For the first time, Vice President Sara Duterte's point-by-point response to each allegation in the Articles of Impeachment against her is made public.


Among her arguments is that her alleged threat against President Bongbong Marcos is protected under freedom of expression.


Joseph Morong reports.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sa unang pagkakataon ay nasilip na ang punto por puntong sagot ni Vice President Sara Duterte
00:07sa bawat aligasyon sa Articles of Impeachment laban sa kanya.
00:13Kabilang dyan ang muna ipagbabanta sa buhay ni Pangulong Bongbong Marcos
00:16na anya ay bahagi ng freedom of expression.
00:20Ang iba pagtugon sa pagtutok ni Joseph Moro.
00:27Nakuha ng GMA News ang formal na sagot ni Vice President Sara Duterte
00:31sa apat na Articles of Impeachment laban sa kanya.
00:35Sa dokumentong may pet siyang May 25, 2026,
00:38isa-isang sinagot ni Duterte ang mga Articles of Impeachment ng Prosekusyon laban sa kanya.
00:43Sa umunay bantang ipapapatay si Pangulong Bongbong Marcos Jr.,
00:47First Lady Lisa Marcos at dating House Speaker Martin Romualdez noong November 23, 2024.
00:53Kasi may kinausap na ako na tao.
00:56Sinabi ko sa kanya, kapag pinatay ako, patayin mo si BBM, si Lisa Araneta at si Martin Romualdez.
01:03No joke.
01:05Sinabing ito raw ay freedom of expression o kalayaan sa pagpapahayag
01:09bilang pagpapakita ng pagkontra sa mga polisiya ng Administrasyon Marcos.
01:14Protektado daw ng konstitusyon, di lamang ang mga pahayag na magandang pakinggan,
01:18kundi pati yung nakakasakit, nakakagulat o nakakabahala.
01:22Wala rin daw ipinakitang pruweba na talagang may kinontratang asasin
01:26para patayin ang Pangulo, unang ginang at dating speaker.
01:30Iginit ni Duterte na wala raw pagbabanta dahil sinagot lamang niya
01:33ang tanong ng reporter uko sa umunay operasyon laban sa pamilya Duterte.
01:39Sa aligasyon naman ng prosekusyon na hindi maipaliwanag na yaman
01:42ng mag-asawang Duterte,
01:43dahil 30 milyon pesos lamang ang kanilang kita
01:46pero tumaas ang kanilang net worth ng 80 milyon pesos
01:49bagay na hindi rin daw inilahad ng bisi
01:51sa kanyang Statement of Assess Liabilities and Net Worth o SALIN.
01:55Sa sagot ni Duterte, sinabi niyang walang ebidensyang isinimite
01:59para patunayan ito.
02:01Hindi rin daw impeachable officer ang kanyang asawa
02:03at isinama ang kita nito sa kita ng bisipresidente
02:06para palubohin ang kanyang income
02:08at palabasing kaduda-duda ito kahit hindi naman daw.
02:11Sa aligasyon namang nasa 6.7 billion pesos ang transaksyon
02:15sa account ng mag-asawang Duterte mula taong 2007 hanggang 2024.
02:20Dagdag niya labag daw sa batas sa pagsisapubliko ng report na ito
02:23ng Anti-Money Laundering Council at hindi daw ito dapat ginagamit.
02:28Lalabanan daw nila ito sa tamang panahon.
02:31Sa inilabas namang dokumento ni dating Sen. Antonio Trillanes IV
02:35tungkol sa umunay mga transaksyon na may kinalaman sa droga,
02:39sinabi ni Duterte na ang mga dokumento kung totoo man daw ang mga ito
02:42ay labag sa Bank Secrecy Law at hindi maaaring gamitin sa korte.
02:48Tungkol naman sa umunay pagwawaldas ng bisis sa lampas 600 milyong pisong confidential funds,
02:54matatanda ang sinabi na nagpakilalang malapit kay Duterte na si Ramil Madriaga
02:58na personal siyang inutusan ni Duterte para i-deliver ang pera
03:01mula sa 125 milyon pesos ng confidential funds ng OVP sa Laguna at Quezon City.
03:08Tugon dito ng bisis, inamin na mismo ni Madriaga na may galit lamang ito kay Duterte
03:12dahil hindi siya tinulungan ng makulong ito para sa kidnap for ransom.
03:16Wala rin daw pruweba na personal na nakinabang si Duterte.
03:20Regular daw ang release at paggamit ng confidential funds base na rin sa mga dokumento ng prosekusyon.
03:26At hindi pa rin daw pinala mga notice of disallowances ng Commission on Audit sa paggamit ng confidential funds.
03:34Tungkol naman sa umunay panunuhol at korupsyon sa Department of Education,
03:39sinabi ni Duterte na biguro ipakita na galing kay Duterte ang pera
03:43at nanuhol siya para impluensyahan ang procurement process sa DepEd.
03:47Sa kabuuan, hiniling ng kampo ni Duterte sa Senate Impeachment Court
03:50na ibasura ang kaso laban sa kanya dahil kapos ito sa hinihingi ng konstitusyon
03:55para sa isang impeachment proceeding.
03:57Ang palitan ito ng mga aligasyon at ebidensya sa pagitan ni Vice President Sara Duterte
04:03at mga prosekutor ang lalabas, titimbangin at huhusgahan
04:07ng mga senator judges sa impeachment trial na inaasahang magsisimula sa susunod na buwan.
04:13Joseph Morong, Nakatutok 24 Oras.

Recommended