00:00Patuloy ang paghanap sa apat na nawawala pa ang sakay ng kotse na hulog matapos bumigay ang Agana Bridge dahil
00:08sa lakas ng Agos ng Tarlac River.
00:11Maki-update tayo sa live na pagtutok ni Cindy Salvasio ng GMA Regional TV.
00:17Cindy?
00:21Mel, panawagan ngayon ng mga kaanak ng biktima ang dagdag pwersa para sa mas mabilis na paghahanap sa mga biktima
00:28o sa apat na sakay ng nahulog na kotse dito sa Agana Bridge.
00:32Hanggang ngayon ay wala pa rin kahit anong bakas ng mga biktima bagamat napalayo na ang search area ng mga
00:37otoridad.
00:42Sariwa pa sa alaala ni Jane ang sigaw ng mga sakay ng kotse na hulog sa gumuhong Agana Bridge.
00:47Sa mga oras daw na iyon, mataas at malakas ang Agos ng Tarlac River.
00:51Nagano po sila ng help po, humingi po sila ng rescue. Kahit gusto naman po namin tulong, wala naman po
00:57kami magawa.
00:58Dalawang araw makalipas ang insidente, nagpapatuloy pa rin ang search and rescue operation sa apat na nawawala pang sakay ng
01:04sasakyan.
01:05Isa lamang sa mga sakay ang nakaligtas.
01:07Ayon sa Tarlac PDRRMO, umabot na ang kanilang operasyon sa barangay Santa Cruz na may tinatayang layong aabot sa limang
01:14kilometro mula sa Natibag na Agana Bridge.
01:16Ginamitan na rin po natin ng drone yung paating pagsis-search. Siya pong sumusuyod, magbuat dito hanggang pababa sa downstream
01:23para po maging malawak yung ginagawa nilang search and rescue.
01:29Masakit para kay Luela ang sinapit ng kapatid.
01:31Yung hoping po namin napakalaki pa rin po kasi kahit isa sa kanila po ay hindi pa po nahanap. Ang
01:37naiisip namin ma'am is magkakasama pa rin po sila.
01:40Sinimulan ngayong araw ng Department of Public Works and Highways o DPWH Region 3 ang paggawa ng temporary steel bridge
01:47sa gumuhong Agana Bridge sa Tarlac City.
01:49Ayon sa mga motorista, sana raw ay madaliin ang paggawa ng temporary bridge.
01:53Masusundu ko na po yung angle kung teka-western eh.
01:55Anong dinadaanan niyo papuntang western?
01:59Doon po sa kapas. Mga isang oras may ikit din po.
02:01Dumating na ang mga gagamiting materyales sa tulay kagabi.
02:04Katuwang sa assessment ang combat engineer ng batalyo ng Philippine Army para pag-usapan ang mas praktikal na paggawa ng
02:10temporary bridge.
02:11We don't know the estimates of kailan pa magiging accessible itong mga tulay na ito.
02:16Assessment ng DPWH, gap area lang ang kailangan tayuan ng Bailey Bridge.
02:21Pero ngayon parang meron na mga certain bagong updates na kailangan nila habaan pa.
02:33Mel, sa kinatatayuan ko ngayon dito sa Aquino Bridge ay nagpapatuloy pa rin ang malalimang assessment ng DPWH.
02:39Lalo na may plano rin sila na magpatayo rito ng temporary bridge kasunod lang nitong Agana Bridge.
02:46Ang problema kasi ay may lumitaw rin na cracks at sira dito mismo sa may approach ng tulay.
02:51Nagtanong din tayo sa provincial LGU at sa DPWH tungkol sa underlying cost ng magkasunod na pagguho nitong dalawang tulay.
02:58Pero hanggang ngayon ay under verification pa rin ang mga impormasyong ito.
03:03Mel.
03:03Maraming salamat sa iyo, Sandy Salvaso, ng GMA Regional TV.