Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.          

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app. Download now on Google Play and App Store. Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AgI_UbY4C1GhwFZ5CQL3N5c


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de 


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanew
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00May 50 landslide na ang naiulat sa Cordillera region dahil sa masamang panahon
00:05at inaasaang tatagal pa hanggang weekend ang pagulan doon dahil sa Bagyong Neneng.
00:10May ulat on the spot si Sandy Salvation ng GMA Regional TV.
00:14Sandy?
00:18Rafi, may inang pagulan ang nararanasan ngayon dito sa probinsya ng Benguet.
00:22Gayunman, asahan pa rin ang pabugsong-bugsong malakas na pagulan na dala nitong localized thunderstorms.
00:31Patuloy na nararanasan ang masamang panahon sa ilang lugar sa Cordillera,
00:35particular sa Baguio City at Benguet, dahil pa rin sa southwest munsun o habaga.
00:39Pero ayon sa pag-asa, mas mahina ang mga mararanasang pagulan ngayon kumpara sa mga naranasan noong mga nakaraang linggo.
00:45Dahil sa epekto ng Bagyong Neneng, magpapatuloy ang mga pagulan hanggang sa weekend.
00:50Dahil dito, pinangangambahan pa rin ang mga insidente ng landslide
00:53dahil sa saturated na ang lupa sa maraming bahagi ng kabundukan sa probinsya.
00:58Ayon sa Mines and Geosciences Bureau Cordillera, 54 na ang reported landslide sa regyon.
01:03Karamihan, naitala sa Benguet.
01:05Naka-red alert status ang operations center ng MGB sa ilalim ng Department of Environmental and Natural Resources
01:11upang bantayan ang lahat ng mga landslide-susceptible areas.
01:1490% daw kasi ng land area sa regyon ay may chansa ng pag-uho, lalo ngayong walang tigil ang
01:20pag-uulan.
01:20Nakadeploy na ang kanilang 24-7 quick response teams.
01:24Nangpapatuloy ang koordinasyon sa disaster response ng Office of the Civil Defense Cordillera
01:28sa lahat ng mga tanggapan ng ahensya.
01:32Rafi, maliban sa flooding at landslide incidents,
01:35isa rin sa mahigpit ngayon na binabantayan ng MGB itong mga secondary hazards.
01:39Kabilang dito, itong pag-uho ng lupa kung saan nababarahan ito yung daloy ng mga ilog.
01:45Magkakaroon kasi ng tinatawag natin na temporary daming o yung pag-ipon ng tubig.
01:50At kung sakali man na mabuwag ito o kaya ay umapaw yung ilog,
01:54ay magkakaroon o magdudulot ito ng flash flood sa ilang mga lugar.
01:58Payo ng RDRRMC, manatili pa rin maging alerto lalo na itong 633 na landslide at flood-prone barangay sa Cordillera.
02:07Rafi.
02:08Maraming salamat, Sandy Salvation ng GMA Regional TV.
02:13Nasawi ang isang padre ni pamilya sa Kaluokan matapos matumba sa abot dibdib na baha.
02:18Ang biktima nagpanik daw sa kasagsagaan ng pagbaha at hinihinalang inatake sa puso.
02:24Balitang hatid ni Jonathan Andan.
02:36Isinakay sa upuan para ma-rescue sa baha ang isang lalaking natagpuan nilang nakalubong sa tubig na walang malay.
02:43Sampung lalaking ang nagtulong-tulong magbuhat.
02:46Pero pahirapan ng rescue dahil salubong sa rumaragas ang baha ang direksyon nila palabas.
02:51Pagdating ng rescue boat ng barangay 32, Kaluokan, inilipat na ang biktima.
02:56Inabot pa ng kalahating oras bago ito nakarating sa ospital.
03:00Hindi na siya umabot ng buhay.
03:06Nagdadalamhati ngayon ang pamilya ng 58 anyos na si Ronaldo Cruz.
03:12Sabi ng kanyang kaanak, nagpanik sa baha ang kanilang padre de pamilya.
03:16Inatake sa puso at natumba sa hanggang dibdib na baha.
03:19Nervyoso po si papay.
03:22So siguro kahit naman po heart attack yun, siguro po mas nabigyan ng chance yung father ko kung walang baha
03:29po noong time na yun.
03:30Kasi mas magiging accessible po yung daan ng mas mabilis papunta sa ospital po.
03:35Anila lumabas ng bahay si Ronaldo para patayin ang circuit breaker.
03:40Ang gandibdib po ang baha po roon sa kanila.
03:42Tinis na rin po ng mga doktor na tinubuhan na at maraming hong tubig na nakuha sa kanyang katawan.
03:48Hinabot daw ng lagpastao at rumaragasa yung baha na naranasan nila rito.
03:53Ang panawagan ngayon ng mga residente, sana raw may maayos na flood control, gumaganang flood control na maitayo dito sa
03:59kanilang barangay para masolusyonan na yung kanilang problema.
04:03Yung sa flood control project na dapat yung mga nakaalat talaga na budget doon, talagang ginagamit or ginagastos ng tama
04:11para mayuwasan yung mga ganitong senaryo po kasi may mga buhay po na nakatayarin.
04:18Jonathan Andal, nagbabalita para sa GMA News.
04:24Ito na ang mabibilis na balita.
04:27Sumalpok at sumampang isang kotse sa Center Island sa Visayas Avenue sa Quezon City.
04:32Ligtas naman ang driver dahil sa airbag ng sasakyan.
04:35Aminado ang driver na nakatulog siya habang nagmamaneho.
04:39Iniimbestigahan pa ang aksidente.
04:44Sa Quezon City pa rin, mahigit dalawang araw nang hindi nadaraanan ng mga motorista ang bahagi ng panulukan ng Scout
04:49Albano at Panay Avenue.
04:51Dulot pa rin niya ng natumbang puno ng Sampalok noong lingko ng hapon.
04:55Nadamay kasi sa pagtumban nito ang dalawang poste ng kuryente, kaya lumundo ang mga kawad.
05:01Nilagyan ng tukod na suporta ang mga poste.
05:03Nilagyan din ang harang at binabantaya ng mga otoridad ang lugar.
05:09Matatapos na raw ngayong taon ang Flood Control Master Plan para sa Metro Manila.
05:14Pero sabi ng Department of Public Works and Highways,
05:17hindi mabilisa ng efekto niyan at hindi kaagad tuluyang mawawala ang kabikabilang pagbaha sa Metro Manila at ilang probinsya.
05:24Balitang hati at ni Ivan Mayrina.
05:29Isang Espanya Boulevard sa Maynila.
05:31Sa mga kalsada nagdistulang dagat at ilang oras na hindi nadaanan,
05:34bulso na hindi pangkaraniwang dami ng bumuhos sa ulan.
05:37Ang problema raw kasi, 19 kopong-kopong pa nang ginawa ang mga drainage dyan.
05:42At sa dyang hindi na kaya ang dami ng buhusang tubig sa lugar.
05:45Meron tayong gagawing apat na cross-drainages na diderecho sa tatapon sa mga estero natin papuntang Pasig River sa Maynila.
05:56So, sisimugan na natin yan ngayong September.
05:59Pero yung mga drainage improvements natin, gagawin na natin yan under the 2027 budget next year.
06:06Isa pang plano na malaking may tutulong sana.
06:08Ang mga detention basin kung tawagin,
06:11napansamantalang imbakan ng tubig para hindi bigla ang umapaw sa mga komunidad ang tubig ulan.
06:16May iba pang planong itayo at ibang arian kasama na sa pinunduhan sa 2027 budget.
06:20Pero agad na nilinaw ng DPWH ang mga ganitong solusyon,
06:25hindi parang magic na sa isang iglap ay mawawala ng problema sa mga pagbaha.
06:30Unti-unti, dahan-dahan, yan lang ang kaya ipangako ng DPWH.
06:35Tulad halimbawa sa Araneta at E. Rodriguez Avenue.
06:38Oo at binaha pa rin.
06:39Pero dahil daw sa mga hakbang na ginagawa ng gobyerno,
06:42medyo nakikita na raw ang epekto.
06:44In previous years daw, up 18 to 24 hours daw ang oras bago bumaba ang tubig baha doon.
06:53Sa Kamanava o ang Kaloocan-Malabon-Valenzuela area,
06:57dating bahain pero ngayon nakikita na raw ng kabawasan
07:00ang mga pagbaha o sa ibang lugar nga ay hindi na binabaha.
07:04Dahil daw yan sa pagpapagana ng 6 na pumping station,
07:07pag-aayos sa mga butas na mga dike at pagkumpuni sa navigational gate.
07:11Ang mga malilit na hakbang na yan, balak daw gawin sa iba't ibang lugar,
07:15hindi lang sa Metro Manila.
07:17Meron pang ang pag-uusapang dam na pwede kitayo ng DPWH
07:20at ng National Irrigation Administration sa Pampanga at Manikina,
07:24mga lugar kung saan problema ang pagbaha.
07:27Ang lahat ng ito, sumusunod naman daw sa isang flood control master plan
07:31na matatapos na raw ngayong taon.
07:33Pero ang utos daw kasi ng Pangulo,
07:35agarang aksyon at koordinasyon sa lokal na pamahalaan.
07:39Siyempre, kaya nga nga nga ng master plan.
07:41Pero hindi tayo pwedeng maghintay.
07:44Pero habang hindi nakukumpleto at naisasagawa ang mga plano
07:47para pigilan ng malawak ang pagbaha,
07:49tanggap ng mga ahensya ng pamahalaan
07:51ang galit at punah mula sa publiko,
07:54sa mga palpak at mga ninakaw na pondo para sa flood control.
07:58There's really nothing to celebrate.
08:00Talaga nakita natin ang paghihirap ng ating mga kababayan
08:02and we really commiserate with them.
08:04Dapat naman talaga, mabugbog yung DPWH.
08:06Sa dinabi-dami ng mga problema dito sa departementong to,
08:12tama lang yun.
08:14Pero kaya nga, isa-isa yung natin aayusin yung mga problemang
08:19dekada na ang binigang.
08:20Ivan, may rin na nagbabalita para sa GMA News.
08:27Mainit na balita, nakataas ngayon ang Red Heavy Rainfall Warning
08:31sa ilang bahagi ng Luzon.
08:32Ayon sa pag-asa, apektado ang bataan at ilang panig ng Zambales,
08:37Cavite, Batangas, Tarlac, Pampanga at Bulacan.
08:41Asahan po ang matinding pagbaha.
08:43May matinding bantarin ng pagguho ng lupa sa gita ng matitinding ulan.
08:47Mayiging sundin ang agad ng mga otoridad kung kayo ay pinililikas na.
08:53Orange Rainfall Warning naman dito sa Metro Manila
08:56at ilang pang bahagi ng Zambales, Cavite, Batangas, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Laguna at Rizal.
09:03Nagbabadya o patuloy ang pagbahasa ng mabababang lugar at malapit sa daloy ng tubig.
09:08May bantarin ang pagguho ng lupa.
09:10Nasa Yellow Rainfall Warning naman ang ilang panig ng Nueva Ecija,
09:14Rizal, Laguna, Bulacan at Batangas.
09:17Pusibli po ang pagbaha sa mabababang lugar at malapit sa daloy ng tubig sa gita ng malalakas na ulan.
09:23Tatagal ang Red, Orange at Yellow Rainfall Warnings hanggang alas 2 mamayang hapon.
09:31Samantala, walang klase sa lahat ng antas sa buong Zambuanga City ngayong araw
09:35para ipagluksa ang dalawang estudyante na matay sa pamamaril sa isang eskwelahan doon.
09:40Namatay ang isang grade 10 student at ang namaril na grade 8 student.
09:45Bukod sa kanila, may 6 na estudyante pang sugatan.
09:48Ayon sa Bureau of Customs, ang isa sa mga baril na ginamit ng namaril ay service firearm ng kanyang ama
09:55na Customs Police ng Port of Zambuanga.
09:58Sinibak na po siya sa pwesto.
10:00Sa panayam ng unang balita sa unang hirit, sinabi ni Zambuanga City Mayor Caimer Adan Olaso
10:05na patuloy ang embesikasyon sa motibo sa pamamaril.
10:09Panawagan din niya sa publiko na maging sensitibo sa nangyari
10:12at huwag nang magpakalat pa ng maling impormasyon.
10:16Umapali rin siya ng tulong sa national government.
10:19Nauna nang iniutos ni Pangulong Bumbo Marcos ang masusing embesikasyon sa pamamaril.
10:32Kaya nga sabi ko, we need the help of the national government for this.
10:36The government, especially the national government, to step up immediately.
10:42Kailangan talaga, kasi nangyari na last time sa ibang lugar, parang Tacloba.
10:45Nangyari na naman dito sa Zambuanga.
10:47So, we cannot let this happen anymore.
10:52Suspicious o kahinahinala para sa Office of the Ombudsman
10:55ang matagal na pag-ali sa bansa ng mag-inang Sen. Loren Ligarda
10:59at Patangas First District Representative Leandro Liviste.
11:02Ayon kay assistant Ombudsman Mico Clavano,
11:05nakakuha sila ng kopya ng Travel Authority ni Liviste
11:08kung saan nakasaad na nakalive siya mula July 26 hanggang September 24.
11:14Pina-extend naman ni Ligarda ang kanyang medical leave.
11:16Ina-imbestigahan ng Ombudsman ang mag-inang Ligarda at Liviste
11:20para sa mga reklamong plunder at graft.
11:23Kaugna yan sa umunay sa buatan para makakuha ng prangkisa at kontrata
11:27ang solar company ni Liviste.
11:29Ayon kay Clavano, hilingin nila nakanselahin ang mga passport ni Ligarda at Liviste
11:34kung may sapat na basihan para gawin ito.
12:00Sinabi ni Ligarda sa isang pahayag na sumunod siya sa mga patakaran ng Senado
12:04nang maghahe ng medical leave, anya hindi dapat siya akusahan
12:08dahil lang sa paggamit ng isang karapatang kinikilala ng batas.
12:12Wala raw siyang ginagawang anumang paglabag.
12:14Wala pang bagong pahayag si Liviste tungkol sa pagalis niya sa bansa.
12:19Dati nang sinabi ng kongresista na walang basihan ng mga ligasyon
12:22tungkol sa kanyang solar company.
Comments

Recommended