00:00Mga kapuso, lumala pa ang kalidad ng hangin sa maraming lugar sa Metro Manila
00:04na posibleng wala po sa usok ng wildfire sa Indonesia.
00:08Labing isang syudad na sa Metro Manila ang may Acutely Unhealthy na Air Quality Index.
00:15Batay po yan sa 6am monitoring ng DNR Environmental Management Bureau sa NCR.
00:21Nadagdag sa listahan ng Acutely Unhealthy na PM 2.5
00:26ang Malabon, Mandaluyong, Manila, Marikina.
00:30Muntinlupa, Quezon City, San Juan, Taguig at Valenzuela.
00:34Una nang naitala ang Acutely Unhealthy na Air Quality Index sa Paranaque at Las Piñas.
00:40Very unhealthy naman ang air quality sa Navotas at Pateros
00:44habang unhealthy for sensitive groups ang hangin sa Makati City.
00:49Ang Fine Particulate Matter o PM 2.5 ay uri ng polusyon ay mas manipis pa sa buhok ng tao.
00:56Nagmumula ito sa ibinubugan ng mga sasakyan, industrial emissions, power plants, wildfires, at iba pa.
01:03Ayon sa Environment Management Bureau ng DNR,
01:06ang haze na ilang araw nang bumabalot sa maraming lugar sa Metro Manila
01:09ay posibleng dulot ng wildfire sa Kalimantan, Indonesia,
01:13na tinatangay ng hangin papunta rito sa ating bansa.
01:15May naranasan ding haze sa Mimaropa at Calabarzon.
01:20Inire-recommenda din ang DNR na iwasan munang lumabas ng bahay,
01:23lalo na ang vulnerable groups gaya ng mga bata, senior citizens, mga buntis, pati na ang mga may sakit.
01:30Kung hindi may iwasang lumabas, inire-recommenda ang pagsusuot ng face mask.
01:37Meron po kasi akong condition sa nasal ko, na kailangan ko pong yung air na in-inhale ko is filtered.
01:46Siyempre po, pag-akit ng nakagdanan, ano, hirap ko din nga.
01:51O kailangan laging nakapapas naman para iwas sa usok na pollution.
01:59Mga kapuso, lumakas bilang tropical storm ang Bagyong Pilandok habang hinahatak dito ang hangin habagat.
02:05Namataan po yan ang pag-asa mahigit sang libong kilometro silangan ng extreme northern Luzon.
02:11Taglay dito ang lakas ng hangin na abot sa 65 kilometers per hour
02:15at halos hindi ito kumikilo sa kinaroroonan po nito.
02:18Sa kabila po ng paglakas ng Bagyong Pilandok,
02:21inaasahang lalabas ito ng Philippine Area of Responsibility bukas ng gabi
02:25o sa Uwebes ng umaga.
02:27Lumakas ding muli bilang tropical storm ang dating Bagyong Obet
02:31na nasa 700 kilometro ang layo sa kanlura ng extreme northern Luzon.
02:36Pumina naman bilang low pressure area ang bagyo
02:39na nasa mahigit 600 kilometro west-northwest ng Itbayat, Matanes.
02:44Lumalapit naman sa PAR ang isa pang LPA.
02:48Namataan po yan, mahigit 2,000 kilometro silangan ng southeastern Luzon.
02:53Ngayong September, 2 o 3 bagyo ang posibleng mamuo
02:57o pumasok sa PAR ayon sa pag-asa.
03:00May posibilidad na mag-landfall ang anumang potensyal na bagyo
03:03sa buwang ito sa northern Luzon o kaya sa Bicol Region.
03:08Sa ngayon, patuloy na nagpapaulan ang hanging habagat sa Luzon
03:12at western section ng Visayas.
03:14Hinahatak ito ng Bagyong Pilandok.
03:17Nakataas po ang thunderstorm advisory sa ilang bahagi
03:20ng Ilo-Ilo at Negros Occidental.
03:23Pinaalerto ang mga residente mula sa banta ng Baja o landslide.
03:27Tatagal po ang thunderstorm advisory hanggang pasado alas 12 ngayong tanghal.
03:33Traffic pa rin sa ilang bahagi ng North Luzon Expressway
03:36dahil sa Baja sa San Simón, Pampanga.
03:38Ayon sa pamunuan ng NLEX,
03:40may gagawin silang mga hakbang para maibsan ang traffic dulot ng Baja.
03:44Balita hatid ni James Agustin.
03:50Alas 10.40 kagabi nang i-divert ng pamunuan ng NLEX
03:53ang lahat ng motorista pa northbound sa Santa Rita, Exit.
03:57Hindi na sila pinadiretso sa bahagi ng NLEX, San Simón
04:00dahil pa rin sa pagbahadulot ng pag-apaw ng Pampanga River.
04:04Inabisuhan ng mga motorista na dumahan sa Maharlika Highway
04:06patungo sa Central Luzon Link Expressway.
04:10Apektado ang marami motorista.
04:12Gaya ni Victor na patungong bataan at sambales
04:15para i-deliver ang mga karga motorsiklo.
04:17Ito, nakatambay.
04:21Hindi namin alam kasi ang mga daan dito.
04:24Ay baga mamaya, bahad din.
04:25Lahat din ng bus pa norte ay sa Santa Rita, Exit, Pinadaan.
04:29Ang mga pasero ng bus na ito patungo sa Cagayan.
04:32Mas madadagdagan daw ang oras na kanilang biyahe.
04:35Sa layo pa ng biyahe namin.
04:39Talagang abahala itong baha.
04:43Pansamantalang isinara sa mga motorista ang Santa Rita Northbound Entry.
04:47Si Adrian napabuelta na lang at humanap ng ibang madaraanan para makauwi sa Pulilan.
05:01Ang ibang motorista ipinarada na ang kanilang sasakyan para magpalipas sa magdamap.
05:07Si Arnel naghatid ng kanyang kaibigan sa Naiya.
05:10Hating gabi na hindi pa siya nakakabalik sa Angeles City, Pampanga.
05:13Kaya nagdesisyo magpahinga muna.
05:15Pagod na ako, maghapon na ako nagdadrive eh.
05:18Ganun din po, useless din kung may mga baha din naman dyan eh.
05:22Kahit dito, pinadadaan kami, ganun din. Mas malalim palubog sa mga kartor.
05:27Pila rin ang mga sasakyan na daraan sana sa Pulilan Northbound Entry.
05:30Pero pansamantalay itong isinara.
05:33Problemado ang mga truck driver na biyahe mga probinsya sa norte.
05:36May ilang oras nang naiipit sa traffic.
05:39Mahirap talaga sir, sobra.
05:41Grabe talaga.
05:42Sinabihan kami doon na pina-exit kami sa Santa Rita, tapos dito ro ang daan.
05:47Sarado rin pala dito. Kaya kita dito, dito lahat ang truck.
05:49Mahirap, syempre eh. Traffic eh. Walang madaanan.
05:55Tapos, mayista kami, madedelay yung trabaho namin.
05:58Paano yan?
05:59Wala tayong magagawa. Maghihintay talaga.
06:02Ayon sa Metro Pacific Tallways Corporation, na operator ng NLEX,
06:06maglalagay sila ng 300 metrong flood control barrier sa magkabilang lane ng NLEX.
06:11Magpapadala rin sila ng mga truck para higupin at ipampang naipong bahas sa San Simón, Pampanga.
06:16Magbubukas daw ang NLEX ng counterflow lane para sa mga emergency at response equipment.
06:22Humingi ng pangunawa at paumanhin ang MPTC sa mga biyahero.
06:26James Agustin, nagbabalita para sa GMA News.
06:34Epektibo na po ngayong araw ng Martes ang rollback sa ilang produktong petrolyo.
06:38Ayon sa Department of Energy, 3 pesos and 83 centavos ang minimum na bawas presyo sa kada litro ng diesel.
06:4432 centavos naman sa kada litro ng gasolina.
06:48Habang 3 pesos and 84 centavos ang minimum na rollback sa kada litro ng kerosene.
06:54Ayon sa DOE, nakakapekto pa rin dyan ang nagpapatuloy na krisis sa Middle East.
07:01Abiso po sa mga taga-Visayas at Mindanao.
07:04Muling isa sa ilalim sa red at yellow alert ang Visayas at Mindanao grid ngayong pong araw.
07:10Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines o NGCP,
07:13mamayang alas 2 ng hapon hanggang alas 9 ng gabi naka red alert ang Visayas grid.
07:18Ang ibig sabihin ng red alert, sagad na o walang reservang kuryente.
07:22Mula alauna ng hapon hanggang alas 2 ng hapon at alas 9 ng gabi hanggang alas 10 ng gabi na
07:30ito naka-yellow alert.
07:33Naka-yellow alert din po mamayang alauna ng hapon hanggang alas 8 ng gabi ang Mindanao grid.
07:39Itinataas po ang red at yellow alert kapag manipis ang reservang kuryente na posibleng magkulang sakaling magka-emergency.
07:53Menareng ang kapag mgodang kuryente na posibleng magka pandang si pang noras 8 ng bay.
07:53Nasugan ang malas.
Comments