Isinisi ng ilang residente sa solar farm na itinayo sa bundok ang pagbaha sa isang barangay sa Olongapo City. Depensa naman ng kumpanyang namamahala sa proyekto, idinisenyo ito para hindi makadagdag sa problema ng baha.


Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi. .

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Isinisip po ng ilang residente sa Solar Farm na itinayo sa bundok ang pagbaha sa isang barangay sa Olongapo City.
00:07Ang depensa naman ng kumpanyang namamahala sa proyekto, idinisenyo po ito para hindi po makadagdag sa problema ng baha.
00:15Saksi, si Darlene Kai.
00:20Lampas tao ang kulay putik na baha sa bahagi ito ng Forestry Old Cabalan, Olongapo City nitong Sabado.
00:26Halos lamuni na ang unang palapag ng mga bahay kabilang ang kinayus Cooper Mariz Galindez.
00:31Sa pagragasan ng tubig, isang batang lalaking edad tatlo ang natangay ng pasukin ng baha ang kanilang bahay.
00:38Kinabukasan, natagpuan siyang wala ng buhay sa SBMA Boardwalk.
00:47Tila rumagasang ilog din ang baha sa barangay Santa Rita at sa gitna niyan, namataan ang isang ahas.
00:57Na perwisyo rin ang baha ang mga tagapurok uno sa barangay Santa Rita pa rin.
01:01Dalawang araw kasunod ito, pumupa na ang baha pero hindi ang makakapal na putik na iniwan ito.
01:07Sobrang hirap bukod sa inaalip po nga ka na, hindi ka na nakakapaglinis.
01:11Ang kapal ng putik, mataas pa yung baha sa loob ng bahay, wala ang tubig dito pero sa loob namin
01:15meron pa rin.
01:16Kanyan din ang sitwasyon sa Marilag sa barangay Santa Rita pa rin.
01:27Hindi rin makapasok sa trabaho ang anak ni Aling Desiree.
01:41Ang tutuusin, sanay naman daw ang mga residente sa baha pero kakaiba raw ngayon.
01:46Nilubog po kami noong pinakamalaking bahay ng 2013 at 2018.
01:50Tapos naulit na naman po yan.
01:51Siguro po yung ulit po ngayon, kasi po siguro dahil sa ginagawa nilang mga solar sa bundok.
01:57Ngayon lang po nangyari.
01:58Dati wala naman eh.
02:00Pagmalan ka yung solar na yan.
02:02Ang sinisisi ng mga residente, ang phase 1 ng solar farm project na itinayo sa bundok ng AP Renewable Energy
02:09Corporation na pag-aari ng Aboites Renewables Incorporated.
02:13Inaprobahan ng Department of Environment and Natural Resources ang phase 1 nito noong 2022.
02:19284 hectares ang sakop nito at natapos nito lang December 2025.
02:24Sabi niyang grupong Propel o Pro People, Engineers and Leaders, kung pagbabataya ng satellite imaging, libong mga puno-umano ang
02:32pinutol para sa proyekto.
02:34Kaya hindi raw malayong maging sanhi ito ng matinding pagbaha.
02:38Dahil hindi na-absorbed, so ito na, pag malakas ang ulan, ito na ngayon yung nalalaglag sa kalupaan.
02:48Kaya nagkakaroon na mas baha kung panahon ng tag-ulan.
02:52Kung panahon naman ng tag-araw, natutuyo naman dahil wala namang, hindi na re-recharge yung ating groundwater.
03:01Pero giit ng DNR Region 3, kaunti lamang ang pinutol na puno dahil grassland o damuhan ang ibabaw ng bundok.
03:08Hindi rin daw pinatag ang bundok at ipinatong na lamang ang mga solar panel.
03:12Mga damuhan ho ang majority ng area po nito.
03:16And hindi ho dinisturb yung natural contour ng lupa.
03:21So sa pagitan mo ng mga solar panels, ma'am, open pa rin po yan na bumabagsak yung tubig at
03:28na-absorb ho ng grasslands natin yung tubig.
03:32Kung titignan ng mapa, downstream o nasa ibabang bahagi ng solar farm ang barangay Santa Rita.
03:37Aminado ang DNR na nakita sa Environmental Impact Assessment ang posibleng pagragasa ng tubig mula sa bundok.
03:43Pero inaprubahan pa rin daw ang proyekto dahil may potensyal mang magbaha.
03:48Masasagot naman ito ng mga engineering measure.
03:50Kung dumaan ho ito sa proseso ng aplikasyon,
03:54nakita ho na mayroong potential impact po ito sa volume din ho ng tubig na maaaring makadagdag sa...
04:02Kaya po meron pa yung mga conditions na sinetid dyan for the proponent to address yung flood concern.
04:09Katulad po yung paglalagay nila ng floodwater drainageo, yung pagkatanimo nila ng mga pulong kahoy.
04:17I-imbisigahan daw ito ng DNR.
04:19Pero posibleng kaya raw bumaha ay dahil mas mataas ng 150% ang bumuus sa ulan sa Olongapo nitong Sabado.
04:27Ito rin ang sinabi ng mayor ng Olongapo.
04:29Definitely po hindi po siya yung cost.
04:31Yung level po ng tubig, talagang ibang klase po yung ngayon, admittedly.
04:35If you see the map, yung farm is here.
04:40So, kaya po medyo nakakonfirm po namin na yung rainfall talaga yung problema.
04:45I mean, yung hindi po siya talaga yung issue kasi yung speed, yung volume po ng tubig na buwaba from
04:50here is same as yung buwaba po sa part na ito.
04:54So, parang dapat, kung ito po yung dahilan, dapat makiiba po sila na dapat makiiba yung volume, makiiba rin yung
05:02speed.
05:02May balak pa ang kumpanya na magtayo ng phase 2 sa mahigit 228 hectares sa kabundukan.
05:08Bagay na tinututulan ng mga residente.
05:11Ayaw po namin matuloy yung phase 2 bilang po mga, mamamayan na rin ang barangay Santa Rita, hindi lang po
05:17mga leader.
05:17Yung ating kabundukan nga po is, dyan po talaga yung pinagkukuha na po nila na kanilang pangkabuhayan.
05:23Nasaan na po, wala na pong bundok na makakalbo.
05:27Wala na pong kalikasan na masisira.
05:33Kasi ang kalikasan may buhay din po sila na maganda na yung ginawa ng Diyos para sa mga tao, sa
05:44atin.
05:45Bilang katutubo, isa po kami nagpo-protekta sa kalikasan.
05:50Noon pa sa mga ninuno pa po namin.
05:53Kaya sana po, wala na pong mga katutubo na makalayas sa aming lupaing ninuno.
06:02Sa isang pahayag, sinabi naman ng Aboytis Renewables Incorporated na sinusunod nila ang lahat ng mga alituntunin ng DNR.
06:09Pati daw nilang flood-prone ng Olongapo City na bahagi ng Kalaklan River Basin.
06:13Kaya dinisenyo ang solar farm para hindi makadagdag o magpalala ng problema sa baha.
06:19Batay raw sa isang independent third-party study, hindi palalalae ng power plant ang pagbaha sa downstream communities.
06:26Sinunod din daw nila ang free, prior, and informed consent sa ilalim ng Indigenous People's Rights Act of 1997.
06:35Nagsasagawa rin daw sila ng annual tree planting activities.
06:38Sinusubukan din namin kuna ng pahayag ng Department of Energy.
06:41Patuloy namang naka-alerto ang LGU ng Olongapo.
06:44Yung mga interventions po na ginagawa ng CPE, dati po sapat eh.
06:50Balik po kami sa pagpa-plano po.
06:51So nagdadag-ditindan po namin kung meron pa po kami pwedeng idagdag na mga outfalls,
06:56mga containment impounding areas, kailan pa po namin ayusin yung mga school protections.
07:01Ako si Darlene Kai, ang inyong saksi.

Recommended