00:00Isang fetus ang natagpoang palutang-lutang sa estero de pandacan sa Maynila.
00:04Posible raw tira nga ito ng baha.
00:06Saksi si Jamie San.
00:12Hindi inaasahan ang mga estero ranger ang kanilang matutuklasan
00:16sa loob ng palutang-lutang na plastic sa estero de pandacan sa Maynila
00:20bandang alas 10 kaninang umaga.
00:22Nang maiangat ito, natuklasan ang isang fetus
00:26na nasa 27 hanggang 30 linggo sa sinapupunan.
00:30Nakita ko po kasi parang ang dami po kasing tao dun sa may ano
00:33tapos may mga polis tapos meron siyang yellow na line na polis line.
00:39Tapos yung paglapit ko po, yun na nakita ko na po may bata, baby boy.
00:43Patuloy na inaalam na mga otoridad kung saan nagmula ang fetus
00:47at paano ito napunta sa estero.
00:50Ayon sa MPD, isa sa mga tinitignang angulo ay posibleng tinangay ito ng baha.
00:56Wala pang natutukoy na responsable sa insidente habang nagpapatuloy ang imbistigasyon.
01:01Kung mapatutunayang sinadya ang pagpapalaglag,
01:04maari umanong magkaroon ng pananagutan sa batas.
01:07May pananagutan tayo sa batas.
01:09Ito sa revised penal code natin na article 256,
01:14yung intestinal abortion.
01:16Kung talaga malalaman at mapapatunay na ikaw talaga yung gumawa nito.
01:19Kung hindi na lang po talaga kaya nilang alagaan,
01:22ibigay na lang nila sa mga LGU natin, DSWD,
01:26meron naman po dyan eh.
01:28Kaysa yung magdadagdag ka tapos itatapon mo lang po na parang basura lang.
01:32Kawawa naman po yung buhay ng isang tao.
01:34Patuloy ang follow-up investigation para matukoy kung saan nagmula ang fetus
01:39at kung sino ang maaring managot sa insidente.
01:41Ako si Jamie Santos, ang inyong saksi.