00:02Nagsagawa ng Aerial Inspection si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga binahang lugar sa Bulacan at Pampanga kasama si
00:08Public Works Secretary Vince Dizon.
00:10Dito nakita niya ang lawak ng pinsalang iniwan ng mga nagdaang bagyo at pinalakas na hawagat.
00:15Ang problema, kitang-kita, syempre alam naman natin na marami sa halibawa sa Bulacan na mga flood control na hindi
00:23naman nagawa kaya nagkakaganto.
00:26Ngunit kailangan din natin maunawaan na hindi lang dahil sa problema ng flood control project kung hindi pati na sa
00:35lakas talaga ng ulan na hindi pa natin nakita sa kasaysayan ng Pilipinas.
00:41Ito ay ang naging resulta ng climate change.
00:46At para mas alamin ang sitwasyon ng mga lugar sa gitnang Luzon, pinangunahan ng Pangulo ang isang situation briefing sa
00:52Kapitulyo ng Pampanga.
00:53Nakipagpulong siya kasama ang mga lokal na pamahalaan ng Region 3.
00:57Preset din ang mga miyembro ng kanyang gabinete na nagbigay ng update sa mga naging pagtugon ng gobyerno sa lugar.
01:03Inilatag din ni Pangulong Marcos Jr. ang mga pangmatagalang solusyon sa baha gaya ng pagtatayo ng mga Sabo River Dam
01:09na makatutulong para mabawasan ang bilis ng pagbaba ng tubig mula sa mga kabundukan ng Sierra Madre
01:14at mga karating na probinsya at magamit din ang may ipong tubig para sa household at agricultural use.
01:20Mayroon din anyang road dike na itatayo sa mga lugar malapit sa Manila Bay para maharang ang pagpasok ng tubig
01:25mula rito.
01:26Sabi pa ng Pangulo, patuloy ang pagbibigay ng pangunahing pangangailangan ng mga apektadong residente.
01:32I'm satisfied that yung immediate needs ng tao, yung kanilang pagkain, yung kanilang shelter, yung healthcare na dala ng pamahalaan
01:44ng national government ay nandyan lahat.
01:46Hindi naman tayo nauubusan ng gamit, hindi naman tayo nauubusan ng tulong, at patuloy yan hanggat nangangailangan yung tao, yung
01:55ipigyan natin silang lahat ng mga kanilang pangangailangan.
01:58Ayon kay DPWH Secretary Vince Dizo, nakatutok sila ngayon sa pagsasayos ng mga nakatinggang pumping stations at flood control projects
02:06na putol-putol at nasira noong bumaha.
02:08Magsisimula na tayo itong mga susunod na buwan kasi in the process pa na kinukuha pa yung mga clearances sa
02:15Commission on Audit dahil nga subject na mga investigasyon to.
02:19Pero no cost to government yun, kaya gawin yung lahat. I don't think lumampas na yung warranty periods niya.
02:26Umaasa naman si Pampanga Governor Lilia Pineda na sa pagbisita ng Pangulo ay mabibigyang pansin na at unti-unti nang
02:32matutugunan ang matagal ng problema ng baha sa lalawigan.
02:35Nananawagan ako sa ating mga kababayan hanggang ngayon, lubok, na talagang hindi bumababay ang tubig.
02:42Nagpunta po si President Marcos Tito at talagang binigyan naman tayo ng pag-asa. Ang gusto niya ay yung long
02:48-term plan.
02:49Sabi ng Pangulo, patuloy niyang imomonitor ang sitwasyon ng mga apektadong lugar sa Central Luzon at gagawin niya ng pamahalaan
02:56ang lahat para maibsan ang epekto ng malalakas na pag-ulan at pagbaha.
03:00Mula sa San Fernando, Pampanga, Carlo Candelaria para sa Bayo.
Comments