00:02Nagtutulungan ang Metropolitan Manila Development Authority o MMDA at Department of Public Works and Highways o DPWH sa pagtataguyod na
00:11mga strategic infrastructure and engineering interventions upang resolvahin ang mga malubhang pagbaha at trapiko sa Metro Manila.
00:19Kasama sa mga pangunahing akbang ang pagpapatayo ng nasa 30 hanggang 39 na underground water cisterns at impounding areas sa
00:27mga strategic areas tulad ng UP Sunken Garden at paligid ng UST.
00:32Binigyang DE ni MMDA General Manager Nicolas Torre III na nakatutulong ng malaki ang mga cisterns na ito upang imbaki
00:40ng labis na ulan at maiwasan ang pag-apaw ng mga daluyan ng tubig.
00:44Bagamat may mga hamon sa private property rights at right of way, nananatiling kumpiyansa ang pamunuan sa patuloy na pakikipag
00:52-usap sa mga stakeholder.
00:54Binigyan din pa ni GM Torre na kinakailangan ng patuloy na pag-angkop ng mga infrastruktura sa kasalukuyang pangangailangan, bunsod
01:02na rin ang pagbabago ng panahon.
01:04Hindi naman perfect ang lahat ng engineering interventions natin. So there are things na at the end of the day,
01:11pag na-find out na, oh, siguro nang dinisign ito noon, ang situation is ganito.
01:19Kaya lang, numatapos siya, baka nagbago na ang situation at there may be another facility that needs to be constructed
01:26or baka siya kailang i-remove na para mas angkop sa current situation.
01:32Sa usapin naman ng kalsada, patuloy na lumalampas sa kapasidad ang EDSA na kasalukuyang pinapadaluyan ng humigit-kumulang 475,000
01:41na sasakyan araw-araw.
01:43Upang maibsan ang pagsisikip ng daloy ng trapiko, nagsasagawa na ang ahensya ng mga adopted traffic management schemes,
01:50pag-aayos ng bike lanes at paglalagay ng mga sheltered layover area sa ilalim ng mga flyover para sa mga
01:57motorsiklo.
01:57We want to be more equitable and make sure that all road users are given their equitable space on the
02:05use of the road.
02:06Kasabay nito, ipinapanawagan din ang mas mahigpit na waste segregation, recycling at composting bilang katuwang ng waste-to-energy schemes
02:14upang mabawasan ang basurang nagpapalala sa pagbaha.
02:17Ipinahayag din ang MMDA na mahalagang matugunan ang problema sa vehicular exhaust upang mapabuti ang air quality index at kalidad
02:26ng pamumuhay sa buong kalakhang Maynila.
02:29JM Thompson, Para sa Bayan
Comments