00:00Pinayagan ng Sandigan Bayan 5th Division si Sen. Jingoy Estrada na makalabas ng New Quezon City Jail sa miyerkules para
00:08makapagpa-x-ray sa tuhod.
00:10Alas 11 ng umaga pupunta sa isang privadong ospital sa San Juan si Estrada.
00:16Alinsunod sa inilabas na resolusyon ng Korte, sasamahan siya ng mga security escort.
00:22Pwede rin sumama ang kanyang immediate family, legal counsel at attending medical personnel.
00:27Sabi pa ng Korte, si Estrada ang dapat gumastos sa kanyang hospital bill at iba pang bayarin.
00:35Bawal ang anumang larawan, video at pagpo-post sa social media ng gagawing procedure.
00:41Pagkatapos, dapat bumalik si Estrada sa New Quezon City Jail ng alas 3 ng hapon kung saan siya i-detain
00:49para sa kasong plunder at graft kaugnay sa maanumalya umanong flood control project kickbacks.
00:59Pagkatapos.