Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.          

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app. Download now on Google Play and App Store. Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AgI_UbY4C1GhwFZ5CQL3N5c


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de 


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanew
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00.
00:00.
00:01.
00:02.
00:03.
00:03.
00:30.
00:30.
00:31.
00:31.
00:32.
00:32.
01:00and the administration of the MAPAPATUNAYANG LUMABAG.
01:06Magsasagawa ng inspeksyon sa karagatan ng BIFAR at PCG
01:09para bantayan ang mga paglabag sa mga batas at panuntunan sa pangingisda.
01:14May ulat on the spot si Oscar Oida.
01:17Oscar!
01:21Yes, Raffi, nagsanib bwersa na nga ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources
01:26at Philippine Coast Guard para labanan ang mga paglabag sa panuntunan pangisda sa karagatan.
01:33Formalyang inanunsyo sa isang send-off ceremony sa Pierre 13, South Harbor, Manila
01:38ng kanilang Joint High Seas Boarding and Inspection o HSBI.
01:43Gamit ang BRP Teresa Magbanwa, isasagawa ang misyon sa loob ng humigit-kumulang 30 araw.
01:51Inaasa ang magsisimula ang aktual na inspeksyon sa karagatan sa October 23.
01:55Sa ilalim ng operasyon, aakyat at sisilipin ng mga sinanay at otorisadong inspektor
02:01ang mga sakyang pangisda upang matukoy kung may mga nangyayari bang paglabag
02:06sa mga batas at panuntunan sa pangisda.
02:09Layunin din itong pangalagaan ang mga isda kabilang ang tuna
02:12at matiyak ang responsabling paggamit ng yamang dagat.
02:16Ang BIFAR ang tutulong sa pagpapatupad ng mga alituntunin sa pangisda
02:21habang magbibigay naman ang PCG ng sasakyan at suportang pangkaragatan.
02:26Inaasa ang sa pamamagitan nito, mas mawapalakas ang pagbubantay sa karagatang
02:31mga pangalagaan ang kabuhayan ng mga manging isda.
02:36Rafi?
02:38Maraming salamat, Oscar Oida.
02:42Kaukay na ba sa paghanda sa El Niño at iba pang usapin?
02:44Kausapin natin si Engineer Wilhelm Tiyanco,
02:47ang Operations Department Manager ng National Irrigation Administration.
02:51Magandang umaga at welcome po sa Balitang Hali.
02:54Magandang umaga po, Sir Rafi.
02:57Opo, ano na po yung mga pagandang ginagawa?
02:58Sa mga balitang tanghali.
02:59Opo, ano na po yung ginagawa ng ehensya para sa mga magsasaka
03:02para hindi sila mapuruhan po ng El Niño?
03:06Ang NIA po ay proactive ang approach natin sa El Niño.
03:17Hindi na po natin inaantay na dumating yung tagtuyot.
03:20Meron na po kaming early planning.
03:23Yun po ang importante.
03:26Meron po kaming, sa ngayon po may ginagawa kaming El Niño Watch dashboard
03:31para ma-monitor po natin yung level ng ating mga dams.
03:36Yung water level po natin sa ating mga dams.
03:39And then, yung ating pag-meeting sa ating mga farmers
03:46para sa ating water delivery schedule.
03:49Ito po ay ginagawa bago ang planting season.
03:56And then, tinuturoan din po natin sila ng water conservation technique,
04:01yung alternate wetting and drying technique po.
04:05Ito po ay nakakatulong na makabawas ng halos 38% ng konsumo ng tubig.
04:14And then, nag-prepare din po tayo ng ating mga solar pumps
04:20para augmentation in case na merong mga lugar na hindi aabuti ng ating tubig
04:28galing sa ating mga dams.
04:30And of course, meron din po tayong mga incoordination po sa other government agency
04:39yung pagtatanim po ng drought-resistant variety ng rice
04:44or yung ating mga other crops po na hindi masyadong kailangan ng tubig.
04:52Para sigurado po natin mayroon pa rin mapagkukuhanan ng pangkabuhayan ng ating mga farmers
04:58in case na dumating talaga yung malalang El Niño.
05:01Sa inyo po bang plano, magbabawas kayo ng tubig ngayon pa lang sa erigasyon
05:08or naka-plot yan kung bagat hanggang kailan po kayo magtatagal itong tubig sa ating mga dams
05:13para sa erigasyon?
05:15Sa ngayon po, para sa ating major dams, ang pantabangan at saka magat,
05:20hindi pa po sila nagre-release ng tubig
05:22dahil nagbago po tayo ng ating cropping calendar.
05:26Or, ngayon po may mga nagtatanim na hanggat may ulan pa.
05:33So, ang pantabangan po, magre-release pa po ng water mga December pa eh.
05:39So, sapat po yung tubig nila para umabot hanggang sa first quarter ng 2027.
05:49Ano pong ginagawa niyong paghahanda kapag tumindi po yung sitwasyon?
05:52Sinasabi niyo nga, may mga nagtatanim na ngayon.
05:55May mga alternative ho ba kung talagang tumindi at hindi na umulan?
05:58Huwag naman sana.
05:59Pero may mga isolated rain showers pa rin po.
06:01Yun na lang inaasahan ngayon ng ating mga magsasaka.
06:04Opo, opo.
06:06Yung nga po, naka-schedule naman ang ating water delivery.
06:09Inform po dito ang ating mga magsasaka.
06:11So, planado po talaga yan na nakahanda po yung ating mga field offices para dyan.
06:21At coordinated din po ito sa ating mga other government agencies.
06:27Okay.
06:28Aabangan po natin at makikipagunayan po kami sa inyo.
06:31Dahil nasa inyo po ang aming servisyo ng ating programa
06:35para ma-inform yung ating mga magsasaka tungkol sa paghahanda po ninyo sa SuperLD.
06:40Maraming salamat po sa oras na binahagi nyo sa Balitang Hali.
06:44Maraming salamat po, Sir Rafi.
06:46Yan po si Engineer Wilhelm Piyako ng National Irrigation Administration.
06:56Ipinunto ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro
06:59na hindi nag-object ang defense team sa pag-uwidro ng tatlong articles of impeachment
07:03laban kay Vice President Sara Duterte.
07:08Nagbigay lang sila ng manifestation but the team did not make any objection.
07:15Kasi parang nakikita natin nagsisi.
07:16Sinisisi nila yung prosecution or parang sinisisi nila yung senator judges.
07:21Pero kung babasahin mo lahat at pakikinggan mo at mapapanood mo yung buo na hearing,
07:29wala tayong nadinig na objection.
07:31Ang objection may hinihiling ka na ino-objectan mo na ma-withdraw yung tatlong articles of impeachment.
07:40Hindi sila nag-object.
07:43Pahayagyan ni Castro sa panayam ng unang balita sa unang hirit ng matanong tungkol sa impeachment trial ng Vice.
07:49Iginate ni Castro na hindi rin daw nakikialam si Pangulong Bongbong Marcos at ang Malacanang sa impeachment trial.
07:55Itong Martes nang tanggapin ang impeachment court ang pag-uwidro ng prosekusyon sa tatlong articles.
08:00Binawi ang articles of impeachment tungkol sa misuse of confidential funds at grave threats na nauna ng tinalakay.
08:08Una nang binawi ng prosekusyon ang pagtalakay sa Article 3 o bribery sa Department of Education.
08:15Sa pagbabalik na impeachment trial sa November 9, isang article na lang ang tatalakay ng defense team,
08:20ang Article 2 na tungkol sa unexplained wealth ng Vice.
08:27Bukot sa mga polis at school guards, magpapatrolyan na rin sa paligid ng mga eskwelahan ang mga barangay tanod bilang
08:32dagdag, siguridad.
08:34Narito ang aking report.
08:40Ito ang gustong makita ng mga opisyal ng Deped at DILG saan nila'y bagong normal sa mga eskwelahan.
08:50Kung gaano kabilis kumilos ang mga estudyante, mga school officials at mga otoridad sakaling makapasok sa mga eskwelahan ang isang
08:57active shooter.
08:58Dito sa Bangkal High School sa Makati, nakalatag na raw ang kanilang protokol.
09:03Para lalo pang mapaigting ang siguridad ng mga eskwelahan sa buong bansa, lumagda sa isang memorandum of agreement ang Deped
09:09at DILG.
09:10Sa ilalim nito, aalalay sa mga school security guard ng mga barangay tanod para magbantay sa school perimeter.
09:16Paglilinaw ng DILG, hindi paparitan ng mga tanod ng mga security guards sa pulis siya pero dadalasan nila ang kanilang
09:22pagpapatrolya.
09:23Dadagdagan din ang presensya ng mga pulis.
09:26We allow them to patrol our schools, to do visits para makita rin nila paano makatulong yung barangay.
09:33Higit na mahalaga umanong prevention, kaya kasabay ng drill, magiging malaking bahagi na rin ng kaagapay program ng Deped ang
09:40pagtuturo sa mga magulang tungkol sa dark web at pakikitungo sa mga anak.
09:45Ang unang intensyon ng kaagapay para sa academics lang pero ngayon mas importante na yung mas magandang relasyon sa pamilya
09:51at saka sa komunidad.
09:53Babala ng DILG, mas marami ng panganib sa internet lalo na ang mga nihilistic websites.
09:58Doon natututo ang bata na mag-ibang isip, mag-ibang larangan, mag-ibang kanilang matikain.
10:06Nangyari na po tatlong beses.
10:08Si Selly, official ng Students para sa Teachers Association, batid daw na iba na talaga ang panahon ngayon.
10:14Mahilag ngayon may GC, doon mo makikita na meron palang nangyayari na sa kanila yung mga bata na nagtatalo-talo
10:21na pala.
10:22Pero ngayon, medyo ang maliwanag para sa amin kasi natutulungan kami kung paano namin sila i-handle.
10:29Panawagan niya sa mga kapamagulang, mas maging aktibo sa buhay ng kanilang mga anak at kanilang mga aktibidad sa eskwelahan
10:36para mabawasan ang karasan sa kanilang pangalawang tahanan.
10:40Rafi Tima, nagbabalita para sa GMA News.
10:48Patuloy na nagpapagaling si Poplio XIV kasunod ng operasyon para tanggalin ang maliit na nodule sa kanyang baga.
10:55Ayon sa Vatican Press Office, nakakakilos at nakakakain na ng maayos ang Santo Papa sa kanyang hospital room.
11:02Normal din ang lumabas na resulta sa blood tests at chest x-ray ng Santo Papa matapos ang operasyon.
11:08Kahapon, pinangunahan ni Cardinal Luis Antonio Tagliang Misa sa St. Peter's Square para sa paggaling ni Pope Leo XIV.
11:16Binasa niya rin ang homily na inihanda mismo ng Santo Papa.
11:25Natagpuan patay at nakasilid sa sako ang isang babaeng limang araw na wala sa Talisay Negros Occidental.
11:31Ayon sa pulis siya, isang tanod ang nagsumbong sa kanila kaugnay sa sako na natagpuan ang dalawang trabahador ng manukan.
11:38Doon din sa manukan nagtatrabaho bilang labandera ang 33-anyos na biktima.
11:43Nang kausapin ng pulisya ang dalawang trabahador, kaduda-duda raw ang kanilang pahayag.
11:48Kalaunan, umamin ang mga trabahador sa krimen.
11:52Sasalaysay sa pulisya ng isa sa kanila, pinalo niya ng kahoy ang biktima ng hindi siya pahiramin ng isang libong
11:58piso.
11:59Pagkatapos sinakal daw niya at ng kanyang kasama ang babae at pinagsamantalahan.
12:05Dagdag ng pulisya, umamin din ang dalawa na gumagamit sila ng iligal na droga.
12:10Nahaharap ang dalawang inarestong trabahador sa reklamong murder.
12:14Tumanggi silang magbigay ng pahayag sa media.
12:23Patong-patong na reklamo ang inarekomendan ng National Bureau of Investigation
12:27labas sa kontraktor ng flood control projects sa Davao City na Genesis 88 Construction Incorporated.
12:33Yan ang falsification and use of falsified documents, malversation at paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
12:40Ang rekomendasyon ay kasama sa mga dokumentong isinumintin ng NBI sa DOJ kaugnay sa embestigasyon nila sa apat na flood
12:48control projects na hawak ng Genesis 88.
12:51Napansin ang NBI na pinapalitan lang ang mga petsya, geotagging information at itsura ng larawan para daw makakubra ng bayad
12:58sa iba't ibang river projects.
13:00Ang ibang mga larawan, meron pang mga petsyang wala sa kalendaryo tulad ng February 29, 2023 at February 30, 2023.
13:10Batay sa impormasyon ng GMA News Research, top flood contractor sa Davao Region ang Genesis 88.
13:16Nakakuha ito ng 7.3 billion pesos na halaga ng kontrata sa Davao City na karamihan ay flood control projects.
13:24Sinusubukan pa ng GMA News na kunin ang panig ng Genesis 88 kaugnay sa mga obserbasyon ng NBI.
13:40Celebrating their fifth wedding anniversary, si Sparkle star Glyza de Castro at mister na si David Rainey.
13:47I-pinose ni Glyza ang ilang highlights ng kanilang married life.
13:52Sabi ni Glyza, five years ago ay kinasal siya kay David na itinuturing niyang Amazing Man.
13:58Shinare niya ang larawan ng handwriting ni David mula sa kanilang Japan trip last year.
14:04Hiling ni David magkaroon sila ng dalawang baby.
14:07Ngayon, expecting na sila sa kanilang first baby.
14:10Grateful si Glyza kay David na sabi niya ay kasama niyang tatanda, mga ngarap, bubuo ng pamilya at paulit-ulit
14:18niyang pipiliin.
14:19October 2021, ang unang ikinasal si Glyza at David sa Ireland.
14:24January 2023, sinagawa ang ikalawang wedding sa Pilipinas sa Zambales.
Comments

Recommended