24 Oras: (Part 3) Maraming sasakyan, stranded sa NLEX; 4 sakay ng kotseng nahulog sa Tarlac River, hinahanap pa rin; Pangasinan, isinailalim sa state of calamity , atbp


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nalunesa na ang traffic sa North Luzon Expresswayo, Enlex, dahil sa bahang nagsimula pa nitong Sabado.
00:07Ilang oras nang stranded, ang maraming sasakyan doon at may mga naglakad na.
00:12Mula po sa San Fernando, Pampanga, nakatutok live si June Benaresor.
00:17June!
00:21Vicky, hindi lang ubos gasolina at diesel, kundi mauubos din ang pasensya ng mga motoristang dadaan
00:29dito sa bahang bahagi ng North Luzon Expresswayo, Enlex.
00:33Ang mga motorista at pasahero, tinitiis ngayon ang napakahabang pila ng mga sasakyan
00:38na umabot pa sa 7 hanggang 10 kilometro.
00:46Sa drone video na ito, halos walang patid ang pila ng mga sasakyan na ipit sa matinding traffic
00:51sa northbound at southbound lane dahil sa bahasa ilang parte ng North Luzon Expresswayo, Enlex.
00:59Walang magawa kahit ang mga ambulansya.
01:01Paano na kaya kung may mga pasyenteng sakay na kailangang madala agad sa ospital?
01:08Halos walang pinag-iba ang tagpo hanggang hapon, pero ang mga nasa unahan,
01:13pinili ng mag-U-turn na binuksan ng otoridad.
01:16Hanggang alas 4 kasi kanina, tanging malalaking sasakyan lang ang nakatatawid sa baha.
01:23Kaya yung mga kailangang umihi, walang ibang mapuntahan kundi sa gilid-gilid.
01:28Pero mas mahirap ang sitwasyon kung babae ang inabot ng tawag ng kalikasan.
01:33Marami na rin ang napilitang maglakad para makarating sa pinakamalapit na gas station na merong palikuran.
01:40Sa tagal ng hintayan, marami ang nauhaw at nagutom.
01:44Mabuti na lang, biglang naglabasan ang mga nagtitinda.
01:47Sa Enlex sa San Fernando Toll Plaza, southbound entry, mga malalaking sasakyan lang ang pinapapasok.
01:53Kaya halos tumigil din ang traffic sa Jose Abad Santos Avenue sa San Fernando, papasok ng expressway.
02:00Bago mag-alas 6 ng gabi, ang buntot ng heavy traffic sa Enlex southbound, abot na sa San Fernando entry.
02:06Ang sobrang lalala na traffic ay epekto ng pag-apaw ng Pampanga River
02:11na nagpabaha sa bahagi ng San Cebon Interchange at ilalim ng Tulaok Bridge.
02:16Sabi ng pamunuan ng Enlex, sinisikap naman nilang maalis ang tubig.
02:20Ang ginapuha po namin dahil tumalas din po yung tubig,
02:22tinaasal po natin itong mga sunbagging po natin para tuloy-tuloy po yung pump out natin ng tubig.
02:27Tuloy-tuloy po yung pumping out po namin ng tubig.
02:30Gayunman, paliwanag ng mga otoridad kung bakit di maalis-alis ang tubig.
02:34Pumapanik e. Pati yung matataas na lugar nadadamay na.
02:37Kasi nagbabackflow yung tubig dahil hindi nga makalabas sa Manila bay.
02:41So talagang ang San Fernando, nagbabackflow yan dahil hindi na sila makababa.
02:46Dahil puno na yung makabebe masantol, yung mga nasa downstream natin.
02:51Talagang ang San Cebon, lubog lahat e.
02:53Barangay niyan.
02:54Alas ang gambewang din yung tubig.
02:56Tapos, yung tuloy na ginagawa na mababa na nadana ng Enlex,
03:01talagang lubog.
03:02Kahit anong gawing pump ng Enlex, talagang umiikot lang yung tubig.
03:07It's really the volume of water. So right now, napuntahan talaga ang tubig.
03:11Kahit maglagay pa tayo ng mga pumps dyan na pinipilit namin gawin ng nakaraang itong overnight,
03:18since kagabi hanggang ngayon, e kung wala din namang tupuntahan yung tubig,
03:22yung tubig babalik, ganit babalik.
03:25Banda tanghali, pinagbawalan ng dumaan ang mga light vehicle dahil sa baha.
03:31Nangyari na rin ito tatlong taon na nakararaan.
03:33Ang ginawang solusyon, itinaas ang binabahang parte ng Enlex.
03:37Itinaas din ang Tulaok Bridge para hindi sumabit ang matataas na sasakyan.
03:42Pero naulit na naman ngayon ang problema.
03:45Makikipagpulong daw sa Sekretary Vince Nison sa management ng Enlex para humanap ng solusyon.
03:50Kailangan magkaroon tayo ng mga infrastructure na pagdadalhan ng napakadaming tubig
03:57na nanggagaling hindi lamang sa Pampanga River at sa bundok,
04:01kundi nanggagaling na rin sa dagat, sa Manila Bay.
04:05Hindi na pwede yung every year na rin paulit-ulit na rin itong nangyayari.
04:13Vicky, bago mag-alas 6 ng gabi ay pinayagan ng makadaan yung mga SUV sa leftmost lane
04:19sa bandang Tulaok at San Simón Interchange, southbound at saka northbound.
04:26Sa isang pahayag naman ay nilabas ng Metro Pacific Torways Corporation.
04:31Kasama raw ko sa kanilang long-term plan ay yung pagtataas muli ng binabahang bahagi ng Enlex.
04:37Pero bago magawa yan, ay kailangan din munang itaas ang Tulaok Bridge.
04:41Dicky.
04:42Maraming salamat sa iyo, June Veneracion.
04:45Literal na ikinamatay ng isang taga Marilao Bulacan ang baha roon
04:49dahil sa doble perwisyo nito.
04:51Nalunod po siya sa baha at magaman inabutan ng mga rescuer
04:55na kaantala sa pagdadala sa ospital ang mismong baha.
04:59Ang latest doon, tinututukan live di Jonathan Nanda.
05:02Jonathan, kamusta riyan?
05:08Emil, yung nasa taas ko ngayon, yung ginagawang elevated na riles ng PNR dito sa Marilao.
05:13Itong nasa baba niya, ayun, kita nyo, baha hanggang 20 po yan yun.
05:16Pero humuhupa na yan.
05:17Sabi ng mga taga rito, simula kami ng hapon, nakakadaan na yung mga tricycle, yung mga motorsiklo.
05:22Umiko tayo sa mga pangunahing kalsada dito sa Marilao, pati doon sa Maykawayan.
05:27Possible naman na yung mga kalsada, pati po doon sa barangay tabing ilog,
05:31kung saan po may nalunod at namatay.
05:37Sa bangka pa lang, binigyan na ng cardiopulmonary resuscitation o CPR ang 20 anyos na si Lavirin Velasco,
05:44matapos niyang malunod sa baha.
05:46Isang oras din binuno ng mga rescuer ang baha, kaya dead on arrival na si Velasco sa ospital.
05:52Hinala ng kasama niya sa bahay, inatake ito ng seizure dahil sa iniindang bukol sa gitna ng ilong,
05:58hanggang mahulog sa hanggang tuhod na baha.
06:00And the CPR po ng kapatid ko, dalawang beses naglabas na siya ng water.
06:05Nag-ubo na siya ng water pero hindi pa rin siya gumitising.
06:09Ayun, nagtawag ng barangay.
06:11Sabi ng rescuer, hindi na rumiresponde ang pasyente.
06:15Tumagal din sila sa biyahay dahil din sa baha at kulang paumano ng tamang gamit sa pag-rescue.
06:20Palpak sa flood control, palpak sa tao, walang tao, kulang sa tao, walang equipment, walang magpa-first aid.
06:28Meron na, pero kulang.
06:32It's popular.
06:34Wala na pong respans yung tao.
06:36Nag-try na lang po ako i-revive siya sa pamamagitan po ng pag-CCTR.
06:40Pwede ko nga lang po siyang buhayin eh.
06:42But po, wala talaga kaming gamit, banka lang po.
06:44Hindi ko po sinisisa sa Hepe.
06:46Nagpapasalamat po ako kay Hepe.
06:48Na, ano, sinubukan niya lahat.
06:50Ang point ko nun sa post ko is, kung sana lang, prepared tayo.
06:54Sana lang may equipment tayo.
06:56Kung hindi na lang sana bumaha, buhay pa yung pamangin ko.
07:00Sa bayan naman ng Maykawayan, naglabas ng sama ng loob ang ilang taga-barangay Bayugo dahil sa hindi pa humuhupang
07:07baha.
07:07Hindi mo nga kakot, dapat kung tulog.
07:09Okay pa rin.
07:10Okay, pa rin po.
07:11Ayun, siya, may hindaan.
07:12Takay kami po ngayon ang bangka dito sa barangay Bayugo sa Maykawayan, Bulacan.
07:18Dito po hanggang hita.
07:19Kamusta po kayo, ma'am?
07:22Ito po yung pinakamalalim ang baha ngayon sa buong Maykawayan.
07:26Actually, ang sinasabi nga ng mga tao rito at ng City Hall, ito rin po yung lugar na may pinakamatagal
07:32humupa yung baha.
07:33Meron naman po flood control kaso po umapaw na po yung floodgate, mga floodwall natin.
07:40Kaya po, nahinto yung pagbomba po ng mga pumping station.
07:46Sabi ng Maykawayan, si DRRMO, pinapagana na ang pumping station para mahigop ang baha na umabot na sa unang palapag
07:52ng paaralang nagsisilbing evacuation center.
07:55Inunay ang hatiran ng tulong ng Maykawayan, si DRRMO, kaya umano hindi agad na hatiran ang mga nasa bahay.
08:02Wala po eh, wala po nakakaroon sa aming ayuting.
08:05Papa, ayuda ano na.
08:08Opo, meron po sa akin.
08:09Ano po?
08:10Meron po eh.
08:11Ano?
08:12Pakakain.
08:13Wala bang ano?
08:15Kanya-kanyang diskarte muna ngayon ang mga residente para makapunta ng palengke.
08:19Ito'y lulusong ka sa baha o mag-aarikila ka nito. Magkano ang bayad sa ganito?
08:24Kada isang tao?
08:26So, 140 kayo.
08:27Dahil din sa baha, kaya ipinarada sa isang matas na tulay ang sasakyan ng ilang residente.
08:32Pero, dinatnan nila ang mga ito kahapon na may mga clumps sa gulong.
08:36Sabi ng City Hall Sabado pa sila nag-abiso na lumipat ang mga sasakyan sa City Sports Complex, City Hall
08:42o kaya sa Common Terminal na hindi naman umano bahain.
08:45Baka umano kasi bumigay ang tulay at sagabal pa rito sa rescue vehicles.
08:50Meron pong pagkakataon na ganito rin pong baha sa kuna.
08:53Meron pong i-rescue.
08:55Hindi pong ma-rescue gawa po nung napakarami pong mga nag-iwang sasakyan sa ibabo ng tulay.
09:01Sabi ng City Hall, hindi naman na sila pinagmulta.
09:04Pero lalong tumagal ang pag-aalis ng nasa tatlong pong sasakyan na kailangan munang alisan ng clamp.
09:09Nabigyan po natin ng konsiderasyon.
09:11Pero yung buwang iba, hindi po natin naabutan na kapagbayad po sila.
09:20Emil, kanina pila yung ilang talyer dito sa Bulacan kasi ang daming mga nagpapaayos ng mga binahang motorsiklo.
09:28Lagpas 1,000 pesos daw yung mga gastos nila sa pagkapaayos para sa PMS, change oil, palitpiesa.
09:34E, sayang daw talaga yung budget na yun.
09:36Pero no choice kasi kailangan daw nilang umawi at ilusong sa bahay yung kanilang mga sasakyan.
09:41Yung munang latest mula rito sa Bulacan, Emil.
09:43Maraming salamat, Jonathan Andal.
09:46Patuloy ang paghahanap sa apat na nawawala pang sakay ng kotse ni Mahulog
09:52matapos bumigay ang Agana Bridge dahil sa lakas ng Agos ng Tarlac River.
09:57Maki-update tayo sa live na pagtutok ni Sandy Salvaso ng GMA Regional TV.
10:03Sandy?
10:07Mel, panawagan ngayon ng mga kaanak ng biktima ang dagdag pwersa para sa mas mabilis na paghahanap
10:14sa mga biktima o sa apat na sakay ng nahulog na kotse dito sa Agana Bridge.
10:18Hanggang ngayon ay wala pa rin kahit anong bakas ng mga biktima
10:22bagamat napalayo na ang search area ng mga otoridad.
10:28Sariwa pa sa alaala ni Jane ang sigaw ng mga sakay ng kotse na hulog
10:32sa gumuhong Agana Bridge.
10:33Sa mga oras daw na iyon, mataas at malakas ang Agos ng Tarlac River.
10:37Nagano po sila ng help po, humingi po sila ng rescue.
10:41Kahit gusto naman po namin tulungan, wala naman po kami magawa.
10:44Dalawang araw makalipas ang insidente,
10:46nagpapatuloy pa rin ang search and rescue operation
10:48sa apat na nawawala pang sakay ng sasakyan.
10:51Isa lamang sa mga sakay ang nakaligtas.
10:53Ayon sa Tarlac PDRRMO, umabot na ang kanilang operasyon sa barangay Santa Cruz
10:58na may tinatayang layong aabot sa limang kilometro mula sa natibag na Agana Bridge.
11:02Ginamitan na rin po natin ng drone yung paating pagsesearch.
11:06Siya pong sumusuyod, magbuat dito hanggang pababa sa downstream
11:09para po maging malawak yung ginagawa nilang search and rescue.
11:15Masakit para kay Luwela ang sinapit ng kapatid.
11:17Yung hoping po namin, napakalaki pa rin po kasi kahit isa sa kanila po ay hindi pa po nahanap.
11:23Ang naiisip namin ma'am is magkakasama pa rin po sila.
11:26Sinimulan ngayong araw ng Department of Public Works and Highways o DPWH Region 3
11:31ang paggawa ng temporary steel bridge sa gumuhong Agana Bridge sa Tarlac City.
11:35Ayon sa mga motorista, sana raw ay madaliin ang paggawa ng temporary bridge.
11:39Masusundu ko na po yung angle kung tag-western eh.
11:41Anong dinadaanan niyo papuntang western?
11:44Doon po sa kapas. Mga isang oras may ikit din po.
11:47Dumating na ang mga gagamiting materyales sa tulay kagabi.
11:50Katuwang sa assessment ang combat engineer ng batalyo ng Philippine Army
11:54para pag-usapan ang mas praktikal na paggawa ng temporary bridge.
11:57We don't know the estimates of kailan pa magiging accessible itong mga tulay na to.
12:02Assessment ng DPWH, gap area lang ang kailangan tayuan ng Bailey Bridge.
12:08Pero ngayon parang meron na mga certain bagong updates na kailangan nila habaan pa.
12:19Mer, sa kinatatayuan ko ngayon dito sa Aquino Bridge ay nagpapatuloy pa rin ang malalimang assessment ng DPWH.
12:26Lalo na may plano rin sila na magpatayo rito ng temporary bridge kasunod lang nitong Agana Bridge.
12:32Ang problema kasi ay may lumitaw rin na cracks at sira dito mismo sa may approach ng tulay.
12:37Nagtanong din tayo sa Provincial LGU at sa DPWH tungkol sa underlying cost ng magkasunod na pagguho nitong dalawang tulay.
12:44Pero hanggang ngayon ay under verification pa rin ang mga impormasyong ito.
12:49Mel.
12:50Maraming salamat sa iyo, Sandy Salvaso, ng GMA Regional TV.
12:54Tiniklara naman ang state of calamity sa Pangasinan dahil sa tindi ng epekto ng habagat doon.
13:01Kamustayin po natin ang sitwasyon doon sa live na pagtutok di Jasmine Gabriel Galvan ng GMA Regional TV.
13:08Jasmine!
13:12Vicky, as of 6pm, aabot na sa may 200 na barangay ang apektado ng pagbaha dito sa Probinsya ng Pangasinan.
13:24Dahil sa malawakang pagbaha, isinailalim na sa state of calamity ang buong Pangasinan.
13:29Ang mga low-lying barangay sa Aguilar, binaha dahil sa pag-apaw ng ilog, kaya nilikas ang mga residente.
13:37Ang mga kalsada sa barangay Bungalon sa Labrador, nagmistulang ilog dahil sa baha.
13:42Sa Mangaldan, pinasok na rin ang baha ang mga bahay sa barangay Banawang.
13:46Oo, hirap na hirap.
13:48Oo.
13:48Wala na.
13:49Araw na po itong baha, mami?
13:50Bali, dalawa na.
13:52Ganito po, baha.
13:54Oo.
13:54Ngirap po.
13:56Hanggang tuhod na po ito eh.
13:57Ang pag-apaw naman ng Payas Creek na nagpabaha sa barangay Anolit.
14:01Sa Kalasyao, muling umapaw ang Marusay River na nagpabaha sa 21 barangay.
14:07Pahirapan ang pagpunta ng mga residente sa sentro ng Kalakalan.
14:10Nagpatupad ang lokal na pamahalaan ng pre-empt evacuation noon pang Sabado.
14:14Sa Dagupan City, may mga pangunahing kalsadang hindi madaanan ng light vehicles.
14:19Ayong mga motorista, pagsinabihan na kasi may mga enforcer po.
14:24Nung maharang na na hindi pwede ang sasakyan, ay makinig naman na agad.
14:29Hindi yung, ay, gan lang kami.
14:30Kasi mamaya, be-belta.
14:33Hindi pala pwede, be-belta.
14:35Bago ka tayo ng traffic, magkakaguduk-dusukto tayo.
14:38Sa Bugalyon, pinasok ng baha ang sala sa elementary school.
14:43Binahari ng bahagi ng Romulo Highway sa Sitio Soconi, Barangay Salasa.
14:49May pagguho naman ng lupa sa bahagi ng Makabuboni, Abagatanan Road sa Agno.
14:59Vicky, sa pinakahuling monitoring ng Pangasinan PDRRMO,
15:03aabot na sa magigit 2,000 families ang apektado o nasa mga evacuation center ngayong gabi.
15:09Samantala, nagka-standby pa rin ang mga rescue personnel sa ibat-ibang barangay at ibat-ibang bayan,
15:15lalo pa tapatuloy pa rin ang pagtaas ng antas ng tubig sa mga major river systems sa probinsya ng Pangasinana.
15:21Vicky, maraming salamat sa iyo, Jasmine Gabrielle Galban ng GMA Regional TV.
15:31Dahil sa walang tigil na pagulan itong Sabado, nakaranas na malawakang pagbaha ang ilang bahagi ng Luzon,
15:39hindi po nagpatinag ang inyong GMA Kapuso Foundation agad na nagpaabot ng tulong.
15:45Atid natin ang mga food packs at inuming tubig sa mga nasalanta ng habaga.
15:53Kasunod ng malakas na pagulan dulot ng habagat, kabilang sinapuruhan ang barangay Mabanglit sa Kabanggan, Zambales.
16:06Kaya si Lester, agad na inilikas ang kanyang asawa, dalawang linggong gulang nasanggot sa mataas sa bahay.
16:14Ngunit dahil patuloy na tumaas ang tubig, kinailangan umakyat ng kanyang mag-ina sa bubong.
16:31Hindi rin maiwasan ni Lester na mag-alala sa kanyang ama at kapatid na na-trap sa kanilang bahay.
16:38Yung tubig po sa loob ng bahay namin is hanggang leeg and then kung nagtuloy-tuloy pa po siguro yung
16:44ulan na yun, baka po umabot pa po hanggang bubong.
16:48Sa gitna ng kalamidad na naig pa rin ang malisakit sa kapwa, nagbayanihan sila para maibaba at i-rescue ang
16:57kanilang pamilya.
17:06Sa kabila ng pahirapan ng biyahe dulot ng pagbaha, agad na rumispondi ang GMA Kapuso Foundation sa Zambales.
17:15Ulan sana ng isang buwan, halos inulan lang ng ilang oras dito.
17:19Maraming salamat sa GMA at talagang nandiyan kayo kahit anong oras na tumutulong para sa aming constituents.
17:27Hatid natin ang food packs at inuming tubig para sa bayan ng Kabanggan at Botolan sa Zambales.
17:34Nakapagbigay rin tayo ng tulong sa Gwagwa, Pampanga at Rodriguez, Rizal.
17:39Sa kabuuan, siyam na libong individual ang ating natulungan.
17:44Kahit na ganitong oras na po is nakapunta pa rin yung sa GMA.
17:47Sa nagpapasalamat po, hindi lang po ako, hindi lahat po ng mga nandi rito.
17:51At sa mga nais naman tumulong, maaari po kayo magdeposito sa aming mga bank account o magpadala sa Simwana Luolier.
17:59Pwede rin via QR code ng GCash at PalawanPay.
18:03O magdonate online sa Gbayanihan, Globe Rewards at Metrobank Credit Cards, Lazada at Shopee.
18:11Sinabi ni Sen. Ping Lakson na hindi bababa sa 3.7 billion pesos ang nasayang na pera ng taong bayan
18:18dahil sa umunoy illegal na reclamation projects ng Taguig City sa Laguna Lake.
18:23Pinatigil na ng Philippine Reclamation Authority ang mga proyekto pero nang puntakan ka rin na ng GMA News,
18:29nakitang halos tapos na ang ginagawang pagtatambak.
18:32Nakatutok si Sandra Aguinaldo.
18:37Hinto muna ang trabaho sa kontrobersyal na reclamation projects ng Taguig City sa Laguna Lake
18:44sa utos ng Philippine Reclamation Authority o PRA.
18:48We already issued the CDO as ordered, not requested, as ordered by the Office of the President
18:56through the Philippine Reclamation Authority kasi ang PRA under the Office of the President yan.
19:01Aligasyon ni Sen. Panfilo Lacson sa isang online post,
19:06hindi bababa sa 3.7 billion pesos ang nasayang na public fund sa umunoy illegal na Taguig Reclamation.
19:14Hindi raw bababa sa apat na umunoy illegally reclaimed land sa Taguig City
19:19ang nabigyan ng umunoy questionable land title
19:22habang meron din umanong apat na walang plotted title lots sa Land Registration Authority.
19:28Nang puntahan namin kanina, makikitang malaking bahagi na rin ang reclamation
19:34ang tila tapos na ang pagtatambak.
19:37Malayo ito sa estado ng proyekto noong October 2025
19:41at kung noon dalawang gusali pa lang ang tapos,
19:45ngayon patapos na ang mga ito at meron pang dalawang itinatayo.
19:50Sa ilang nakapaskil na tarpaulin, makikita ang budget ng iba't ibang phase
19:55ng proyekto na DPWH ang Implementing Agency.
19:59Ang mga gusali, kahilera ng mga naonang proyekto ng Taguig sa lugar
20:04gaya ng park, playground at iba pa.
20:07Sabi ni Lacson, isusumiti niya sa ombudsman ang panibagong ebidensyang nakalap niya.
20:13Pinagsusumiti naman ng PRA and DPWH ng kompletong imbentaryo ng mga proyekto sa Laguna-Dibay
20:20na may reclamation components.
20:23Pinasusumiti rin ng katibayan kung saan galing ang otoridad para magsagawa ng reclamation.
20:29Nagpatawag na ang meeting ang iba't ibang stakeholders kasama na ang City of Taguig plus LLDA and PRA
20:39and let's just discuss it kung ano ba talaga kung meron ba ang mga problema dyan
20:45and then alamin natin kung anong way forward.
20:48But lahat yan, effective immediately.
20:50Hininga namin ang pahayag si Taguig Mayor Lani Cayetano at ang Taguig LGU pero wala pa itong tugon.
20:56Pero sa post ng mister ni Mayor Cayetano na si Sen. Alan Peter Cayetano,
21:02sinabi nitong puno ng potensyal ang lakeshore at nais nilang patuloy na mag-transform
21:07kaya lugarro ito ng events, health, education, leisure at iba pa.
21:12Sinabi rin niyang dapat daw pagkahanap ng totoo ang pakay ng mga imbestikasyon
21:17at hindi umano pagigiganting politikal.
21:20Tinawag ni Cayetano na political persecution
21:23ang ginagawa ni Laxon na kombinasyon daw ng demolition job, witch hunt at trial by publicity.
21:30At kung may ebidensya sa DPWH, Taguig o sa kanya,
21:34hayaan daw ang ombudsman na gawin ang trabaho nito.
21:37Hininga namin ang reaksyon dito si Sen. Laxon.
21:40Sandra Aguinaldo na Katutok, 24 Horas.
21:43Paglaban para sa interes ng bansa at kasarinlan ang mensahe ni Pangulong Bongbong Marcos
21:49sa paggunita sa araw ng mga bayani.
21:52Sa talumpati ng Pangulo sa libingan ng mga bayani sa Taguig,
21:56inalala niya ang sakripisyo ng mga bayani ng bansa.
21:59Kasama sa kanyang kinilala, ang mga makabagong bayani tulad ng overseas Filipino workers,
22:05uniformed personnel, healthcare workers at mga guru.
22:08May temang Spirit of Heroism, Strength of the Nation,
22:12ang paggunita sa National Heroes Day ngayong araw.
22:21Napansin-pansin ang chemistry ni Kylie Padilla at kanyang on-screen husband
22:25sa Task Force Firewall na si Luis Ontiveros.
22:28Pero ano naman kaya ang say ni Kylie sa mga nagsiship sa kanila?
22:32Yan ang chika ni Nelson Canlas.
22:37Maraming netizens ang kinikilig sa TikTok Live ni Kylie Padilla
22:41kasama ang kanyang New Korean friends na sina Song, Johnny at Ethan.
22:46Ito raw ang kanilang bagong tambayan sa TikTok
22:48na umaani ng libu-libong viewers sa tuwing magla-livestream sila.
22:53Huwag muna daw lagyan ng love angle ang mga bagong kaibigan niya
22:57dahil na-enjoy nila ang magpasaya ngayon ng netizens.
23:02Actually, yun yung point to.
23:03Narami akong nasa-share ko yung pag-tiktok live ko.
23:10Maraming OFW na malungkot.
23:12Siyempre malaki sa pamilya na natutuwa.
23:15And yun yung actually main reason why I do it.
23:18Kasi marami ako napapasaya.
23:19Because I also know what it's like to be sad and lonely minsan.
23:26Iba rin ang chemistry ni Kylie at kanyang kapareha sa Task Force Firewall
23:30na si Luis Ontiveros.
23:32Marami ang nag-aabang sa mga eksena nila sa action series
23:35at may mga nagsiship nga raw sa kanila.
23:39Ang lakas din kasi ng chemistry din namin ni Luis talaga.
23:42So naturally nakikita shoes with the screen.
23:45So why not feed it if it's there?
23:47I think the first time we met gano'n na.
23:50Hindi namin.
23:51Yung chemistry kasi nandun.
23:53Pero syempre kung paano gagawin yung eksena, pinag-uusapan namin.
23:57Kinumpirma ni Kylie na single siya.
23:59Pero napapaligiran ng mga nagmamahal sa kanya.
24:03Nagulat nga raw siya dahil mas marami ngayon
24:06ang gustong magpahayag ng love sa kanya
24:08kaysa noong mas bata pa siya.
24:11Alam mo yung saying na ano,
24:13collect then select.
24:14Finally I'm doing it.
24:16At this age, sabi mo nga pat at this age.
24:19Pero nagulat din ako.
24:20Seriously, gusto ko mag-travel lang with my kids.
24:23That's what's coming.
24:24Gusto ko lang sila i-travel nang i-travel.
24:26Which is why I'm working so hard.
24:27Kasi gusto ko sila ilabas lagi.
24:30Nelson Canlas, updated sa Showbiz Happening.

Recommended