00:00Samantala, sinimulan ng ipamahagi sa iba't ibang lunsod sa Metro Manila ang mga gulay na binili ng Office of the
00:06President sa mga magsasaka sa Benguet noong nakaraang linggo.
00:09By report si Carlo Luis Candelaria.
00:15Matapos bilhin ng pamahalaan ang toneto nilad ng gulay mula sa mga magsasakang hirap ibiyahe ang kanila mga ani dahil
00:21sa taas ng presyo ng petrolyo,
00:23agad namang naipamahagi sa iba't ibang lunsod sa Metro Manila ang mga sariwang gulay.
00:28Sa Malabon, nasa isandaang pamilya sa Barangay Katmon ang nakatanggap ng libreng gulay.
00:33Sa Navotas, nakapagpamahagi rin sa ilang mga residente ng NBBS Proper, Tangos South, Tangos North, Tanzados at NBBN.
00:42Sinalubong naman ng mga opisyal ng Quezon City LGU ang pagdating ng mga gulay na ipamahagi sa mga residente ng
00:48lungsod.
00:49Sa Maynila naman, nasa mahigit 800 vegetable bags ang naipamahagi sa mga residente sa Baseco at Tondo.
00:55Habang sa Pasay ay kasamang namahagi ng mga gulay si Mayor Emi Calixto Rubiano.
01:00Nagpapasalamat sa Pamahalaan at sa Office of the President ang pamunuan ng mga local government units
01:05sa inisyatibong ito na nakatulong sa ating mga magsasaka at sa ating mga kababayan na apektado ng kinakaharap na krisis
01:12ng bansa.
01:13Carlo Luis Candelaria para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.