Skip to playerSkip to main content
Aired (October 17, 2026): Ang magkapatid na Val Gabrielle at Val Rixie, ulila na raw matapos mamatay sa cancer ang kanilang Nanay Jinky noong 2020.

Mula noon, si Val Gabrielle na raw ang sumuporta sa kapatid sa tulong ng kanyang pagiging seaman.

Napag-aral niya ng nursing ang kapatid. Nakapagtapos din ito at kumuha ng licensure examination.

At kamakailan, umiyak ang magkapatid habang magka-video call sila. Ibinalita kasi ni Val Rixie na pumasa siya sa exam para maging ganap na nurse! Panoorin ang video. #GoodNews

Category

🎈
Fun
Transcript
00:00Sa ginanap na August to September 2026 Philippine Nurses Licensure Exam,
00:09Mahigit 28,000 ang tumasa.
00:13Ang ilan sa kanila, sa sobrang saya, ay napayakap na lang sa kanilang pamilya.
00:21Pero si Val Rixie, wala raw katabing mahal sa buhay nang malaman ng resulta.
00:27Unila na kasi siya habang nga kanyang kuya nagtatrabaho sa ibang bansa.
00:32Kaya ang magandang balita, ipinagbigay alam na lang niya sa video call.
00:37At dito, bumuhos ang kanilang luha.
00:41Ang tagumpay kasing ito, para rin sa kanilang yumaong ina na kasama nila noong nangarap.
00:54Dito sa bayan ng Talisay sa Cebu, namulat sa simpleng buhay ang magkapatid na Val Gabrielle at Val Rixie.
01:01Dalawa lang kami magkapatid ng kuya ko sa mama ko.
01:04Growing up, parang yung buhay ko is mayroong disiplina,
01:07pero at the same time, hindi naman pinagkait yung parang pagiging playful sa labas.
01:11Balance lang din siya.
01:12Dahil bata pa lang sila nang maghiwalay ang kanilang mga magulang,
01:16mag-isa raw silang itinaguyod ng kanilang mama Jinky.
01:20After graduate ni mama nun ng college,
01:22nagtrabaho lang siya sa profession niya ng saglit.
01:25Tapos siya niya yung pinagpatuloy nung let'sion business nila ng grandparents ko.
01:30Kahit na pinagsabay raw noon ng kanilang ina
01:33ang paghahanap buhay at pag-aalaga sa kanilang magkapatid,
01:37naging hands-on pa rin daw ito sa kanilang pag-aaral.
01:40At nang mag-college naman, ang kuya niyang si Val Gabriel,
01:44ginapang daw ni Jinky ang pag-aaral ng kanyang panganay.
01:47Sobrang nahirapan kami kasi biglang nag-close yung public market.
01:50Kaya napilitan kaming mag-relocate ng pwesto.
01:53Nawala lahat ng suki, lahat ng customer, puro utang na lang si mama nun.
01:58Sulit naman daw ang mga sakripisyo ni Jinky.
02:00Taong 2018 kasi,
02:02nagtapos si Val Gabriel sa kursong Bachelor of Science in Marine Transportation.
02:07Agad din siyang nakasampan ng barko para sa kanyang apprenticeship.
02:12Pero kasabay ng pag-abot ni Val Gabriel sa kanyang mga pangarap para sa kanilang pamilya,
02:18ang hindi niya alam, may iniinda na pala ang inang si Jinky sa Pilipinas.
02:23Noong 2019, si Jinky na-diagnose ng colon cancer.
02:28Mga huwag ako kay mama.
02:29Nagsinungaling pa siya sa akin.
02:30Sabi niya, ah, wala lang to.
02:32Ano lang, na-dehydrate lang ako.
02:34Dahil sa init, tinatago niya pa sa akin yung sakit niya para di ako umuwi.
02:38Sinadya niya talagang magpa-check up after na ng pag-alis ng kuya ko.
02:41Kasi ayon niyang kumate ng bagong gastusin.
02:45Alam niya namang uunahin niya pa si kuya kaysa sa sarili niya.
02:49Yung time na yun, grabe yung iyak ko.
02:52Ba't di niya sinabi,
02:53parang gumuho yung mundo ko.
02:55Nasira lahat ng plano ko sa buhay.
02:59Dahil nasa barko noon si Val Gabriel,
03:02mag-isang inalagaan ni Val Rixie ang kanilang nanay Jinky.
03:05Yung tanging magagawa ko lang as a daughter,
03:08kung kailangan niya to, ako yung gagawa neto,
03:11ako yung mag-change ng damit niya, ng diapher niya,
03:14magtatapo ng mga sinukaan niya.
03:16Para may pantustos sa kanyang chemotherapy,
03:19isinangla ni Jinky ang kanilang bahay sa Cebu.
03:22Pero sa kabila nito,
03:23mabilis daw na kumalat at lumala ang cancer ni Jinky.
03:28Si Val Gabriel,
03:29pauwi na rin daw sana noon.
03:31Pero taong 2020,
03:3312 hours before ako umabot ng Pilipinas,
03:35namatay na siya.
03:45Kahit nagluluksa pa noon,
03:48si Val Gabriel hindi tumigil sa trabaho kahit inabutan ang lockdown.
03:52Siguro yung pera ko noon, mga 40k lang,
03:55tapos hinanapan ko na lang ng paraan para umikot-ikot na ma-survive yung ano namin.
04:00Hindi rin nagtagal, ay nakasampa muli si Val Gabriel sa barko,
04:04habang si Val Rixie naman naging working student.
04:06Loya,
04:08andito ka sa labas,
04:10ang init sa loob.
04:12Magkahiwalay man,
04:12mas lalo raw na palapit ang loob ng magkapatid sa isa't isa.
04:16Loya,
04:17medyo sinisipon nga ako ngayon eh.
04:19Every month,
04:19every year noon,
04:20mas naging strong na yung bonding namin,
04:23nakikilala na namin kung ano yung type na tao,
04:25yung isa't isa.
04:27Si Val Gabriel na ang umako sa responsibilidad na mapagtapos ang nakababatang kapatid.
04:32Hindi ako nakakabili ng gusto kong damit,
04:34hindi ako makabili ng bagong cellphone,
04:36kahit basag na yung cellphone ko.
04:38Pagtungtong ni Val Rixie sa kolehyo,
04:40ang napili niyang kurso pareho sa yumaong ina,
04:43BS Nursing.
04:45Ako magpapatuloy ng profession ng mother ko.
04:47Kung sa kanya parang natigil niya kasi kailangan sa business,
04:51ako,
04:51igogo ko talaga ito para sa kanya and para sa sarili ko din.
04:55Siya talaga yung inspiration ko kung bakit ko napili yung nursing.
04:58Seryoso siya sa kanyang mag-aaral.
05:00Maaga siyang naging matured dahil nga wala na silang magulang.
05:03Sa loob ng limang taon,
05:05pinag-aaral siya ng kanyang kuya Val Gabriel.
05:08Sinikap din itong tubusin ang nakasanla nilang bahay.
05:11At bilang kabayaran sa lahat ng mga sakripisyon niya,
05:15ang tanging maibabalik lang daw niya,
05:17diploma.
05:18Nitong mayo na nga lang,
05:20it's payback time dahil sa wakas,
05:23ay nakatapos na siya ng pag-aaral.
05:26Promise ko sa iyo,
05:27pag-graduate ka talaga ng college,
05:28gagawin ko ang lahat para maka-attend.
05:31Sobrang saya namin.
05:32May ikunting iyakan din doon sa intablado.
05:35Ang sunod na pinaghandaan ni Val Rixie,
05:38ang kanyang board exam.
05:40Sobrang pagod na yung utak mo.
05:41Pagod pa yung katawan mo kakapila.
05:44Never ako pinapressure ng kuya kasi nasabi niya lang,
05:46if kong mag-fail man,
05:47edi try tayo ulit.
05:49Pero sa araw ng kanyang pagsusulit,
05:51si Val Rixie inunahan daw ng kaba
05:53at nakatulog sa gitna ng exam.
05:56Halo-halo yung pagod niya sa transportation,
05:59sa studies, sa pressure,
06:02sa pera din.
06:03Ano si, parang hindi nga talaga ako natulog dun.
06:05Inunahan ng kaba,
06:06inunahan ng overthinking,
06:08kasi nakasilala yung license.
06:10Hiya.
06:12Hi.
06:13Dahil sa pangyayari,
06:14agad niyang sinabi sa kuya niya
06:16na pakiramdam daw niya,
06:17hindi siya papalarin
06:19na makapasa ngayong taon.
06:21Magsiself-doubt siya,
06:22kaya baka di nga pumasa.
06:24Ganyan.
06:24Parang nagda-doubt rin ako.
06:25Pero kailangan ko kasing magpakatatag
06:28sa time na yun.
06:28Kinukomfort ko siya.
06:30Pero sa kabila ng mga agam-agam,
06:33Nagulat ako, biglang nag-call yung friend ko,
06:35si Tish.
06:37Gising ka ba?
06:38Sabi ko,
06:38Oo, bakit?
06:39Baliw, pumasa ka.
06:40Sabi ko, ha?
06:41Call!
06:43Call!
06:45Nakabasak ko!
06:48Ang good news,
06:49agad niyang ipinagbigay alam
06:51sa kanyang kuya Val Gabriel.
06:54At sa kanilang video call,
06:56hindi na napigilan
06:58ng magkapatid
06:59na maging emosyonal.
07:00Kasi hindi ko naman layan na
07:02habang nagkakwento, umiiyak ako.
07:03Umiiyak na pala si kuya
07:05habang nagkakwento ako.
07:06First time ko nga nakita yung kuya ko.
07:08Sobrang proud niya sa akin.
07:10Ang tagumpay na ito
07:12ni Val Rixie,
07:13alay nila
07:14sa kanilang nanay Jinky.
07:16Ma,
07:19araw na ako, ma.
07:26Nakagraduate na yung bunso mo
07:30at pumasal na board.
07:36Kasi binigyan mo ako ng dream
07:38at ako yung magpapatuloy
07:41sa dream natin yung dalawa.
07:44I love you, ma.
07:45I miss you.
07:46I miss you so much.
07:51Si Val Rixie,
07:53may hinandaring munting surpresa
07:55para sa kapatid.
07:56Dear brother,
07:57I know life has been tiring for you,
08:00especially when we lost our mother.
08:03I want to let you know
08:04how proud I am
08:05having you as a brother.
08:07And you are my mother,
08:09my father,
08:11my brother and a friend.
08:12You are the best brother
08:13I could ever wish for.
08:15And I just want you to know
08:16that I am always here for you
08:17and very thankful
08:18for everything you have done for me.
08:20I love you, ya.
08:21Mwah!
08:24Thank you for being a good sister, also.
08:27Thanks.
08:30I love you, ya.
08:33Maaring hindi nakapiling
08:34ni Val Gabriel at Val Rixie
08:37ang kanilang Nanay Jinky.
08:38Pero sa bawat pangarap
08:40na kanilang natutupad,
08:42baon nila sa kanilang puso
08:44ang kanyang mga itinurong aral
08:46at pagmamahal.
08:53You

Recommended