Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:01Mga kapuso, kung kailan po long weekend, saka naman naranasan ang maulang panahon sa maraming lugar sa Luzon at dahil
00:09po yan sa habagat.
00:10Sa Commonwealth Avenue sa Quezon City, nag zero visibility ng bumuhos ang ulan kaninang tanghali.
00:16Hanggang gater na baha ang sumalubong sa ilang motorista sa Elliptical Road.
00:21Abot tuhod naman ang baha sa Edsa Balintawang.
00:24Ngayon din sa ilang bahagi ng boundary ng Caloacan at Maynila kung saan nagbangkana ang ilang residente.
00:32Nakataas na ang heavy rainfall warning sa ilang lugar at red warning naman sa Metro Manila, Zambales, Tarlac, Pampanga, Bataan,
00:41Bulacan, Rizal, Cavite at ilang bahagi ng Batangas at Occidental Mindoro.
00:46Iraasahan ang matitinding pagbaha sa mga flood-prone areas.
00:49Orange warning level naman sa Pangasinan at ibang pambahagi ng Occidental Mindoro, Batangas, Laguna at Nueva Ecija.
00:57Yellow warning level sa Quezon at ibang bahagi ng Batangas.
01:02Batay po sa heavy rainfall outlook ng pag-asa, posibili rin ang malalakas na ulan bukas sa Ilocos Sur, Pangasinan,
01:09La Union, Benguet, Bataan, Zambales, Tarlac at Pampanga.
01:14Gayun din sa Ilocos Norte, Abra, Apayao, Kalinga, Ifugao, Mountain Province, Nueva Vizcaya, Nueva Ecija, Bulacan, Metro Manila, Rizal, Cavite,
01:24Laguna, Batangas, Occidental Mindoro at Oriental Mindoro.
01:28Maulang hapon po, sabado o sarado po, sa trafico ang isang tulay sa Tarlac City matapos bumagsak.
01:36Ang isang bahagi nito sa gitna ng matinding ulan at ragasan ng Tarlac River.
01:40Sa Pangasinan, pitong lugar na ang nagdeklara ng State of Calamity kasunod ng mga pagulan.
01:46Ang latest sa Norte sa live na pagtuto, ni Sandy Salvasio ng GMA Regional TV.
01:52Sandy.
01:54Pia Ivana ayon sa Tarlac PDRRMO bandang alas 7 parao kagabi na mapansin nila itong bahagyang pagbaba ng portion ng
02:02Aquino Bridge.
02:03Kaya naman agad na nagsagawa ng assessment ang lokal na pamahalaan hanggang sa nito nga alas 9 ng gabi ay
02:09tuluyan na itong isinara sa mga motorista dahil lubhan na itong delikado na daanan hanggang sa tuluyan na nga bumagsak
02:15ang tulay makalipas lang ang ilang oras.
02:21Habang maulan at malakas ang agos ng Tarlac River, bago maghating gabi,
02:27biglang bumaklas at bumagsak ang bahagi ng Aquino Bridge.
02:31Isinara sa trapiko ang tulay.
02:32Inabisuhan ng mga otoridad ang mga motorista na humanap ng alternatibong ruta.
02:37Ngayong tanghali, nag-inspeksyon si DPWH Secretary Vince Dizon sa nasirang tulay na 1980 ititinayo at may habang 60 metro.
02:45Ang unang gagawin natin, kagangan natin gawin pa sa bawit itong bridge nito kasi critical ito para sa mga kababayan
02:50natin doon.
02:51Kababayan natin dito, ang problema, hindi tayo makakatrabaho hanggang ganito kaki yung ilo.
02:56So once na humupa na yung ilo, magsisimula na tayo.
03:00Bukod sa Aquino Bridge, nakitaan ng ilang bitak sa kongkreto at sinkhole sa bahagi ng barangay Kutkut.
03:06Sa Dagupan City, ilang barangay ang binahana naman.
03:09Kaya problemado ang mga tricycle driver gaya ni Jaime sa barangay Mayombo.
03:13Nga, nung oras na, wala pang binahana.
03:16Alam nyo naman itong baha, kaya mayro't. Mayro't talaga ang kasada nyo.
03:21Sa Kalasyao, Pangasinan, ang mga humuhupa ng baha muling tumaas dahil sa walang tigil na ulan.
03:26Gaya sa barangay Talibao, kung saan halos baywang na raw ang tubig sa ilang sityo.
03:31Si Nanay Josie, muling itinaas ang mga gamit sa bahay.
03:35Tataas na naman kasi malita namin magbabawas na naman yung dam.
03:39Eh, dito ang magsag. Kaya yun. Kaya nga natatakot na kami.
03:44Sa tala ng Kalasyao MDRRMO, nasa 8.2 feet above critical level ang Marusay River.
03:49Pinagahanda na para sa posibleng paglikas ang mga maaapektohang residente.
03:54Pinabantayan pa rin po natin ang barangay Talibao, Lungos, Lumbang, portion of Lasek, at saka portion of Mankop.
04:00Dahil itong mga barangay na ito po ay yung mga naitala natin na nagkaroon ng pinakamataas na level ng tubig
04:06na baha.
04:08Nag-mistulang ilog naman ang kalsadang ito sa barangay Bungalon sa Labrador, Pangasinan.
04:13Dahil sa tuloy-tuloy na ulan, hirap tuloy makadaan ang mga sasakyan.
04:18Binahari ng ilang lugar sa bayan ng Aguilar.
04:20Nagpatupad ng preemptive evacuation ang otoridad.
04:23Nag-install din ng lifeline rope sa mga binahang barangay roads upang may makapitan ang mga tumatawid na residente kung
04:29sakaling rumagasa ang tubig.
04:31Patuli rin ang rescue operation sa mga residenteng apektado ng pagbaha sa bayan ng Agno.
04:36Pitong lugar na sa Pangasinan ang nagdeklara ng State of Calamity.
04:40Dumagdag ang mga bayan ng Infanta at Linggayen.
04:43Nasa blue alert naman ang Pangasinan PDRRMO at nananatiling nakabantay sa mga flooded at landslide prone area sa probinsya.
04:50For the flooded areas, mayroon pa po tayong walo na mga barangay.
04:56And mayroon din mga nire-report na reseeding.
05:01Ito ay nasa 57 naman na mga barangay.
05:04Sa Bontoc Mountain Province, hindi madaanan ang bahagi ng Baguio-Bontoc Road dahil sa pagguho ng mga tipak ng bato
05:11bunsod ng pagulan.
05:12Mahigit sa nlibong barangay, sa Cordillera ang may posibilidad na makaranas ng baha at landslide.
05:17Base sa 72-hour forecast ng Mines and Geosciences Bureau.
05:21Kaya nananatiling nakataas sa blue alert ang Emergency Operations Center ng RDRRMC Cordillera.
05:27Ayon sa pag-asa, may chance ang makaranas ng pagulan sa Benguet at Baguio City.
05:31Ang forecast kasi ng pag-asa ngayong araw hanggang bukas, 100-200mm.
05:37Parang pagina, orange color yun.
05:39Maaring humiina pero may ulan pa rin tayong inaasahan.
05:48Pia Ivan, maulan pa rin ang panahon dito sa barangay Kutkut dito sa Tarlac City.
05:52At patuloy din ang malakas na pagragasa nitong Tarlac River.
05:55Kaya naman, full force at nakatutok ngayon ang city at provincial offices para sa posibli pang epekto nitong tuloy-tuloy
06:02na pagulan.
06:03At sa pag-subaybay din natin kanina sa daloy ng trafico dito sa kanilang lugar,
06:07ay wala naman tayong napansin na heavy traffic bagamat isinara itong Aquino Bridge at portions nitong kalsada
06:13para magbigay daan sa mga heavy equipment na magtatambak dito sa natiskubre na sinkhole.
06:18At sa ngayon ay under observation at nilagyan na rin ng barikada ang 10 metro na bahagi ng daanan
06:24sa di kalayuan lang nitong tuloy na kung saan may nakita nga cracks at sira ng lumitaw itong sinasabi natin
06:32na sinkhole.
06:33Pia Ivan.
06:34Ingat, maraming salamat. Sandy Salvaso ng GMA Regional TV.
06:38Bumaha na naman sa ilang parte ng Metro Manila dahil sa magdamag na ulang-dala ng habagat.
06:43At sa Quezon City, magit isang daang pamilya ang sapilitang pinalikas.
06:48Nakatutok si Gabriel Gonzalez.
06:53Naging maulan ang magdamag sa iba't ibang lugar o sa Metro Manila dulot ng habagat.
06:59Sa Maynila, panakanaka ang ulan sa Espanya, Quezon Boulevard hanggang makarating ng Taft Avenue.
07:05Katamtamang ulan naman ang naranasan sa UN Avenue at Roas Boulevard, Maynila hanggang makarating ng Pasay.
07:12Wala namang napaulat na baha sa mga nasabing lansangan.
07:14Sa Kaloocan, nagdulot ng Gutter Deep na baha sa Dagat-Dagatan Avenue ang halos tuloy-tuloy ng mga pagulan.
07:22Sa Malabon, nagkaroon ng Gutter Deep na baha sa mababang bahagi ng kalsada sa parangay Maysilo.
07:29Pagdating sa tapat ng Malabon Central Market, abot binti ang baha.
07:34Gutter Deep din ang baha sa isang village sa barangay Apolonyo, Samson, Quezon City.
07:39Bagaman hindi pa masyadong bumubuhos ang ulan, bumaha na rin sa Gumamela Street sa Roas District, Quezon City.
07:46Kaya ang lokal na pamahalaan, kahapon pa lang ay sapilitan ng pinalikas ang mga residenteng nakatira malapit sa mga daluyan
07:53ng tubig sa Roas District, Kamuning at Bahay Toro.
07:57Pero ang ibang residente, hindi muna lumikas para bantayan ang kanilang mga bahay at ang sitwasyon sa lugar.
08:04Sa Roas District Gymnasium at General Rojas Elementary School, nananatili ang nasa 138 pamilya o higit apat na rang individual.
08:15Actually po, pag ganyan talaga, masama ang panahon, nagpapa-force evacuation na kami.
08:20Siyempre, iba na rin yung mas maaga na nagpupunta rito para at least safe po ang lahat.
08:26Ayaw ko na talaga lumusog na hanggang dito.
08:29Kaya kahapon, natuwa ko na maga sila nga nagpalikas dahil hindi kami nabasa.
08:37Dakong alas 9 kagabi, nagpakawala ng tubig ang Ipo Dam sa North Agaray, Bulacan.
08:42Matapos umabot sa 100.83 meters ang level ng dam reservoir.
08:48Binuksan ang radial gate A ng 15 centimeters na nagpakawala ng tinatayang 35 cubic meters per second ng tubig.
08:55Nakabantay sa sitwasyon ng mga opisyal ng barangay Matiktik.
08:59Ayon sa barangay, lumalakas ng agos at nagiging kulay putik ang tubig sa ilog kapag nagpapakawala ng tubig ang Ipo
09:07Dam.
09:07Pero kampante sila ngayon dahil may efektibo na flood control sa ilog at may early warning device sila.
09:14Wala na po kami dito, yung baha. Wala na po din po yung nililika sa ngayon. Nakatulong po ng malaki
09:20yung flood control.
09:22Gabriel Gonzalez, nakatutok 24 oras.
09:26Walo na ang naitalang patay sa paglubog na isang bangka sa isang lawa sa San Marcelino, Zambales.
09:32Na-recover ang bangkay ng dalawang batang Aita na kabilang sa tatlong nawawala, matapos lubog ang bangka nila noong Webes.
09:38Bula sa Zambales, nakatutok live si Ian Cruz.
09:43Ian.
09:46Ivan, sa kabila nga nung masungit na panahon ay dalawang bangkay ng batang Aita ang narecover ng mga residente at
09:54mga otoridad.
09:55Dito nga sa Lake Mapanuepe sila yung kabilang Ivan.
09:58Doon sa mga nawawalang mga Aita, matapos nga lumubog ang isang bangka dito sa lawa.
10:05Nakalutang na sa Lake Mapanuepe ang bangkay ng isa sa dalawang batang Aita.
10:10Kaya sa pagdaan ng isang bangkero, nakita ito at tuluyang naiahon.
10:15Isa siya sa tatlong nawawalang Aita nang lumubog ang kanilang bangka sa Lake Mapanuepe nitong Webes dahil sa malakas na
10:22hangin at alon.
10:23Batang babae, sir. So, naretrieve nila, sir, hindi nila dito sa buhawan proper, sir.
10:29Pagdating dito, sir, sa buhawan proper, positively in-identify siya, sir, nung relatives na, sir.
10:33Na isa nga dun, sir, sa mga nalunod nung August 27, sir.
10:37Agad nagkasan ang operasyon ng motoridad at kalaunan, nahanap ang isa pang batang Aita na nakalutang na rin sa lawa.
10:46Sinama nila yung bangkero, sir. Doon sa area kung saan nila nakukita yung unang cadaver natin, sir.
10:52Doon din nila nakukuha, malapit lang doon yung pangalawang cadaver natin, sir.
10:56Patuloy ang masungit na panahon dito sa Zambales, panayang malalakas na ulan.
11:00Pero hindi natitinag nito ang mga nagsasagawa ng paghahanap sa ina ng isa sa narecover na bata.
11:06Siya na lang ang hinahanap ngayon.
11:08Gumamit na ng jet ski ang vice mayor at police chief ng San Marcelino
11:12para mapabilis ang paggalugan sa lawa.
11:16Pero sumama ang panahon sa pagitan ng alas dos at alas tres ng hapon.
11:20Kaya itinigil muli ang paghahanap sa ina na buntis pa man din.
11:24Gumigilid kami doon sa mga puno at nabagbabaka sa kalin na ano.
11:31Baka doon siya napadpad. Pero malakas talagang alon.
11:35Tapos yung visibility, kumusta doon kanina?
11:37Talagang nagsisiro visibility siya.
11:40Sa lakas po?
11:41Sa lakas nung ulan.
11:42Walo nang naitalang patay sa paglubog ng bangka.
11:45Ayon sa operator ng lumubog na bangka, walang life vest na suot ang labing tatlong sakay nito.
11:50Isa rin sa iniimbisigahan ay kung overloaded o sobra ang sakay ng bangka.
11:55Yung mga bankero, magkakaroon niya ng mga seminar para aware sila.
12:01In case of emergency, alam nila yung ginagawa nila.
12:08Iban, sa kabila nga ng weather outlook ng pag-asa para bukas, umaasa pa rin yung mga taga dito sa
12:13San Marcelino na kahit pa paano ay bubuti ang panahon para magkaroon sila ng window na maituloy nga yung search
12:20and rescue operation para tuluyang mahanap yung nawawalang buntis na Aita.
12:25Yan ang latest mula rito sa San Marcelino, Sambales. Palik sa'yo, Iban.
12:30Ingat, maraming salamat, Ian Cruz.
12:33Nagbabala ang FIVOX sa posibleng pagdaloy ng lahar sa Bulcang Pinatubo at sa paligid ng Taal Lake.
12:39Dahil po yan sa patuloy na pag-ulang dala ng habagat sa western at central portions ng Luzon.
12:44Ayon sa FIVOX, ang matagal at matinding pagulan ay posibleng magdulot ng lahar o kaya'y muddy stream flow sa
12:52mga ilog sa kanurang bahagi ng Bulcang Pinatubo kung saan naipon ang volcanic deposits na mula pa noong pumuntok ang
12:58bulkan taong 1991.
13:00Posibleng po itong dumaloy sa mga ilog at magdulot ng baha sa Tarlac at Bataan.
13:04Ganyan din sa ilang bayan sa Zambales, particular sa San Marcelino, San Narciso, San Felipe at Botolan.
13:11Ang abo naman na dating ibinugan ang Bulcang Taal na naipon sa paligid ng lawa,
13:16posibleng makaapekto at magdulot ng muddy stream flow sa mga komunidad ng Agoncillo at Laurel sa Batangas.
13:29Ang abo naman na dating ibinugan ang
Comments

Recommended