- 5 weeks ago
- #gmanews
- #serbisyongtotoo
- #breakingnews
- Power outlet sa bahay, nagliyab sa gitna ng malakas na ulan
- Ilang lugar sa Maynila, binaha na naman; drainage sa ilang kalsada, binuksan ng DPWH
- Mga bahay at negosyo, lubog pa rin sa baha; ilang residente, inilikas
- 7 barangay sa bayan ng Hermosa, lubog sa baha
- Orly Guteza, binawi ang salaysay na naghatid siya ng male-maletang pera kay Ex-Speaker Romualdez
- Grade 8 shooter, ginamit ang mga baril na naiwan ng ama sa sasakyan
- VP Duterte, nanawagang mapabilis ang impeachment trial laban sa kaniya
- Bumagal ang Bagyong Neneng habang binabaybay ang dagat malapit sa Taiwan
- Minority senators, nakumpleto na sa mga komite ng senado
- GMA Chief Marketing Officer Lizelle Maralag, pinarangalan ng Ad Standards Council
- Relasyon ng ilan, layag na layag sa gitna ng baha
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
- Ilang lugar sa Maynila, binaha na naman; drainage sa ilang kalsada, binuksan ng DPWH
- Mga bahay at negosyo, lubog pa rin sa baha; ilang residente, inilikas
- 7 barangay sa bayan ng Hermosa, lubog sa baha
- Orly Guteza, binawi ang salaysay na naghatid siya ng male-maletang pera kay Ex-Speaker Romualdez
- Grade 8 shooter, ginamit ang mga baril na naiwan ng ama sa sasakyan
- VP Duterte, nanawagang mapabilis ang impeachment trial laban sa kaniya
- Bumagal ang Bagyong Neneng habang binabaybay ang dagat malapit sa Taiwan
- Minority senators, nakumpleto na sa mga komite ng senado
- GMA Chief Marketing Officer Lizelle Maralag, pinarangalan ng Ad Standards Council
- Relasyon ng ilan, layag na layag sa gitna ng baha
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:02Come on in!
00:05Oh my God!
00:21Nagliyab ang saksaka na yan sa bahay sa Olongapo City.
00:25Kwento na may-ari ng bahay, basa ang pader kung saan nakakabit ang outlet at may nakasaksak na extension cord.
00:33Pusibilyo man nung nagkaroon ng short circuit dahil sa walang tigil na ulan, agad ding naapula ang apoy.
00:39Paalala ng Bureau of Fire Protection para iwasunog ngayong tag-ulan, panatilihing tuyo ang mga electrical equipment.
00:46Ilayo ang appliances at power outlets at tubig.
00:49Huwag din gumawak ng electrical equipment kapag basa ang kamay.
00:52Kung baha naman sa inyong lugar, tanggalin sa saksaka ng appliances at kung maaari, patayin ang main power supply.
01:00Regular ding inspeksyonin ang electrical wiring sa bahay at palitan ang mga sirang cord.
01:08Tila din na natapos ang kalbaryo ng paglubog sa baha sa Metro Manila gaya sa Quezon City na umabot hanggang
01:14dibdib ang tubig.
01:15Ang DPWH may plano na para sa mga drainage sa mga pangunahing kalsada.
01:20May report si Ian Crew.
01:24Halos walang maaninag sa ilang kalsada sa Metro Manila kanina dahil sa ulan na sinabayan ang malakas na hangin.
01:34Bahana naman sa ilang lugar.
01:38Sa Ross Boulevard Service Road, hanggang gutter ang tubig.
01:42Pag malalim talaga, hindi na bibiyayin, mapeperwisyo ka eh.
01:46Mas malagi pang magagastos mo sa paggawa, change oil, ganyan.
01:52Bayad mekaniko.
01:53Para matanggal ang mga bara, binuksan ng DPWH ang mga drainage roon.
01:58Pero napakakipot ng bukada nito.
02:02Pinapare-design ko ngayon ng inlet ng major roads para palakihin.
02:07And mag-umpisa tayo dun sa mga flood-prone area sa mga kalye na yan.
02:13Pinag-aaralan din ang paglalagay ng trash traps para mas madaling makuha ang mga basura.
02:22Pangontrabaha rin sana ang mga pumping stations pero pati basura, nahihigub din ito.
02:28Yung basura, hindi lang ano, hindi lang yung waterways ang kinaklag niya, sinisira din niya yung mga pumps natin.
02:35Sa Maynila, baka pumps muna ang pinapagana.
02:40Ilang buwan na kasing sira ang apat na pumps doon, kabilang na ang dalawa sa Remedios Pumping Station.
02:48Plano rin ng DPWH na magtayo ng detention basin sa Raja Sulayman Park
02:53na magkakaroon ng kapasidad na mahigit 3 million liters ng tubig.
03:00Sa Quezon City, nag-pump na rin ang baha sa E. Rodriguez Avenue matapos bumaha kagabi sa bahagi ng Araneta
03:07Avenue.
03:10Umabot naman hanggang dibdibang tubig sa Enes Amoranto Street nakarugtong ng G. Araneta Avenue.
03:16Nang bumuhos ang napakalakas na ulan kaninang umaga, pinalutang ng baha ang mga basura sa kanal at bangketa.
03:22Wala pang isang oras, humuupa na rin ang baha.
03:29Ayon kay Pangulong Bongbong Marcos, mas mabilis na ang paghupa kumpara sa mga nakaraang pagkakataon.
03:36Mas bawas na rin anya ang baha dahil hanggang tuhod na lang daw ang inabot sa ibang lugar.
03:43Makita natin na maganda naman ang naging efekto patuloy yung ating dredging, yung pinalaki natin ng mga drainage systems.
03:50Naglagay tayo ng malalaking tubo, pati na yung mga pumping station natin.
03:55We have 73 pumping stations that are, all of them are functioning now.
04:02Mabilis mang humuupa ang baha, hindi pa rin maiwasan ang maraming na lumusong dito.
04:06Kaya panay ang paalala ng Health Department.
04:09Mahalaga po ang pagpapakonsulta kasi hindi po lahat ay pwedeng uminom ng doxycycline.
04:13Gaya nang nabanggit, hindi po ito pwede sa mga buntis, nagpapasuso, pati pa sa mga may allergy sa doxycycline.
04:21Sa San Lazaro Hospital, nasa 22 ang kaso ng leptospirosis.
04:27Ayon sa Chief Medical Professional Staff ng ospital.
04:31Dahil sa sunod-sunod na ulan, posibleng dumami pa ang mga kaso ng leptospirosis.
04:36Nitong August 8, umabot na sa 3,440 ang kaso ng leptospirosis sa bansa, patay sa tala ng DOH.
04:46Ian Cruz, GMA News.
04:49Inilikas na ang ilang residente sa Valenzuela City dahil sa hindi humuhupang baha.
04:54Apektado na ang ilang negosyo.
04:56Mula sa Valenzuela City, may live report si EJ Gomez.
04:59EJ.
05:03Ataong wala ng pag-uulan sa nakalipas na ilang oras, pero lubog pa rin sa lagpas binting baha itong F.
05:10Santos subdivision sa barangay Pasolo, Valenzuela City.
05:16Malaking perwisyo raw sa mga apektadong residente itong baha sa subdivision ito.
05:21Hindi raw sila makalabas, pati sa mga may negosyo dahil naging matumal na.
05:26Abot bewang naman ang baha sa ilang kalsada sa Martinville subdivision.
05:31Ang barangay, puspusa ng operasyon gamit ang mobile pump para humupa ang baha.
05:36Abot sa mahigit 70 pamilya o halos 300 individual ang nananatili sa Pasolo Elementary School.
05:44Binigyan sila ng hot meals ng barangay.
05:46Bukod sa ilang kalsada dito sa Pasolo, hindi pa rin nadaraanan ng light vehicles.
05:51Ang Estrella Street sa Kaloong, T. Santiago Raminel hanggang Plastic City Lingunan
05:56at sa Santiago o San Diego de Alcala Church compound dahil sa abot binting baha.
06:03Pinasok po itong loob ng gate po namin.
06:07Ito yung katulad po nung lugawa namin medyo matumal kasi hindi po makalabas yung mga tao at baha.
06:14Nangyari po dito, parang naulit po yung karina na naranasan namin 3 years ago.
06:21Yung volume ng ulan po talaga.
06:24Talagang na-overwhelm po kami.
06:31Pasado alas 7 kanina, sakay ng Valenzuela City DRRMO truck, namigay ng emergency kits at food packs si Mayor West
06:41Gatchalian sa mga apektado ng baha.
06:45Atom?
06:45Maraming salamat, PJ Gomez.
06:48Isang binatilyo sa Pampanga ang nalunod sa baha.
06:52Talubog din sa bahang iba pang bahagi ng Central Zone gaya ng Bataan.
06:57Mula sa Balangang Bataan, may live report si Von Aquino.
07:00Von!
07:05Atom, dahil nga sa malalakas na pagulan na dulot ng habag at binaha ang 7 barangay sa Hermosa, Bataan.
07:11Nahirapan tuloy ang mga residente na lumabas at bumalik sa kanila mga bahay.
07:20Nag-miss tulang lawa ang kalsadang ito ng barangay Daungan Hermosa sa Bataan.
07:25May mga namang kana para makatawid.
07:27Ang ilan, sinuong ang mataas na tubig.
07:30At may pinili pang lumangoy sa baha.
07:33Para kami nasa resort eh, ma'am. Sarap kasi.
07:36Gano'n baka tasong baka?
07:37Gadib-dib po.
07:39Gadib-dib?
07:39So anong bibili mo dun?
07:41Bibili po kami dito ng ulam.
07:43Ulam.
07:44Tapos pabalik na sa kaibang kaibang kaibang.
07:46Dahil lalanguy na lang po namin.
07:47Dati na raw kalbaryo ng mga residente ang baha. Panawaga nila.
07:52O yung kumuha ng plat control, lahat na langurakot sa uli nila.
07:55Abigyan sa mabababa lugar.
07:56Mahirap. Mahirap yung panay bumaba.
07:59Di mo alam, hindi ka nakakatulog.
08:02Panay talo na dito sa ilog dito.
08:05Malaki yung tubig.
08:07Pagkayari, malaki din dito.
08:09Sa buong Hermosa, 7 barangay ang binaha.
08:11Ang Hermosa po kasi is catch basin po talaga ng water from Pampanga.
08:18And siyempre po yung buong Bataan at saka po nung Zambales din.
08:22Even po Bulacan.
08:24Ang nangyayari po talaga dahil kahit po sabihin po natin na subsided na po dun sa mga karating na provinces
08:30po namin,
08:31na doon pa rin po yung baha sa area po namin dahil nga ito yung nagiging catch basin ng tubig
08:35po ng mga nearest provinces.
08:38Sa bayan ng Mariveles, Bataan, hirap ding makadaan ang motorista dahil sa baha sa bahagi ng Roman Highway.
08:45Pero wisyo pa rin ang di pa rin humuhupang baha sa Marilao, Bulacan.
08:50Kumapit na sa lubid ang mga residente para makatawid sa abot dibdib na baha.
08:54Itinawid din nila ang imahe ng poong Jesus Nazareno.
09:00Sa San Marcelino, Zambales, pinasok ng bahang ilang gusali ng barangay matapos umapaw ang isang ilog.
09:07Ganito rin ang sitwasyon sa ilang kalsada sa Botolan at Kandaba sa Pampanga.
09:13Sa bayan ng Apalit, Pampanga, nalunod ang isang binatiliyong naligo sa rumaragasan tubig baha.
09:20Tinangay umano papasok ng tosang o culvert ang bata.
09:23Sa Occidental Mindoro, ilang residente naman ang pinalikas kasunod ng pagguho ng road dyke sa bayan ng Santa Cruz.
09:36Atom, as of 8pm, nakataas ang orange rainfall warning dito sa Bataan. Dito naman sa Balanga ay tumila na ang
09:43ulan. Atom?
09:45Maraming salamat, Von Aquino.
09:47Binawi ng dating sundalong si Orly Guteza ang kanyang salaysay na nagkatid siya ng mali-maletang pera kay dating House
09:54Speaker Martin Romualdez.
09:55Sabi ni Guteza, sina Sen. Rodante Marcoleta at dating Congressman Mike Defensor ang nasa likod ng pagharap niya sa pagdinig
10:03ng Senado noong September 2025 tungkol sa maanumalyang flood control projects.
10:09Sabi ni Guteza, sa panibagong affidavit, idiniktaan ni Defensor ang kwento sa kanyang affidavit sa Senado.
10:17Inais naman daw ni Marcoleta ang draft na tinaip ng manugang ni Defensor na si Mark.
10:22Pinangakuan daw ni Guteza ng pera at scholarships para sa mga anak.
10:29Pinilit niya sa akin na ako na lang sabay-sabi na basahin mo lang ang mga, basahin mo lang yan
10:37at mababayaran naman.
10:39Ako ay pilitan na sabihin para sa kanya, sige po sir, kung ito ang paraan para makatulong ako, mingguha ko
10:51dyan sir.
10:52Kaya lang sir, rinala na po lang ang pag-aaral ng mga anak ko.
10:57Nag-promise ng Casa Educational Scholar si former Congressman Mike Defensor.
11:04Pagkatapos ng Senate hearing, hindi na raw siya kinontak ni Marcoleta at Defensor, kaya napagtanto ni Guteza na ginamit lang
11:11siya.
11:12Inusubukan pa namin kuna ng pahayag si Marcoleta at Defensor.
11:16Ang binabawi ngayong salaysayan ni Guteza bahagi ng mga ebidensya ang pinag-aaralan ng Ombudsman para sa posibleng isang pang
11:23reklamo laban kay Romualdez.
11:25Sabi ng Ombudsman, wala pa silang kopya ng affidavit ni Guteza, kaya hindi pa silang makapagbibigay ng reaksyon sa posibleng
11:33maging epekto nito sa case build-up laban kay Romualdez.
11:38Iniwan sa sasakyang nagatid sa kanya sa paaralan ang mga baril na ginamit ng grade 8 students sa pamamaril sa
11:46Ateneo de Zamboanga University.
11:48Kabilang sa inimbisigahan ang nag-udyok sa estudyante ang online gaming platform na Roblox.
11:55May report si John Consulta.
12:00Entry sa gate. May security guards at bag inspection.
12:04Kaya tanong lang ilan, paanong naiposlit ng 14-anyos na grade 8 student ang mga ginamit niyang baril sa Ateneo
12:11de Zamboanga University kahapon?
12:12Yung sistema po sa Ateneo ay basta sa gate ka pumapasok ng pedestrian ay titignan yung bagbog. Yung bata po
12:22ay sumakay sa kotse ng kanyang ama at hinatid siya at hindi na po kinakap kapatid.
12:29Ayon sa DILG, ang naghatid sa batang shooter ay driver ng ama niyang Customs Police Chief sa Port of Zamboanga.
12:36Naiwan sa loob ng sasakyang ang mga baril ng ama na binitbit ng bata papasok ng eskwelahan.
12:43Sa loob ng dalawang minutong pamamaril, napatay ang 15-anyos na grade 10 student.
12:48Di pa masabi kung tinarget talaga siya.
12:51Nadaplisan naman ang bala ang isa pa.
12:53Sa huli, nagbaril sa sarili ang minor de edad na shooter.
12:56Ayon sa PNP, di bababa sa 7 bala ang ipinutok ng shooter gamit ang caliber .40 at 9mm pistol.
13:05Isa sa mga ginamit na baril ay service firearm ng ama.
13:08Silispin din na ng Bureau of Customs ng 70 araw ang ama ng bata habang gumugulong ang imbisikasyon.
13:15Obvious naman, napabayaan niya yung baril niya.
13:17So titignan natin kung ano yung maximum na pupwede.
13:20Kasi gross neglect talaga yan.
13:22Ang maximum doon, dismissable offense talaga yan.
13:26Inaalam pa kung ano ang nagtulak sa minor de edad na gawin ng pamamaril.
13:30So far, ang report na katanya ay wala namang incidence of bullying sa kanya.
13:35Sa forensic examination ng kanyang mga gadget, isa sa sinisilip ang posibleng impluensya ng online gaming platform na Roblox sa
13:43pamamaril.
13:44So far, may witnesses na nakita siya naglalaro niyan.
13:49But, from the pattern, parang naradikalized talaga yung bata.
13:53The child, according to reports, was a very exceptional student.
13:58Number one in his class.
14:01So, never had behavioral problems.
14:05Roblox in itself is not a dangerous game.
14:08It is the chat.
14:09It is the chat group that is beside it.
14:13Doon nagkakaroon ng buyuan.
14:15Doon nagkakaroon ng radicalization.
14:19Nakipagpulong si Education Secretary Sonny Angara sa mga leader ng Ateneo de Zamboanga
14:23para pag-aralan ang mga hakbang para masawata ang karasahan sa mga paaralan.
14:28Ang malungkot dito, hindi natin akalain talaga na mangyayari dito sa estudyante
14:32dahil mataas po ang standing siya, number one siya.
14:34Parang valedictorian po siya.
14:36So, tinatanong namin yung kanyang mga teacher, parang hindi naman siya problemado.
14:41Although nagbibiro siya minsan na galit siya sa kanyang mga kasama, parang akala ng mga kamagana siya, biro-biro lang
14:48ho yun.
14:49Ang DSWD, nagsasagawa ng post-trauma-informed care sa school community.
14:55Maaring physically walang galos, walang injury, pero yung daladala nilang trauma, yun yung dapat nating subay-bayan.
15:02Sa unang kala namin na mga class, may examination lang.
15:05Yes, pero walang police.
15:06Nung umaga, pagkilaan naman yung nagkira.
15:09Ang takot namin lahat, hindi namin alam anong gawin.
15:12Nagtirik ng kandila at nag-iwan ng bulaklak sa harap ng paaralan ang mga nakikiramay.
15:18Dinalaw naman ni Vice President Sara Duterte ang pamilya ng biktima at mga survivor ng pamamaril.
15:24John Consulta, GMA News.
15:27Nanawagan si Vice President Sara Duterte na mapabilis ang impeachment trial laban sa kanya.
15:33Nag-iisip yung mga tao na ano ba kapututu.
15:36O ba may ginawang kasama?
15:39Hindi ba totoo yung mga akusasyon?
15:42So dapat mabilis yung proseso.
15:45Kasi nga, diba, sa ating constitution, nandiyan yung speedy administration.
15:51Nang tanungin kung ang paglalo ba niya ay makatutulong para mapabilis ang paglilitis,
15:57sagot ng Vice, hindi kailangan ang kanyang presensya dahil kinakatawa naman siya ng kanyang mga abugado.
16:03Hindi naman ako abugado para sa impeachment ko.
16:07So wala akong patutulong doon sa proseso ng pag-present ng witness,
16:14pag-processing gamit ng witness.
16:16Lahat yun ay trabaho ng abugado.
16:19At yun yung participation at appearance ko doon.
16:26Naniniwala naman ang kampo ng Vice na malakas ang kanilang reklamo
16:30laban kay Ramil Madriaga ang nagpakilalang dati niyang aide at bagman.
16:35Sabi ng kanyang legal counsel na si Atty. Paulo Panelo,
16:38kaya sila nagkain ang pangalawang perjury complaint laban kay Madriaga noong lunes ay para gawing airtight ang reklamo.
16:46Gusto rin daw nilang ipakita sa publiko kung anong klaseng testigo ang balak gamitin ng prosekusyon sa impeachment trial.
16:53Ayon naman kay House Leave Prosecutor Gerald Luistro,
16:57posibleng hindi na isa lang bilang testigo si Madriaga
17:00kung masasakop na ng testimonya ng mga naunang witness ang mga posibleng niyang sabihin.
17:12Bumagal ang bagyong Neneng habang binabaybay ang dagat malapid sa Taiwan.
17:17Huling na mata ng bagyo 365 kilometers northeast ng Itbayat Batanes.
17:23May bilis itong 45 kilometers per hour at buksong aabot ng 55 kilometers per hour.
17:29Walang nakataas na tropical cyclone wind signal sa anumang bahagi ng bansa.
17:33Bukod sa bagyong Neneng, binabantayan din ang dalawang bagyong nasa labas ng Philippine Area of Responsibility.
17:39Walang direktang efekto ang tatlong bagyo sa bansa,
17:43pero patuloy na makararanas ng maulang panahon sa Luzon at ilang bahagi ng Visayas dahil sa habagan.
17:53Kumpleto na ang mga minority senators sa mga kumite ng Senado.
17:57Nakadalo sa sesyon si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano
18:02matapos ang langaraw na pag-absent dahil lumanos sa masamang pakiramdam.
18:07Nagahain ang mosyon si Cayetano para makapaghalal ng minority senators sa mga kumite.
18:13Nagpasalamat naman si Senate President Wynn Gatchalian kay Cayetano.
18:16Kamakailan lang nagkasagutan si Sen. Rafi Tulfo at Sen. Pia Cayetano.
18:23Sinisi kasi ni Tulfo si Sen. Alan Peter na hinohostage umano ang committee membership ng minority senators.
18:35Pinarangalaan ng Ad Standards Council si GMA Network Inc. Chief Marketing Officer Lizelle G. Maralag.
18:42Ayon sa Ad Standards Council, naging instrumento si Maralag sa pagsulong ng self-regulation at collaboration sa industriya
18:51dahil sa kanyang malawak na karanasan at strategic perspective pagdating sa media at audience insight.
18:58Aktibo rin miembro si Maralag ng Joint Industry Council na tumututok sa pagsasaliksik at pagsukat sa media industry.
19:06Pinigang kilala si Marilaga kasabay ng pagdiriwang ng Golden Jubilee ng advertising self-regulation sa bansa.
19:20Nalubog man sa baha, layag na layag naman ang relasyon ng ilang magkasintahan.
19:25Kirituloy ng ilang netizens, binahangan na nga sila, nalunod pa sila sa inggit.
19:31Usuhan na yan sa report ni Darlene Kai.
19:35Marami na ang galit dahil sa mga pagbaha.
19:38Pero dagdagan pa ng inggit.
19:40Awa na lang talaga.
19:44Exhibit 1. Ito ba ang relationship?
19:49May binaharin kasi pero ang problema, walang tagabuhat.
19:54May naiinis na nga.
19:55Kailan ba matatapos ang baha?
19:57Umaapaw na raw kasi ang inggit niya.
20:00Kung ito ba naman ang makikita, tiyak di ulan ang dahilan ng baha, kundi mga loha.
20:06Mababaw lang dito sa lake.
20:08Mamatay ka lang sa inggit.
20:12Exhibit 2. Pasan na pasahan sa gitna ng bahanggabewang huwag lang mapasa ang sinisinta.
20:19Sakitin siya eh.
20:21At least kahit yung paaman lang niya, mabasa. Huwag lang yung upper body.
20:25Thank you so much.
20:28Darlene Kai, GMA News.
20:32At ano mga balitang dapat niyong malaman?
20:34Ito ang GMA News.
20:35Walang kinikilingan, walang pinoprotektahan.
20:37Noon at ngayon, serbisyong totoo.
20:40Ako po si Ato Maraulio at ito ang State of the Nation.
Comments