricycle driver.
06:30Sumisigaw at nagmumura habang papalapit sa jeep.
06:47Hindi nagtagal, bumaba ang tricycle driver at diretsong sinapak ang jeepney driver.
06:52Maging ang babaeng sakay ng tricycle, nakisali na rin sa pananakit.
07:19Ayon sa jeepney driver, posibleng nagalit ang tricycle driver dahil inakala nitong
07:24hindi siya pinadaan nang umiwas siya sa puting sasakyan.
07:28Susunod na po niya sa kotse, pasok na po yun, naka-placer na po ako para pumasok.
07:32Ngayon po, anong nangyari sa sistema?
07:34Naano po siya, hindi po siya napagbigyan, kaya nagagalit po siya.
07:37Minura po niya ako.
07:39Nagtungo ang jeepney driver sa barangay bagong ilog para magpablater.
07:43Inireport na rin niya ang insidente sa Land Transportation Office, Pasig
07:47at sa Pasig City Tricycle Operation Regulatory Office.
07:50Nagreklamo na rin siya sa Pasig City Vehicle Traffic Investigation Unit.
07:55Gusto ko pong maputol yun na mabigyan po ito ng aaral sa kanya para hindi na po maulit maano sa
08:02iba.
08:04Pinatawag na ng Pasig City Tricycle Operation Regulatory Office ang dalawang sakay ng tricycle.
08:09Mag-asawa umano ang dalawa.
08:11Ang babae raw ang nakarehistrong driver ng tricycle na sangkot sa viral video.
08:15Paliwanag ng babae, kaya sila nagalit sa jeepney driver dahil nakusukan sila ng tambutso ng jeepney to.
08:22May mga nakita rin ibang paglabag ang opisina sa mag-asawa.
08:26Napagalaman din po natin dito na yung lisensya niya po ay invalid dahil non-pro yung lisensya niya.
08:34Isa pa po, yung tricycle na dinadala niya ay hindi nakarehistro.
08:38Sa ngayon, naka-impound na ang tricycle sa tanggapan ng Tricycle Operation Regulatory Office.
08:44Para sa GMA Integrated News, ako si Jamie Santos, ang inyong saksi.
08:51Gamit ang baseball bat, hinataw sa ulo at batok na isang lalaki ang dalawang aso sa Tondo, Maynila.
08:58Namatay ang isa sa mga aso.
09:00Saksi, si Jomar Apresto.
09:04Nakahiga ang asong yan sa eskinita sa Barangay 103 sa Tondo, Maynila noong Miyerkules.
09:09Maya-maya, dumaan ang isang lalaki na kasuot ng itiw na hoodie at may hawak na baseball bat.
09:14Hinigaan nung hagip sa CCTV pero ang lalaki, hinampas ang isa pang aso na si White.
09:19Pagkatapos, hinampas naman niya sa batok ang nakahigang aso na si Bruno.
09:23Nangisay si Bruno pero nakatakbo pa ito papasok sa bahay.
09:27Pero ang asong si White, agad na namatay.
09:32Napahagulgul na lang ang 11-anyos na babae nang makitang patay ng kanilang aso.
09:36Ayon sa nanay ng bata na trauma ang anak sa nangyari, lalot 7 taon na nilang alaga si White na
09:42buntis din daw.
09:43Nagkataon din daw na nasa outing ang pamilya nila na maganap ang insidente.
09:46Yung anak ko po, PWD po yun, mute and deaf.
09:49Kapag di namin pinapalabas yung anak ko, yun lang kalaro niya po.
09:54Sabi ko sa amin, iba yung kao sa kanya, pa-psychiatrist namin kung anong level ba yung natamu niyang trauma.
10:03Sanay na nga raw ang mga kapitbahay na makitang pagalagala ang mga aso na parehong community dogs.
10:08Ang humataw sa mga aso, ang matadero raw nilang kapitbahay.
10:13Ang motibo raw sa krimen ay ang pagdumi at pag-ihi ng iba't ibang alagang hayop sa harapan ng bahay
10:18ng lalaki.
10:18Pwede mang pag-usapan po yun, di ba? Hindi naman po talagang, ano, bigla na lang niya hakatawin yung dalawang
10:25aso.
10:25Kaya po yan lumalabas kasi tinatawag po yan ang mga kapitbahay namin para Bruno, Kaen White, Kain na kayo.
10:32Kustisya ang panawagan nila.
10:34Kailangan po namin ng tulong nyo dahil may pera po yung kalaban namin.
10:38At hindi namin alam po hanggang saan kami aarok na ipaglaban yung kaso.
10:44Ang gusto ko lang po, Kustisya.
10:45Nakapag-blutter na sa barangay ang pamilya laban sa lalaki.
10:48Hindi naman natin ipupwedeng hatawin na basa-basta.
10:53Oo, may buhay din naman yan.
10:55Nasampahan na rin ang lalaki ng kaukulang reklamo sa polisya at sa Philippine Animal Welfare Society.
11:00Kinundinan ang Home for Abuse and Stray Animals o Hasang nangyari at sinabing tutulong sila sa kaso.
11:06Sinisigap ng GMA Integrated News na makuha ang panig ng lalaki.
11:10Para sa GMA Integrated News, ako si Jomer Apresto ang inyo.
11:14Saksi.
11:15Muling sumadsad sa paribagong all-time low ang halaga ng piso contra dolyar.
11:21Nagsara ngayong biyernes ang palitan sa magigit 59 pesos and 73 centavos kada dolyar.
11:27Pinakamababang level po yan ang piso sa kasaysayan.
11:30Mas mababa ito kumpara sa naitalang 59 pesos and 50 centavos na palitan.
11:34Nito lang lunes, March 9.
11:39Arestado sa Albay ang isang babaeng nagpapanggap umanong dentista at nag-aalok ng dental service sa social media.
11:46Ating saksihan!
11:51Hindi na nakapalag ang 21 anyos na babaeng niyan habang pinoposasan sa Kamalig Albay.
11:57Ang babae, nagpapanggap umanong na isang dentista.
12:00Sa isang video, kita pa ang suspect na nagsasagawa ng dental procedure sa isang kliyente na undercover pala.
12:06Ayon sa mga otoridad, isinagawa nila ang enchapid operation matapos makita ang social media post ng suspect na nag-aalok
12:12ng dental services.
12:22Na-recover ng polis siya ang isang cellphone, marked money at ang mga ginagamit ng suspect sa dental procedures gaya
12:28ng nipper, UV light at iba pang dental tools.
12:31Ang Philippine Dental Association kinumpirmang hindi lisensyadong dentista ang suspect na wala pang pahayag.
12:37Naharap siya sa kasong paglabag sa Philippine Dental Act of 2007.
12:40Payo ng PDA sa publiko, tiyaking lisensyado ang dental practitioner bago magpagawa ng anumang dental procedure.
12:47Ito ay isang protection din sa mga pasyente. Kasi ito ay napakadelikado kung hindi ka sa profesional magpapagawa.
12:54Para sa GMA Integrated News, ako si Darlene Kay, ang inyong saksi.
13:10Outro

Recommended