00:00Sa graduation video na ito noong June 20,
00:04kung meron man daw graduate na labis-labis ang kasiyahan,
00:08Andreana Joy F. Nepasina,
00:11e yan na raw marahil si Andreana mula sa kursong Legal Management.
00:16Nakapagtapos lang naman kasi siya sa isa sa pinaka-prestigyosong universidad dito sa Pilipinas.
00:24Kahit taang-tanging pinagkukuna ng pera ng kanilang pamilya,
00:28e paglalako ng cotton candy,
00:32ang matamis nilang tagumpay ating tunghayan.
00:40Nagsimula raw ang lahat sa isang paaralan
00:43kung saan nagkatrabaho at magkaibigan ang mga magulang ni Andreana.
00:47Si Naamorlito, isang janitor, at Diana, isa namang school staff.
00:53Dahil naging maselan ang pagbubuntis ni Diana,
00:56kinailangan niyang tumigil sa pagtatrabaho.
00:59Bidris po, mula isang buwan po lang po siya pinagbubuntis,
01:02kaya pinatigil na po siya sa trabaho.
01:04Kaya si Tatay Amorlito, nagdoble kayo.
01:07Pagkatapos ng trabaho sa school,
01:10sumasideline siya sa pagtitinda ng cotton candy.
01:14Nang dumating sa buhay nila si Andreana,
01:17wala na raw silang ibang pinangarap,
01:19kundi ang mapagtapos ito ng pag-aaral.
01:21Hindi po siya matulad na, hindi po namin siya na bigyan ng magandang buhay,
01:26hindi po magaya sa kanya. Mahirap po.
01:29Laking pasasalamat naman daw ni Amorlito sa natanggap niyang benepisyo
01:33mula sa pinagtatrabaho ang private school.
01:36Pwede pong pag-aaralin yung anak,
01:37libre naman po ng quantitation fee.
01:40Ang babayara lang po, miscellaneous fee,
01:42at saka books po, at saka salary deduction pa po.
01:50Bata pa lang daw si Andreana.
01:52Mulat na siya sa kaibahan ng estado niya at ng kanyang mga kamag-aral.
01:56Habang ang mga kaklase niya hatid sundo ng school service,
02:00si Andreana nasa karito ng cotton candy ng ama.
02:04Dahil walang laptop,
02:06ang mga homework niya e sa computer shop din daw niya ginagawa.
02:11Pumupunta po kami sa computer shop sa may palengke pa po.
02:14Para lang po makagawa ko ng mga reports ko.
02:18Payakman daw ang pamumuhay nila,
02:20hindi kailanman ikinahiya ni Andreana ang trabaho ng ama.
02:23Laking pasasalamat ko po kasi kung hindi rin po dahil sa pagtitinda niya,
02:27pagbubuhas ng oras niya para sa pagtitinda,
02:30wala rin naman po ako kung nasan akong ayon.
02:34Ito rin ang naging motibasyon niya para mangarap.
02:37Nang makagraduate ng high school,
02:39ang naging dream school niya,
02:41Ateneo de Manila University.
02:43Grade 6, naging fan po talaga ako ni Eliza Valdez.
02:46Parang dun po,
02:47nagsimula yung pangarap ko na gusto ko mag-aral sa eskwelahan na yun.
02:52Ang kaso, suntok sa bondaw ang pangarap na ito.
02:56Parang hindi po kaya na paralin dahil isa po akong janitor,
02:59at sa ganyan, isa po akong nagtitinda lang.
03:01Parang hindi po sumagi sa isip ko na maparal po siya sa malaking school.
03:06Unang reaksyon nila na masasayang lang yung 650 namin kasi kahit naman po makapasa ako doon,
03:13wala naman po silang kakayahan na paaralin ako doon.
03:17Pero desidido raw si Andreana at nangakong mag-a-apply ng scholarship kung sakaling makapasa siya rito.
03:24Dahil sa nakitang kagustuhan ng anak,
03:28nagdesisyon si Amorlito na magtinda ng maraming cotton candy para sa 650 pesos na entrance exam fee.
03:37Matamis naman daw ang naging balik nito sa kanila.
03:40Dahil si Andreana, hindi lang nakapasa sa kursong legal management,
03:45nakakuha pa ng scholarship.
03:47Meron rin po kaming food, transportation, and internet allowance na natatanggap po namin
03:53kayo lagitnaan na po ng SEM.
03:57Nagtudukayod pa si Amorlito sa pagtitinda.
03:59Para ang iba panggastusin ng anak sa kolehyo, e kanyang mapunan.
04:03Araw-araw po, umaga po, nagtitinda.
04:06So ganun lang ganun, umaga, tinda.
04:09Pagising po, tinda po ulit.
04:11Para karawas po at mapagtustos po yung pag-aaral niya.
04:15Nakapasok man sa kanyang dream school,
04:17hindi raw biro ang naging adjustment ni Andreana sa universidad.
04:21Noon na po, sobra po akong na culture shock.
04:24Hindi ko po alam if belong po talaga ako doon.
04:27Pero focus lang sa goal.
04:29At pangako niya sa sarili, magpapakatutuo siya sa harap ng mga kaklase.
04:34Every time po na yayayain po nila ako,
04:36kumain with them, sinatanggihan ko po sila.
04:38Para lang po makasama ako, sinasalo po nila ako na sila na lang po muna magbayad.
04:44Ika nga, walang imposible sa taong may pangarap.
04:48At makalipas ang ilang taon, narating din ni Andreana ang tuktok ng kanyang pangarap.
04:55Andreana Joy F. Nepasina.
04:58Dito sa taas ng stage kung saan niya tatanggapin ang inaasam na diploma.
05:05Sobrang proud po mga, wala po akong makasabi sa kayo.
05:09Sobrang laking bagay po ng pagtitinda ni Papa ng cotton candy sa buhay ko.
05:14Sabi ko nga po sa post ko na bawat supot ng cotton candy,
05:18yun ang naging rason kung bakit nakuha ko yung diploma ko ngayon.
05:28Pero hindi lang daw si Andreana ang nakagraduate.
05:31Ba, dahil napagraduate mo na ako, graduate ka na rin sa pagpapaaral sa akin.
05:38Thank you, Papa.
05:41Maraming salamat.
05:42Marami pa akong pangarap na gustong matupad natin sabay-sabay.
05:47At sana balang araw hindi ka na makapagtinda at mag-relax ka na lang sa buhay.
05:52Thank you, Papa.
05:57Para sa kahit sinong magulang ang makitang makapagtapos ang anak,
06:02Andreana Joy F. Nepassina,
06:05ang siyang pinakamatamis na tagumpay na pwedeng maipagmalaki habang buhay.