- 5 months ago
- #gmanews
- #serbisyongtotoo
- #breakingnews
-Ilang karinderya sa Dumangas Port, natupok
-Tulay sarado dahil sa 2 posteng natumba; Ilang bahay at ospital, nawalan ng kuryente
-Barangay health worker at 3 anak, patay sa pananaksak
-Lalaking nambastos umano at nasagsaan ng bus, itinulak at 'di aksidenteng nahagip ayon sa kapatid
-Paaralan sa Palo, Leyte, nakatanggap ng banta; Seguridad, mas pinaghihigpit
ICYMI: Plunder vs. Marcoleta; Bonoan, gagawing State Witness; ATBP
-Operasyon para mahanap ang nawawala pa ring hiker sa Mt. Kalatungan, itinigil na
-ENTERTAINMENT SPOTLIGHT: Yasmien Kurdi at Alfred Vargas, iginiit ang responsibilidad ng mga magulang sa anak; ATBP
-6 sugatan sa pagbagsak ng bahagi ng kisame ng trade center hall sa Candaba, Pampanga
-17-anyos na dalagita, pinatay at isinilid sa maleta; Suspek na Australian, naaresto
-Mga payaso, nagpasaya ng mga motorista habang nag-magic trick sakay ng tricycle
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
-Tulay sarado dahil sa 2 posteng natumba; Ilang bahay at ospital, nawalan ng kuryente
-Barangay health worker at 3 anak, patay sa pananaksak
-Lalaking nambastos umano at nasagsaan ng bus, itinulak at 'di aksidenteng nahagip ayon sa kapatid
-Paaralan sa Palo, Leyte, nakatanggap ng banta; Seguridad, mas pinaghihigpit
ICYMI: Plunder vs. Marcoleta; Bonoan, gagawing State Witness; ATBP
-Operasyon para mahanap ang nawawala pa ring hiker sa Mt. Kalatungan, itinigil na
-ENTERTAINMENT SPOTLIGHT: Yasmien Kurdi at Alfred Vargas, iginiit ang responsibilidad ng mga magulang sa anak; ATBP
-6 sugatan sa pagbagsak ng bahagi ng kisame ng trade center hall sa Candaba, Pampanga
-17-anyos na dalagita, pinatay at isinilid sa maleta; Suspek na Australian, naaresto
-Mga payaso, nagpasaya ng mga motorista habang nag-magic trick sakay ng tricycle
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Come on!
00:05Come on!
00:06Oh my God!
00:22Kami-kabilang sunog sa Iloilo.
00:25Tatupok ang ilang karinderiya sa labas ng Dumangasport.
00:28Mahigit 200,000 piso ang halaga ng pinsala.
00:32Walang naiulat na nasaktan.
00:34Inaalam pa ang sanhi ng apoy.
00:38Bahay naman ang nilamon ng apoy sa Tigbawan.
00:41Ayon sa may-ari ng bahay, wala siyang naisalbang gamit.
00:45Tingin ng mga bumbero, problema sa kuryente ang mitsa ng sunog.
00:49Walang nasaktan, mahigit 120,000 piso ang halaga ng natupok.
00:55Bago ngayong gabi, dalawa ang sugatan matapos bumagsak ang dalawang poste sa isang tulay sa Navotas.
01:01Apektado ng kawalan ng kuryente ang ilang bahay at isang ospital sa tondo, Maynila.
01:06Ang latest sa live report ni Katrina Son.
01:09Katrina?
01:13Atong pasado alas 7 ng gamiganina na matumba ang dalawang poste dito sa Marala Bridge dito sa May North Bay
01:20Boulevard sa Navotas.
01:24Dalawang poste ang natumba sa Marala Bridge dito sa boundary ng Navotas at Maynila.
01:29Nawala ng ilaw ang kalapit lang na tondo medical center at ilang bahagi ng Navotas at balut sa tondo.
01:36Ayon sa nakausap natin na isang engineer ng Meralco ay na-isolate na ang problema.
01:41Anya, isang transformer na lang ang inaayos.
01:44Sinisikap namang maibalik sa lalong madaling panahon ang kuryente sa tondo medical center at iba pang apektadong lugar.
01:51Inaalam pa ang sanhi ng pagkatumba ng poste.
01:55Isinara na muna sa mga motorista ang tulay habang patuloy ang pagkukumpuni.
02:00Pinapayuhan ang mga motorista na gumamit muna ng alternatibong ruta at sundin ang mga abiso ng mga otoridad.
02:07Update naman tayo ato mano.
02:09Ayon sa Navotas City DRM-MPO, dalawa ang nasaktan sa pagbagsak.
02:15Ang isa ay tinakbo sa tondo medical center habang ang isa naman ay nasa Philippine Orthopedic Center.
02:21Atom?
02:23Maraming salamat, Katrina Son.
02:25Pinatay at ibinaon sa lupa ang isang negosyante sa General Santos City.
02:29Sumuko ang tatlong suspects sa krimen.
02:32Inaalam naman kung sino ang nag-masacre sa isang ina at kanyang tatlong anak na minorde-edad sa Zamboanga del
02:38Sur.
02:38Ang mga krimen sa probinsya sa report ni Darlene Cai.
02:44Wala ng buhay dahil sa mga saksak ang babaeng barangay health worker at tatlong anak niyang minorde-edad
02:50na natagpuan kanina umaga sa kanilang bahay sa Josefina Zamboanga del Sur.
02:54Inaalam pa kung sino o ilan ang salarin.
02:57Batay sa investigasyon, posibleng pumasok sa sirang pader ng bahay ang may sala.
03:03Sa hukay na ito sa isang bakanting lote sa General Santos City,
03:07nakita noong Sabado ang 27 anyo sa negosyanting June 24 pa na iulat na nawala.
03:13Kahit naaagnas na, positibong kinilala ng pamilya ang katawan ni John Alexis R.J. Punla.
03:19Dating OFW sa New Zealand at ngayon ay cattle buyer o nagnenegosyo ng baka.
03:24Sabi ng kanyang pamilya, hindi na nakauwi si R.J. mula ng umalis bit-bit ang mahigit 200,000 pesos
03:30na perang pambili ng baka sa ahenteng nakatransaksyon online.
03:35Nang makausap nila ang ahente, sinabi raw nitong hindi niya alam kung nasaan si R.J.
03:41Tatlong suspect ang sumuko at nahaharap sa mga reklamo.
03:44Ang isa sa kanila ang mismong ahenteng kausap ng biktima.
03:48Tumaging magbigay ng pahayag sa media ang mga suspect.
03:51Pero ayon sa pulisya, inamin ang tatlo na minartilyo nila ang biktima bago ibinaon sa lupa.
03:57Nung nasa area niya sila, nag-aantay doon yung third suspect na nagsurrender.
04:03So inabangan siya, bigla na lang siya pinalo sa area.
04:06Pinalo nila, pinalo lang ang martilyo.
04:08Ayon sa kapatid ni R.J., posibleng nagalit sa kanya ang mga suspect.
04:12Anya, ikinaltas ng biktima ang dating utang ng isa sa mga suspect sa kita ng baka na binili sa kanilang
04:18transaksyon.
04:19Ina na lang niya akong igsoo na, boss, ako lang ng anuhan kaya may pangitan ako nagpagi para maka, moto.
04:27Sige lang kung laki ma, ako lang lang i-minus-minus yung mga ano.
04:33Pag makahalin taong baka, minusan lang ako yung mga utang.
04:39Moto, itong pagkalas na mga nalain siya kaya na minusan siya o 4 mil ba.
04:46Pero ayon sa polisya, itinanggi ng tatlo na tinangay nila ang pera ng biktima.
04:52Nakasilid sa sako ang bangkay ng isang lalaking nakita sa damuhan kahapon sa barangay Zamboanga sa Lawag, Ilocos Norte.
04:59Tadtad ng mga sugat sa mukha at mga pasa sa katawan ang 36 anyos na si Jason Ramos.
05:06Suspect ang forma na kasamahan ng biktima sa konstruksyon.
05:10Naaresto siya matapos ituro ng saksi.
05:12Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang suspect sa polisya.
05:15Pero batay sa investigasyon, nasa bahay ng forma ng biktima
05:19at habang nagiinuman sila ay nagtalo sila hanggang nangyari ang krimen.
05:24Darlene Cai, GMA News.
05:26Tinulak at hindi naaksidenteng nahagip ng bus ang lalaki sa Quezon City na tumatakas umano matapos mambastos.
05:34Sa anggolong ito ng CCTV na idinulog sa GMA News ng kapatid nagtambangang lalaki,
05:40hinahabot siya ng dalawang kabataang lalaki, sinuntok sa likuran hanggang sa itinulak.
05:46Sakto namang dumaan ang bus at nabundol siya.
05:49Aligasyon pa ng kapatid ng nabangga, pinabubura ng barangay E. Rodriguez ang kuhang ito.
05:55Aminado rin siyang nakainom ang kapatid noon dahil nagdiriwang ng birthday at father's day.
06:01At kung may nagawaman daw ito ay hindi dapat itinulak, kundi inireport sa barangay.
06:06Ayon naman sa barangay, wala silang kuha ng CCTV at wala rin silang pinagtatakpan.
06:12Desitidong magreklamo sa polisya ang kapatid ng nabangga.
06:15Ang ginang naman niya na nabustos umano, sinabing nalungkot siya sa nangyari.
06:20Ang anak niya na isa sa humabol na trauma raw.
06:23Handa o mano silang makipag-usap sa pamilya ng lalaking nabundol.
06:29Nagsuspin din ng klase ang ilang paralan kasunod ng mga banta ng karahasan na tila naisgayahin ang pamamaril sa Tacloban
06:37City.
06:37May report si Jonathan Nanda.
06:42Isa-isang iniinspeksyon ang bag ng mga estudyante sa Palo National High School sa Leyte bago sila pinapasok sa loob.
06:49Bahagi ito ng paghihigpit sa siguridad sa campus.
06:52Noong biyernes kasi, may nagpost ng umano'y pagbabanta na may mangyayaring karahasan sa paaralan.
06:57Iniimbestigahan niya ng mga otoridad.
07:00I advise the learners and anybody to be responsible in posting.
07:06Dapat hindi nila gagawing biro kasi every action there is a consequence.
07:14Ilan pang paaralan sa Eastern Visayas ang binabantayan.
07:17Ayon kasi sa DepEd Eastern Visayas, may iba pang nakatanggap ng banta ng pag-asik ng karahasan.
07:22Paturo yung verification sa mga yan.
07:25Sinuspindi naman ang on-site classes sa Batangas City Integrated School dahil din sa natanggap na banta.
07:31Isang nagpakilalang grade 10 student kasi ang nagpost kahapon na mananaksak at mamamaril ng mga ka-eskwela.
07:38Pero ayon sa polisya, hindi yan ang unang beses na nagbanta ang estudyante.
07:42Patunay riyan ang isang video ng estudyante na may baril.
07:54Hindi pa malinaw kung may koneksyon ng video at ang post niya ng pagbabanta.
07:59Ipinatawag na ang nagpost at nangakong hindi nauulit.
08:02Sa investigasyon ng polisya, binubuli ang estudyante kaya umano nagbanta.
08:07Ayon sa school administration, may klase na ulit bukas.
08:11Nagpa-uwiri ng mga estudyante sa Escalante National High School sa Negros Occidental
08:16dahil din ito sa isang estudyante ang nagbantang gagayahin umano ang school shooting sa Tacloban.
08:21Ayon sa polisya, ang screenshots ng mga mensahe ng estudyante ay ipinost ng kanyang tiyahin.
08:27Ipinatawag na ang mga guro at magulang ng nagbanta.
08:30Nangyari ang mga yan isang linggo matapos ang madugong pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City
08:36kung saan tatlong estudyante ang nasawi.
08:39Bukas, inilibing si Chris Lawrence Fabian.
08:42Sa Merkoles naman, si Ayesa Nicol Dazo.
08:45At sa Webes, si Joyancy Separa.
08:48Sa tindi ng trauma ng ilang estudyante roon,
08:51kinumpirma ng DepEd na may mga mag-aaral at magulang na nais magpalipat ng eskwela.
08:56Jonathan Andal, GMA News.
09:02Senador Odante Marcoleta sasampahan ng ombudsman ng kasong plunder sa Sandigan Bayan ngayong linggo.
09:08Kognay yan sa pagtanggap umano ni Marcoleta ng 75 million pesos na donasyon noong January 2025,
09:14ilang buwan bago ang eleksyon 2025.
09:17Kakasuhan din ng ombudsman ng tatlong nag-donate.
09:19Sinadating Congressman Mike Defensor na nag-donate umano ng 30 million pesos,
09:24isang Joseph Espiritu na nagbigay ng 25 million pesos,
09:27at isang Aristotle Baluyot na nag-donate ng 20 million pesos.
09:31Sabi ng investigating team ng ombudsman,
09:33napakalaki ng halagang ibinigay kay Marcoleta para ituring na simpleng regalo.
09:38Ito raw ay may ituturing na umano ng korupsyon.
09:41Wala pang pahayag si Senador Marcoleta.
09:43Patuloy pa naming sinusubukang kunin ang panig ng iba pang personalidad na binanggit ng ombudsman.
09:49Pagdidiin ni ombudsman ni Jesus Crispin Rimulya nakabatay sa ebidensya
09:52at hindi sa aliyan sa ang kanilang desisyon sa paghabla sa isang senador.
09:58Kasong plunder at graft laban kay dati ng DPWH Secretary Manuel Bonoan
10:03kaugnay sa maanumalya umunong flood control projects, iurong naman ng ombudsman.
10:08Sabi ni ombudsman Rimulya, magiging state witness si Bonoan sa kaso
10:12kung saan co-accused siya ni Sen. Jingoy Estrada.
10:15His health is of concern to us and we want to be able to perpetuate his testimony as soon as
10:22possible.
10:23The knowledge that he has about the whole institution is something very important to us
10:30to be able to prove many cases.
10:34Sa isang post, dismayado si dating congressman Mike Defensor
10:38na sila pa ang kakasuhan ng plunder habang gagawing state witness sa flood control scandal
10:42si dating DPWH Secretary Manny Bonoan.
10:46Anya, grabe na ang kawalang hiyaan.
10:49Sinisika pa namin kunin ang panig ng iba pang kakasuhan ng ombudsman.
10:56Updates na nawawalang hiker sa Mount Kalatungan sa Bukidnon.
11:01Itinigil na ang search and rescue operation kahit hindi pa siya nakikita.
11:04Base yan sa rekomendasyon ng incident management team ng PDRMO Bukidnon
11:09at pangantukan LGU matapos ang labing isang araw na operasyon.
11:15June 12, nang ideklarang missing ang hiker na si Alkarj Zamayla
11:20na umakyat sa Mount Kalatungan noong June 11.
11:23Sa huling report ng pulisya, wala silang nakitang indikasyon sa bundok na nasa distressed situation ito.
11:30Sa kabila niyan, patuloy pa rin daw ang monitoring ng pulisya para matunto ng hiker.
11:41Sa guesting sa Fast Talk with Boy Abunda, naglabas ng opinion tungkol sa kinasasangkotang issue sa mga kabataan si Yasmin
11:49Curdy at Alfred Vargas.
11:51Si Yasmin sinabing dapat mas pagtuunan ng pansin ng mga paaralan ang pagpigil sa karahasan.
11:58Kahit mahilig sila ng mga anak na maglaro ng video games, binabantayan niya ang mga nakakasalamuhan nila online at sa
12:06social media.
12:07Tingnan mo yung mga unusual behaviors niya, kung meron bang nababago.
12:13Tapos hindi lang kasi academics ang dapat chine-check sa bata, dapat yung emotional well-being.
12:18May paalala naman si Alfred sa mga magulang.
12:21No amount of systems can really address this kapag yung magulang mo yung nagiging pabaya.
12:29Di ba? Hindi ka nababantayan, hindi natuturo sa'yo yung tama at mali.
12:35To do her farewell walk, ang pambansang Diyusa, Joy Barcoma!
12:41Hindi man nakapaglakad sa mismong Miss Philippines Earth Stage para ipasa ang corona.
12:47Nagkaroon ng pagkakataon si Joy Barcoma na makapag-farewell walk sa unang hirit.
12:53Nagpasalamat siya sa MPE organization.
12:57Tinuruan akong maging mas matatag, mas mapagpakumbaba,
13:01at mas maniwala na ang tunay na corona ay ang kakayahang magbigay inspirasyon at maglingkod sa kapwa.
13:12Pagtalakay sa mga isyo mula sa krisis sa langis,
13:15away politika, problema sa transportasyon,
13:19reclamation sa Manila Bay,
13:20at kontrol sa negosyo ng ilang makapangyarihang pamilya,
13:24idinaan sa kanta, sayaw, at pagpapatawa sa LiveAIDS 36 Let There Be Laughs.
13:32Taunang pagtatanghal ito ng student organization sa UP Dilemma na sa Masco.
13:37Aubrey Carampel, GMA News.
13:43Bumagsak ang bahagi ng kisame ng Anastasio L. Gallardo Trade Center Hall
13:48sa Candaba, Pampanga, sa gitna ng idinaraos na aktibidad doon.
13:52Animang sugatan.
13:54Batay sa assessment ng Candaba Engineering Office,
13:57bumigay ang kisame dahil sa naipong tubig ulan.
14:00Inaalam pa ang kabuang pinsal.
14:08Karumaldumal na krimen sa Thailand.
14:10Isang dalagita ang walang habas na pinatay.
14:13At ang bangkay ng 17-anyos na biktima nakasilid sa maleta.
14:18Nakita ng mga otoridad ang maleta sa isang bakanting lote sa Pattaya City.
14:22Nagiging nagpis ang ama at nadas madrasta ng biktima.
14:26Anila ilan sa mga huling pag-uusap nila ay ang chat noong June 16
14:30na ang tanongin nila ang dalagita kung nakarating na siya sa pupuntahan.
14:35Puring nakitang buhay ang biktima sa isang CCTV video noong June 25.
14:40Papunta siya sa titirahan ng kasama niyang Australian sa Pattaya City.
14:45Pero makalipas ang ilang sandali.
14:47Kitang lumabas ng banyaga na may itim na maleta.
14:50Batay sa embestikasyon, sumakay siya ng motorsiklo.
14:53Bit-bit ang maletang iniwan niya kalaunan sa bakanting lote.
14:56Ang sospek na aresto noong Sabado sa International Airport ng Bangkok
15:01bago pa siya bumalik sa Australia.
15:03Naharap sa patong-patong na reklamo ang sospek
15:06na nalulungkot daw sa sinapit ng biktima.
15:13Huwag kukurap dahil ang susunod niyong paandar,
15:17hatid na mga payasong di lang magaling sa magic tricks.
15:20Dadalhin ka pa sa whole new ride.
15:22Ang kanilang napasaya, mga motorista,
15:25usunayan sa report ni Marie Zumali.
15:30Another day, another mission para magpasaya ang mga klaw na ito.
15:34Hindi sa handaan, kundi sa kalsada.
15:38Hatid nila'y kasiyahang at tanggal antok.
15:41Ang payasong ito, daming baong paandar.
15:44Bawal kumurap at baka ikay mahulog sa daan.
15:49Bahala na kayong manggula kung paano napapaipot at napapalutang ni kuya
15:54ang bonang kristal na yan.
15:59Ang puting tela,
16:01nahaluan ang komensya nang lumabas sa finger heart ni kuya.
16:04Akala ko naman, hihirit pa ng magic.
16:08Lahat lang yan,
16:09nabigyan ang mataas na audience impact ng mga commuter.
16:12Laking ngiti naman ang payaso sa passenger seat
16:15na tila ayaw rin paawat sa pagpapasiklab.
16:20Napaagang nga raw ang pagbibigay aliw ng dalawang clown
16:23na on the way pala sa birthday party.
16:25Hindi nga lang daw birthday celebrant ang napasaya nila,
16:28kundi pati mga taong nakanood ng kanilang gibren magic show.
16:33Maris Umali, GMA News.
16:39At yun ang mga balitang dapat niyong malaman.
16:42Ito ang GMA News.
16:43Walang kinikilingan, walang pinoprotektahan.
16:46Noon at ngayon, servisyong totoo.
16:48Ako po si Atom Maraulio at ito ang State of the Nation.