00:00Mga kapuso, tatlong bagyo ang nakapaligid sa bansa. Base po yan sa monitoring ng pag-asa.
00:06Isa po sa mga yan ang papasok sa Philippine Area of Responsibility, anumang sandali ngayon, at hahatat ng habagat.
00:13Kaninang alas 8 na mataan ng pag-asa ang pinakamalakas sa tatlong bagyo.
00:18Ang typhoon na may international name na Saudel, 1,540 kilometers east-northeast ng extreme northern Luzon.
00:25Ang nasabing bagyo po ay papasok sa PAR at tatawagin sa local name na Obet.
00:30Posible itong maging super typhoon ayon sa pag-asa.
00:34Sa kabila po yan, walang magiging direktang epekto sa lagay ng ating panahon ang nasabing bagyo.
00:39Pero hahatakin po nito ang habagat sa mga susunod na araw.
00:43Lumakas naman na bilang tropical storm at may international name na Atsani.
00:47Ang bagyong namataan, 1,325 kilometers, silangan ng southeastern Luzon.
00:52May chance na rin itong pumasok sandali sa PAR at agad na lalabas.
00:57Ang dati namang bagyong neneng na naging low pressure area, muling lumakas bilang tropical depression.
01:03Namataan po yan, 505 kilometers north-northwest ng Itbay at Matanes.
01:08Sa mga susunod na oras, posibleng humina ng muli ang nasabing bagyo.
01:12Ngayong lunes, habagat ang magpapaulan sa northern at central Luzon.
01:17Kasama tayo rito sa Metro Manila, Cavite, Batangas at Rizal.
01:21Mga local thunderstorm naman, ang higit na maasahan sa natitirang bahagi ng bansa.