Isang low pressure area sa loob ng Philippine Area of Responsibility ang mino-monitor ngayon ng PAGASA. Posible raw nitong palakasin ang Habagat na nagpapaulan ngayon sa maraming lugar sa bansa.

Pero noong nakaraang linggo, tatlong bagyo ang sabay-sabay pumalibot sa PAR, ang mga bagyong Neneng, Obet, at ang tropical depression na may international name na “Atsani.”

Bakit nga ba nagkakasabay-sabay minsan ang mga bagyo? Alamin sa explainer na ito ni Amor Larrosa.
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews

Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app. Download now on Google Play and App Store. Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!

GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.

For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AgI_UbY4C1GhwFZ5CQL3N5c

For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanew
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sa gitna na nagpapatuloy na habagat season,
00:03tatlong bagyo ang sabay-sabay na pumalibot
00:05sa Philippine Area of Responsibility
00:07mula po August 22 hanggang 24.
00:10Sa hilagang kanluran,
00:12makikita ang dating bagyong neneng
00:14na matapos humina at lumabas ng PAR
00:17ay muling naging isang tropical depression
00:19na may international name na Gainari.
00:23Ang bagyong obet naman sa silangan
00:25pumasok sa Philippine Area of Responsibility
00:28pasado alauna ng hapon ng August 24
00:30pero lumabas din ang kinagabihan.
00:33Sa bandang iba ba ng bagyong obet,
00:36may isa pang bagyo,
00:37ang tropical depression na may international name na Atchani.
00:41Hindi na bago ang ganito sa Pilipinas.
00:44Noong July 2025,
00:45agad nasundan ang bagyong krising
00:47ng dalawang bagyong halos sabay ring pumasok sa PAR,
00:51ang bagyong Dante at bagyong Emong.
00:55Habang noong September 2025,
00:57sunod-sunod na nanalasa ang mga bagyong Mirasol,
01:00Super Typhoon Nando,
01:02at ang bagyong Opo.
01:06Bakit may mga pagkakataong nagkakasabay-sabay
01:09o nagkakasunod-sunod ang mga bagyong sa Pilipinas?
01:13Ayon sa pag-asa,
01:15humigit kumulang 20 bagyong average
01:17ang dumadaan sa Philippine Area of Responsibility
01:20kada taon na may kinalaman daw dyan
01:23ang lokasyon ng ating bansa.
01:24Ang Pilipinas kasi ay nasa bahagi
01:28ng Western North Pacific Ocean
01:29na itinuturing na Most Active Tropical Cyclone Basin.
01:35Dahil malawak ang Western North Pacific Ocean
01:37at dito madalas mas mainit ang tubig sa karagatan,
01:41mas maraming bagyong ang nabubuo sa ibat-ibang bahagi nito.
01:45Sa datos ng pag-asa,
01:47aabot sa mahigit 200 ang mga bagyong nabubuo
01:50sa bahagin ito ng karagatan
01:52kada 10 taon.
01:54Mula sa Pacific Ocean,
01:56ilan sa mga bagyong ito
01:57ang kumikilos pa kanluran,
01:59kaya ilan sa mga yan
02:00pumapasok sa Philippine Area of Responsibility.
02:05Ayon kay pag-asa Climate Monitoring and Prediction Section Chief
02:09Annalisa Solis,
02:10dahil nasa tropics ang Pilipinas,
02:12malapit tayo sa Intertropical Convergence Zone o ITCZ,
02:16kung saan pusibling mabuo
02:18ang mga low-pressure area
02:20na pusibling lumakas at maging bagyo.
02:22Kasi yung ITCZ natin ito
02:25ay series na mga low-pressure system
02:27that could act as breeding places
02:29ng ating mga bagyo.
02:30Ang ITCZ ay ang bahagi
02:33kung saan nagtatagpo ang hangin
02:35mula sa Northern Hemisphere
02:36at Southern Hemisphere.
02:38Nangyayari ito sa bahagi ng mundong
02:40malapit sa equator
02:42na pinaka nasisikatan din ang araw.
02:45Dahil dito,
02:46naiipon at umaakyat ang mainit
02:48at mamasamas ang hangin
02:50na maaring humantong
02:51sa pagkakabuo ng mga ulap
02:53na magdadala ng mga pagulan.
02:56Paliwanag ni Solis,
02:57kapag panahon ng habagat,
02:59madalas hindi nagla-landfall sa Pilipinas
03:02ang mga bagyong nabubuo
03:03sa Western North Pacific Ocean
03:05dahil nasa hilagang bahagi ang ITCZ.
03:09Pero nagdadala pa rin ito
03:10ng pagulan sa bansa
03:11dahil napalalakas ng bagyo
03:13ang warm and moist na hangin
03:15mula sa Southwest
03:16na nagdadala rin ng mga pagulan.
03:19Mas naandito naman
03:20yung mga pag-init,
03:22yung temperaturan
03:22at yung Westerlies
03:23dito sa my Indian Ocean.
03:26Doon ang gagaling
03:26yung ating moisture,
03:28yung tinatawag na monsoon.
03:30So yun yung nagdidigta naman
03:31ang ating pagbibigay
03:33ng maraming ulam
03:33sa panahon ng habagat.
03:36Dahil sa lokasyon
03:37ng ating bansa,
03:38tayo ang kadalasang
03:39unang sumasalo
03:40ng mga bagyo
03:40sa Pacific Ocean.
03:42Malaking pinsala
03:43ang kakambal
03:44ng sunod-sunod
03:45o sabay-sabay
03:46ng mga bagyo
03:46dahil sa lakas ng hangin
03:48at dami ng ulan
03:49na nararanasan din natin
03:51sa loob
03:51ng magkakasunod na araw.
03:53Kaya mahalaga
03:54ang maagap na paghahanda
03:55hindi lang
03:56ng bawat Pilipino,
03:57kundi lalot higit
03:58ng pamahalaan
03:59para maiwasan
04:01ang malawakang pinsala
04:02at pagkawala ng buhay
04:04dahil sa mga bagyo.
04:05Ako po si Amor La Rosa
04:07para sa GMA News.

Recommended