Skip to playerSkip to main content
Aired (October 17, 2026): Matagal na panahon nang hindi nagkakasama ang buong pamilya ni Nanay Martina. Kaya naman ang tanging hiling niya sa kanyang kaarawan, magkita-kita at mabuo sila. Isang hiling na tuluyang natupad nang sorpresahin siya ng kanyang mga anak na ang ilan, umuwi pa galing sa ibang bansa. Panoorin ang video. #GoodNews

Category

🎈
Fun
Transcript
00:00Wala na raw mahihiling pa sa buhay si Nanay Martina.
00:04Sa edad niya ngayon, wala pa rin siyang iniindang sakit.
00:09Habang ang lima sa kanyang anim na mga anak, may magagandang trabaho.
00:14Katunayan, apat sa kanila ay nasa abroad.
00:17Pero kung meron man daw siyang isang wish para sa kanyang 64th birthday,
00:23ito ay ang maipagdiwang niya ang kanyang kaarawan kasama ang kanyang anim na anak.
00:28Walong taon na raw kasi, nang huli silang makumpleto.
00:32Pauwiin ko ko kayong lahat. Kasi gusto kong makita lahat ng mga apo ko.
00:35Pero sa araw ng kanyang birthday, isa lang sa kanila ang nakauwi.
00:40Si Veronica, umuwi na, nandito na.
00:44Pero pagdating ng birthday girl sa restaurant, laking gulat niya sa kanyang nadatlan.
00:58Happy birthday!
01:00Si Veronica ang sumorpresa sa kanya sa kanyang birthday.
01:03Happy birthday!
01:06Happy birthday!
01:08Happy birthday!
01:08Happy birthday!
01:12Dito sa Cebu,
01:15mag-isa noong itinaguyod ng single mom na si Nanay Martina, ang kanyang anin na anak.
01:20Ang dami kong pinasukan na trabaho. Mostly, sekretary.
01:25Basta kung anong racket meron, ipinapasok ko para lang may maiuwi ako.
01:31She would always put us first before herself.
01:33Kahit hindi naman kami mayaman, she always make sure na okay kami, provided yung mga needs namin, and may makakain
01:42kami.
01:43Iginapang niya rin daw na makapagtapos sila ng pag-aaral.
01:47It became their driving force na talagang dapat silang mag-aaral, dapat silang makatapos.
01:53Kasi yun yung share nila sa, you know, sa responsibility.
01:58At hindi naman daw siya binigo ng kanyang mga anak.
02:02Ang lima kasi sa kanila, graduate na!
02:05Ang kanyang panganay na si Martin J. sa Cebu nakahanap ng magandang trabaho.
02:10Isa siya ngayong customer support sa isang order processing company.
02:13Habang ang apat niyang mga kapatid, nakipagsapalaran abroad.
02:18Si Justine, nag-Canada.
02:21Si Honey, customer accounts executive sa Singapore.
02:25Si Christy naman, admin staff sa Belgium.
02:28Habang si Veronica, may pinapatakbong negosyo sa Dubai.
02:33Sa ngayon, tanging ang kanyang bunso na lang daw na si Joseph Benjamin ang nag-aaral pa.
02:40Masaya man si Nanay Martina sa naabot ng kanyang mga anak.
02:43Hindi niya raw maiwasang malungkot.
02:46Lalo't minsan niya na lang nakikita ang mga anak na nasa abroad.
02:51Hi, JJ!
02:53Kaya para maibsan daw ang kanyang pangungulila sa mga ito, sinisigurado niya na gabi-gabi sila'y nakakapag-chat o
03:01video call.
03:02Ang Facebook namin maingay sa gabi.
03:04Doon ako nagiging masaya na nakikita ko sila, nakakausap ko sila, at alam ko kung ano nangyayari sa kanila.
03:10Ang hindi alam ni Nanay Martina, last year pa lang, pinaghahandaan na ng kanyang mga anak ang kanilang surprise para
03:19sa kanya.
03:20Ang kanilang pag-uwi sa Cebu ng sabay-sabay para i-celebrate ang kanyang birthday.
03:26Eight years po kami hindi nagkita.
03:29Siguro one of the best gifts we can give her is to be there personally.
03:34The process was really difficult kasi hindi talaga kami magkakasabay.
03:39Okay, ha?
03:39Sa gabi ng salubong para sa kanyang 64th birthday, nitong August 8, isinagawa na nila ang sorpresa.
03:49Ang hindi alam ni Nanay Martina, nakaabang na pala sa restaurant ang kanyang mga anak at mahal sa buhay para
03:56siya isorpresahin.
03:58At pagpasok niya ng pinto,
04:04Laking gulak ng birthday girl ng mga silayan ang mga sumalubong sa kanya.
04:25Masaya talaga, hindi ko hindi ko siya ma-express.
04:27I felt so special.
04:49Sa ngayon, balik abroad na sina Honey, Justine, Christine at Veronica.
04:54Kaya para hindi nila ma-miss ang isa't isa, kamakailan lang nag-video call ulit sila.
05:01Hi!
05:03Kamusta ka na siyaan sa Sibuma?
05:06I'm so excited and happy to see you.
05:09What's your dinner?
05:10All of you.
05:11I miss you so much!
05:14Alam niyo,
05:16hihintay ko kung kailan kayo babalik.
05:18Mama,
05:19be healthy
05:20and
05:22always be happy.
05:23We will do our best to,
05:25like we always say that
05:26it's our time to pay back
05:29all the sacrifices
05:30that you have made for us.
05:31Ngayon na may own family na ako,
05:33mas naiintindihan ko yung mga sacrifices mo for us.
05:37Thank you for the sacrifices
05:38and for your unconditional love
05:41and you continue to stay healthy
05:44so that we can continue to spoil you.
05:47And ma,
05:49antayin niyo ako,
05:50maging successful din ako
05:51at ako na naman yung susurpresa sa inyo.
06:03Thank you kay God
06:04na binigay mo sa akin
06:06yung pagmamahal
06:08ng mga anak ko na
06:10it was all I asked for.
06:14Kahit na kilo-kilometro man
06:16ang layo nila ngayon
06:17dahil sa tinahap na landas
06:19ng kanyang mga anak,
06:20laging mayroon silang tahanan na uuwian.
06:31At isang ilang sabi na sila'y
06:34muling mahagal.

Recommended