00:00Nagbabala ang mga eksperto na lubhang delikado sa kalusugan
00:04ang nararanasan ngayong haze mula sa nasusunog na kagubatan sa Indonesia.
00:11Hindi pa matiyak ng pag-asa kung hanggang kailan ito mararanasan.
00:15Kaya ang payo po sa publiko, mag-face mask kung lalabas ng bahay.
00:21Nakatutok si Jonathan Andal.
00:26Sa isang tingin pa lang, makikita ng hindi maganda ang kalidad ng hangin sa Metro Manila.
00:32Ganito rin ang sitwasyon sa mga karatig lugar.
00:34Nag-abiso na ang Maynila na mag-face mask ang mga tao dahil sa usok.
00:39Kinakata?
00:40Yan nga po, makaget po ng pollution na maalanghap ko po yung usok.
00:44Actually po, nakamask po ako kaninang umaga kaso po hindi na po ako makahinga kasi sa mask.
00:49Mag-face mask po sana ako ngayon kaso po hindi po ako nakabilahin.
00:53Eh, mainit po kasi, pinagpapawisan.
00:56Kay mayors ko, ang sinasabi niya na para lang protection din lang naman daw ng mga tao.
01:03O, yung dahil sa Indonesia.
01:06Sa Quezon City, nag-cancela na ng pasok sa kindergarten hanggang grade 12,
01:11pati ALS o Alternative Learning System dahil sa delikadong kalidad ng hangin ngayon.
01:16Kung titignan ang air quality ng Metro Manila ngayong araw, puro purple at pula ang kulay.
01:21Delikado yan dahil kapag pula, ibig sabihin, very unhealthy.
01:25Mas malala kapag purple.
01:27Acutely unhealthy.
01:29Sabi ng Department of Environment and Natural Resources, o DENR,
01:33kulay orange o unhealthy for sensitive groups lang ang kadalasang kalidad ng hangin sa Metro Manila.
01:39At tuwing rush hour lang kapag marami ang sasakyan.
01:41Pero kanina, buong araw hindi maganda ang kalidad ng hangin.
01:46At mas malalapas sa rush hour air quality.
01:49Pinakamataas ang air quality index o hindi maganda ang kalidad ng hangin
01:53sa Paranaque, Katipunan, Quezon City, Las Piñas, Maynila, Taguig, Malabon, Valenzuela, Marikina, Muntinlupa at Mandaluyong.
02:02Masama rin ang kalidad ng hangin kanina sa Palawan, pati sa Maykawayan, Bulacan.
02:06Particulate matter o PM 2.5 ang sinukat sa kalidad ng hangin.
02:11Sobrang liit nito na lumulutang sa hangin na kapag pumasok sa katawan at magdeposito,
02:17pwedeng bumara sa daluya ng hangin pati sa ugat.
02:20So pag ito pong isang buhok natin, isang piraso ng buhok,
02:24hinati po natin into 30.
02:27Ganyan po kaliit ang 2.5 microns.
02:30So yan po yung maliit na nakasuspend sa hangin na potentially pwede pong makapasok sa ating baga, sa ating daanan
02:39ng hangin.
02:41Pinakadelikado ito sa mga bata, matatanda, pati yung mga may sakit sa baga at puso.
02:46Sabi ng Department of Health, ang haze pwedeng magdulot ng mahirapang huminga,
02:51ubo, pananakit ng dibdib, watery eyes, nasal irritation, at paglala ng mga sakit sa baga gaya ng asthma.
02:58Sabi ni Dr. Irene Tan, dumaming ngayon ang mga pasyente niyang nagpakonsulta dahil inatake ng malalang asthma.
03:04Payo niya manatili sa bahay na nakasara ang mga pinto at bintana at gumamit ng air filtration system.
03:10Pero kung di maiwasang lumabas, gumamit doon ang face mask.
03:14Pero hanggang kailan ang ganito kalalang kalidad ng hangin?
03:17Hindi pa natin mas eksaktong araw o timeline kung kailan ito mawawala.
03:26Ngunit, base naman sa mga forecast ng pag-asa, like ngayon pong hapon at saka bukas po daw,
03:33darating na araw ay uulan naman, may natural scrubbing mechanism po yan,
03:38kung saan ay rilinis dito yung mga fine particles at maaaring hong ma-address naman yung problema na level pollution.
03:45Jonathan Andal, nakatutok 24 oras.