00:00Umakyat na po sa magigit at noong daan at limampu ang patay sa flash flood sa boundary ng Nepal at
00:05ng Tibet sa China.
00:07Kinukumpi ma naman ang gobyerno ng Pilipinas ang impormasyong kadilang ang isang Pilipino sa mahigit isan libong nawawala.
00:14Ating saksiha!
00:20Pinulaga ng rumaragas ang baha at makapal na alikabok ang mga tao sa paligid ng Bote-Koshe River sa Rasuwa
00:28District sa Nepal umaga kahapon.
00:32Nasaksihan din mula sa malayo ang dumadagundong na diluvium na minsala sa lahat ng dinaanan nito.
00:42Tulad ng mga tulay na binali at inanod ng mabilis na daloy ng tubig.
00:53Ang mga tao sa border crossing sa bahagi ng Girong sa Tibet, China nagtakbuhan pero inabutan pa rin ang magkahalong
01:01putik at baha.
01:04Maging ang mga sasakyan at struktura, animo yung mga laroang tinangay ng mudslide.
01:12Mula sa ere, kita ang pagagos ng putik at baha sa mga ilog sa Himalayan border.
01:19Sa kapal ng putik, nagkulay abo ang mga puno at musali.
01:24Ang tindi ng pinsala, kita rin mula sa satellite sa kalawakan.
01:30Ang dating luntiang kapaligiran sa Nepalese Mountain Valley, nagkulay lupa at putik kasunod ng flash flood.
01:38Mahigit limampu ang nasagit mula sa mga apektadong lugar.
01:43Marami rin dinala sa ospital mula sa mga tinamong pinsala sa katawan.
01:48Dahil puno ng mga putik at debris ang mga daan, gumamit ng helicopter para sa rescue operations at paghahatid ng
01:57tulong sa mga apektado.
01:59Maraming dumagsa sa mga ospital at tanggapan ng pulisya dahil sa pag-aalala sa mga nawawala nilang kaanak.
02:07Sa ngayon, nasa 1,500 ang hinahanap pa rin. Mahigit kalahati sa kanila ay mga dayuhan.
02:16Kabilang dito ang isang Pilipino, ayon sa Nepal Tourism Board, binibiripika pa ng gobyerno ng Pilipinas ang naturang impormasyon.
02:25Ang babae ho ba yan? Reported o lalaki?
02:27Wala pong indication if it's a male or a female.
02:31We presume that dahil po galing po yung datos po sa Nepal Tourism Board, that the person is a tourist
02:39there.
02:39Nakikipag-coordinate na ang pamahalaan sa Nepalese authorities and with the Filipino community to determine if there are Filipinos affected
02:47by the incident.
02:48Sa inisyal na impormasyon ng mga otoridad sa Nepal kahapon, lindol ang sanhinang flash flood.
02:54Pero ayon sa U.S. Geological Survey, ang inakalang lindol ay posibleng ang seismic energy o pag-alaw dahil sa
03:03paguho ng mga bato at yelo ng glacier na sinunda ng pagragasa ng mga debris.
03:09Ayon sa mga ulat, may gumuho at bumagsak na glacier mula sa bulubundukin ng Himalayas.
03:15Bumulusok ang avalanche ng yelo at bato sa Lendekola River na siyang nagdulot ng pagragasa ng baha at mga debris
03:24sa pagitan ng Nepal at Tibet.
03:27Kasama sa dinaanan nito ang Girong Port kung saan dumaraan ang mga tumatawid sa border ng Nepal at China.
03:35Nagpaabot naman ang pakikiramay si Pangulong Bongbong Marcos sa mga apektado at naulila sa flash flood.
03:42Nagpadala na ng tulong ang iba't ibang bansa at organisasyon para sa patuloy na search, rescue at humanitarian operation.
03:51Ako si Tina Panganiban Perez, ang inyong saksi.