00:00Parawagan ng isang opisyal sa Alabel Sarangani na suriin
00:04ang mga ritual ng mga katutubong grupo na pwede nilang ikapahamak.
00:08Kasunod po yan ang insidente roon kung saan dalawang magsakaang nalunod
00:12habang sinasagawa ang isang tradisyon para resolbahin ang alitan sana sa lupa.
00:18Babala, sensitibo ang inyong mapapanood na video.
00:22May unang balita si John Consulta.
00:35Sabay na lumubog sa glamang river sa Alabel Sarangani,
00:38ang dalawang lalaking itok, nagpatagalan sila sa magpigil ng hininga sa ilalim ng tubig.
00:44Marami ang nanood at nag-abang sa unang aahon.
00:47Tabla, tabla, tabla, tabla.
00:51Pero nang iahon sila, nadiscovering wala na silang buhay.
01:04Sinubukan silang buhati ng mga residente, ang isa sa mga biktima.
01:08Kinalong na ng babaeng di mapigil sa pag-iyak.
01:16Isinugod sila sa ospital, pero indiklarang dead on arrival ang biktimang senior citizen.
01:22Nasa huwi rin kalaunan ang isa pa.
01:24Ayon sa pulisya, magkasakang katutubo ang mga biktima na kabilang sa grupong taga-kaulo.
01:30May alitan umuno ang dalawa sa lupa.
01:32Pero dahil hindi ito na ayon sa barangay,
01:34iibdinaan na lang nila ito sa kanilang ritual na sulif o trial by ordeal.
01:39Sa ilalim ng ritual, nagpatagalan sila na magpigil ng hininga sa ilalim ng tubig.
01:44Tinatayang labing dalawa minuto silang nakalubog sa ilog.
01:47Nagsasagawa na ng imbisigasyon ang pulisya.
01:49Ayon sa isang pag-aaral, ang ritual ng sulif ay nagpapakita.
01:53Nang paniniwalang ang kalikasan mismo, tubig o dagat,
01:56ang nagpapasya kung sino ang tunay na nagkasala.
02:00Sa isang pahayag, nakiramay ang presidente ng Sarangani Ivy Professionals Association
02:05sa pamilya ng mga nasawi.
02:07Anya, ang sulif ay parte ng tradisyon ng mga nasa Blaan Indigenous Community
02:11para maayos ang mga dipagkakaunawaan at magkaroon ng kapayapaan.
02:15Ang mga Blaan ay may kapareang kultura at tradisyon ng mga tagakaulo.
02:20Nire-respete raw nila ang tradisyon, pero nawawala raw ang kabuluhan nito kapag may binawian ng buhay.
02:26Naniniwala raw siya na dapat umayon pa rin ang kultura sa patas.
02:31Nananawagan naman ang isang municipal councillor ng Bayan ng Alabel sa mga tribal chifteen
02:36at iba pang ahensyang may kinalaman sa IPs na masuri ang mga kaugaliang posibleng ikapahamak ng mga katutubo.
02:42Ito ang unang balita, John Consulta, GMA News.