00:00Bumanggang isang motorsiklo sa isang e-trike sa Antipolo City.
00:04Ang sugatang rider, napagalamang sangkot pala sa serye ng nakawan ng motorsiklo.
00:10Balita natin ni EJ Gomez.
00:15Humandusay sa kalsada. Ang sugatang lalaking yan.
00:18Matapos maaksidente, sakay ng motorsiklo.
00:21Sa bahagi ng Marcos Highway sa Barangay Santa Cruz, Antipolo City,
00:24Biyernes ng umaga,
00:26nagtamu siya ng mga bali sa tuhod at binti nang makabanggaan ng isang e-trike,
00:31isinugod siya sa ospital at kinailangang operahan.
00:34Dahil sa aksidente, nabisto na ang sugatang rider sospek sa insidente ng pagnanakaw
00:41sa ibang barangay noong July 3 ayon sa mga otoridad.
00:45Mali, nasa loob po ng garay po mismo yung motor.
00:49Doon po nila kinuwa po yung motor po.
00:52Po umaga na po namin napansin na wala na po yung motor.
00:56Isang concerned citizen sa Barangay San Isidro daw ang nakapansin
00:59na pareho ang plaka ng ninakaw na motor noong July 3
01:02sa plaka ng dalang motorsiklo ng naaksidenteng rider.
01:06Ang Barangay San Isidro na rin ang nag-imbestiga sa sumbong.
01:10Mayroon kaming mga CCTV kung saan unang nakita yung motor.
01:14May nakakita rin na kapitbahay,
01:16doon sa pinagdala ng motor na binabaklas na yung mga body parts ng motor.
01:23Ang mismong motorsiklong dala ng sospek kung saan nakitang nakakabit ang parehong plaka,
01:29hindi raw sa biktima.
01:31Plaka ko po yung ginamit.
01:33Possible na kung gumawa man po sila ng kalokohan,
01:36ng hold up, tapos makuha po sa CCTV.
01:39Siyempre, unang-una, ako po yung ahabulin ng authority.
01:42Ayon sa biktima, mahigit 70,000 piso ang halaga ng ninakaw na motor
01:46na kanila pa raw hinuhulugan at siyam na buwan pa lang nagagamit.
01:50Noong kinakusa po namin siya sa hospital, sa ortopedic,
01:54ang sabi niya po ay nabili niya lang daw po ito sa kanyang kakilala ng 4,500.
02:01Tinatangig niya po na ninakaw niya ito.
02:04Sa follow-up operasyon ng pulisya, lumabas na nakaw din pala
02:08ang motorsiklong gamit ng rider nang siya ay maaksidente.
02:12Nagpapagaling pa sa ospital ang 22-anyos na rider
02:15na sasampahan ng reklamong theft at reklamong paglabag
02:20sa Republic Act 10883 o New Anti-Carnapping Act of 2016.
02:24Nangakuraw ang kaanak ng sospek na ibabalik
02:27ang unang ninakaw na motorsiklo sa Webes
02:29base sa kasunduan nila sa biktima at pulisya.
02:33Ayon sa barangay, umamin kalauna ng sospek
02:36na ang ninakaw niyang motorsiklo
02:38ay ibinenta niya sa isang buyer sa Buso-Buso.
02:42EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA News.