Skip to playerSkip to main content
BABALA: Sensitibong balita. Maging disente sa pagkomento. 


Nabisto ang isang lalaki na namboboso sa kaniyang babaeng katrabaho.


Ang gamit niya, spy camera na hitsura umanong ballpen.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nabisto ang isang lalaki na namboboso sa kanyang babaeng katrabaho.
00:06Ang gamit niya, spy camera, may tsura umanong ballpen.
00:11Nakatutok si Jomer Apresto.
00:17Tila nagvavlog sa loob ng CR ang lalaking niya na nasa video.
00:21Pero ang lalaki, nagsiset up pala ng spy camera
00:24para umanong makapamboso sa kanyang babaeng katrabaho
00:27na tumutuloy sa kanilang staff house sa Malate, Maynila.
00:30Ayon sa admin ng staff house, naliligo ang isa nilang katrabahong babae
00:34nang mapansin ang isang hugis ballpen na nakaipit sa gilid ng inidoro.
00:38Nang inspeksyon ni nila, nakita na may memory card sa loob ng ballpen.
00:43Kaya tinignan daw nila sa computer.
00:45Doon na nakita ang dalawang babae nilang katrabaho
00:47na nakuhanan sa video habang naliligo.
00:50Agad din namang natukoy ng mga empleyado kung sino ang suspect
00:53dahil makikita siya sa video habang sineset up ang spy cam.
00:57Sa pagkakilala ko po sa kanya, mabait po siya.
01:00Kaya hindi po namin siya nakitaan na parang may red flag na
01:04parang gagawin sa amin yun.
01:06Bali, mag-eight months lang po siya sa amin.
01:08Yung totoo po talaga, yung trauma nila, yung stress.
01:12Kasi sa sarili na nakita nila yung sarili nila.
01:15Hindi nila talaga isipin na may magbibidyo, may gagawa sa kanila.
01:20Agad namang isinumbong sa otoridad ang suspect na mabilis ding naaresto.
01:24Ayon sa barangay, may posibilidad na dati nang ginagawa ng suspect ang pambuboso
01:28pero ngayon lang siya nahuli ng mga katrabaho.
01:31Malamang ko na matagal niyo nang ginagamit yun.
01:35Nakakabit dun sa CR na yun.
01:40Na-inquest na kahapon ang suspect.
01:42Ayon sa polisya, iniimbestigahan na nila kung posibleng ibinibenta ba ng suspect online
01:46ang mga naturang video.
01:48Pang-personal niya lang na pong consumption, yun po ang pagkakasabi.
01:53Sinampan po natin siya ng paglabag po sa RA-995
01:56o yung Anti-Photo and Video Buyorism Act of 2009.
02:01Nasa kustodiyan ang Malate Police Station ng suspect na tumanggi magbigay ng pahayag.
02:06Sa korte na lang po.
02:07Jomer Apresto Nakatuto, 24 oras.
02:13Para maiwasan ang ganyang insidente, narito po ang ilang paalala.
02:19Ang sabi ng isang US-based cyber safety software company.
02:24Suriin ang paligid lalo na mga pader, mga sasakyan at iba pang bahagi ng silig.
02:29Sipatin din kung merong LED lights ay maliliit na ilaw sa kwarto.
02:35At gumamit din ang flashlight habang tinitignan ang mga maaaring pwedeng pagtaguan ng spy camera.
02:42Ilang pa sa mga posibleng pinagtataguan ng spy camera ay mga ilaw, appliances, salamin, pati mga dekorasyon.
02:52Pwede rin itest kung totoong salamin ba ang nasa silig.
02:56Ganito, idikit ang daliri sa salamin.
02:59At kung may makikitang gap o puwang sa pagitan, ibig sabihin ay totoong salamin ito.
03:07Two-way mirror naman ito o yung tagusang nakikita sa kabila.
03:12At posibleng may spy camera kung walang puwang sa pagitan ng daliri.
03:18At ayon sa polisya, maaaring rin gumamit ng smartphone app o professional bug detector para suriin kung may nakakubling camera
03:29sa paligid.
Comments

Recommended