00:00Lumiit ang lamang ni Vice President Sara Duterte kay Naga City Mayor Lenny Robredo
00:05sa isang hypothetical na pagtatapat ng dalawa sa presidential elections.
00:10Sa survey na isinagawa noong September 28 to October 4, 2026,
00:16tinanong ang mga respondent kung sino ang iboboto nila kina Duterte at Robredo
00:21kung gagawin na ang presidential elections sa panahong yun.
00:2540% ang nagsabing iboboto nila si Duterte habang 33% naman ang boboto raw kay Robredo.
00:3426% ang undecided at 1% ang tumangging sumagot.
00:39Ayon sa Okta, panipis ng panipis ang agwat ng dalawang opisyal
00:44mula 11 points doong first quarter ng 2026,
00:48naging 9 points itong second quarter hanggang sa kasalukuyang 7 points.
00:53Ang lumiliit na pagitan e hindi raw dahil sa pagtaas ng numero ni Robredo,
00:58kundi dahil sa pagbaba ng numero ni Duterte.
01:01At ang nawawalang puntos daw mula kay Duterte e mukhang napupunta raw sa undecided.
01:07Ayon sa Okta Research, non-commissioned ang survey
01:10at napili nila na si Robredo ang itapat sa vice
01:14dahil siya raw ang patuloy na may magagandang numero laban kay Duterte.
01:20Muzika
01:20Muzika
01:21Muzika
01:21Muzika
01:22Muzika
01:22Muzika
01:24Muzika