00:00Personal namang kinamusta ng Pangulo ang mga nagtatanim at nagbebenta ng gulay sa Benguet.
00:05Matapos silang mapuruhan ang pagbahal ng langis.
00:08Nakatutok si Sandy Salvasio ng GMA Regional TV.
00:15Ilang araw matapos ireklamo ng maraming nagtatanim ng gulay sa Benguet
00:19ang nakaluluging gasto sa delivery at hindi maibenta ang supply nila.
00:23Binisita ni Pangulong Bongbong Marcos ang bagsakan ng gulay sa Latrinidad Trading Post.
00:28Inalam niya at ni Agriculture Secretary Francisco Chulaurel Jr.
00:32ang hinaing ng mga magsasaka kabilang ang mahal na petrolyo para sa paghahatid ng kalakal.
00:37Isinabay na rin ang pagbili ng gobyerno ng mga gulay para i-deliver sa mga depressed area sa Metro Manila
00:43sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development
00:46at sa mga kulungan sa pamamagitan ng Bureau of Jail Management and Penology.
00:52Sa Benguet Agri-Pinoy Trading Center naman ay namahagi ang gobyerno
00:56ng mahigit 8 milyong pisong halaga ng farm equipment at ibang kailangan.
01:01Gayun din ang mahigit 7 milyong cash grant para sa 45 kooperatiba at grupo ng mga magsasaka roon.
01:07Dahil paghahatid ng kalakal ang pinakatinatamaan ng nagmahal na petrolyo, sabi ng Pangulo.
01:13Binaba natin ang presyo ng diesel ng 10 piso.
01:18Tapos yung mga charges ng mga local government, we nave na muna.
01:23Tapos tinanggal na rin natin ang toll fee para sa mga truck na bumababa.
01:29Maraming salamat po sa tulong ni President kasi yung inalis niyang toll gate, malaking tulong sa amin yan.
01:43Kasi mataas yung mga gasolina ngayon.
01:49Bibigyan din ng libreng mga binhi at fertilizer ang mga magsasaka.
01:54Isasama rin sila pati mga driver at pahinante ng mga truck ng gulay sa tupad program
01:58o programa kung saan bibigyan sila ng ayuda kapalit ng pansamantalang trabaho.
02:04Inaprobahan din ang Pangulo ang hiling ng mga magsasaka na magpatayo ng dehydrator facility sa Benguet
02:09o yung para sa mga ani na kailangang patuyuin, bukod pa sa cold storage o imbakan para tumagal ang ani.
02:15Susuportahan din ang hinihinging floor price ng mga magsasaka
02:19o paglimita sa pagbaba ng presyo ng bentahan para iwas lugi.
02:23Mula sa GMA Regional TV, Sandy Salvasio, Nakatutok, 24 Oras.