Skip to playerSkip to main content
24 Oras: (Part 1) 15yo na shooter sa Tacloban, kakasuhan; Hulicam na pamamaril sa Manila at Caloocan; Not guilty plea para kay Estrada, atbp.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Magandang gabi po, Lujon Visayas at Mindanao.
00:05Patong-patong na kalbaryo ang sinapit na isang pamilya sa Sampaloc, Maynila,
00:11na umaapila ng tulong at husisya.
00:14Habang nakaratay kasi ang ina sa isang ospital dahil po sa leptospirosis,
00:19may walang habas na namaril sa kanyang anak sa kanilang lugar.
00:24Hinala ng polisya, binabawian ng suspect ang ama ng biktima.
00:28Pero may ibang hinala ang ama.
00:30Sensitibo po ang nahulikam na krimen at nakatutok si Jomer Apresto.
00:42Patay ang 14-anyos na si Gab matapos barilin sa bahagi ng Lacson Avenue sa Sampaloc, Maynila,
00:48pasado alas 8.30 kagabi.
00:50Sa kuha ng CCTV, may kita ang biktima na nakatayo sa Center Island
00:54kasama ang ilang minority-edad na kaibigan.
00:56Maya-maya, may kita ang gunman na lumapit sa kanila at pinaputokan ang biktima.
01:02Tumakbo palayo ang salarin.
01:04Ang biktima isinakay sa tricycle para dalhin sa ospital.
01:07Makalipas ang ilang oras, namatay din ang biktima dahil sa tama ng bala sa kanyang ulo.
01:12Ayon sa opisyal ng barangay 429, residente ng barangay 432 ang gunman.
01:17May anggulo umano na tinitignan ng mga otoridad na posibleng binawian ng gunman ang tatay ni Gab.
01:23Nagkakaso siya, nakulong siya, which is grave threat.
01:25Ngayon, yung nabaril yata yun, yung bata, ang tatay nun, yun yung tinutukan ng baril,
01:32nung mismong perpetrator natin.
01:34Hindi ko rin alam kung doon o sa grupo nila ang cost ng pamamaril.
01:39Mariin naman itong itinanggi ng 33-anyos na tatay ng biktima.
01:43Ayon sa kanya, kilala talagang siga sa lugarang gunman at posibleng napagtripan lang umano nito ang kanyang anak.
01:50Trip lang po, tinanong niyang araw po yung mga bata.
01:52Matigas lang kayo, magsasalita pa lang po yung anak ko, binaril niya na kaagad eh.
01:57So kuha mo na lang, huwag mo na aming pairapan.
02:01Para matahimik lang din kami pare-pareho pati yung anak ko.
02:04Labis daw ang pagdadalamhati ng pamilya.
02:06Hindi man lang daw siya nasilayan ng kanyang ina na nakaratay ngayon sa ospital dahil sa leptospirosis.
02:24Ayon naman sa barangay kung saan residente umano ang gunman, hindi na nila mahagilap ang sospek.
02:30So par, hindi pa po siya makita at nakikipag-coordinate naman ang ating mga kapulisan.
02:37Wala pa ang feedback regarding sa kinaroroonan niya.
02:43Patuloy ang follow-up operation para mahuli ang gunman at malaman ang totoong motibo sa pamamaril.
02:50Jomer Apresto nakatuto, 24 oras.
02:53Huli kam din sa Kaluokan.
02:55Awalang awang pamamaril sa isang dayuhang negosyante.
02:59Tinutuka niya ni Gabriel Gonzalez.
03:06Sa mataong bahagi ng Kamarin Road sa barangay 178 Kaluokan nitong Martes ng gabi,
03:12nakita ang lalaki ito na paalis sakay ng motorsiklo.
03:16Maya-maya pa, binaril siya ng lalaking nasa kanyang likuran.
03:20Tumakas palayo ang gunman.
03:22Dead on the spot ang lalaki na napagalamang isang dayuhan at may ari ng isang stall ng sigarilyo sa mall
03:29sa Kaluokan.
03:29Maraming tao ngayon, ang ginawa namin, kinordunan namin yung karya doon sa ano.
03:35Mayroong pistol doon sa mall, yung tao na yun.
03:39Nagpapatuloy ang investigasyon ng pulisya at pagtugis sa gunman.
03:42Isa sa mga tiniting ng motibo sa pagpatay ay kung may kinalaman ito sa kanyang negosyo.
03:48Mag-aalis 5 naman na madaling araw nitong Martes.
03:51Huling nakita ang isang lalaki na edad si 73 anyos na nakasuot ng itim na sando at nagja-jogging sa
03:58bagong silang Kaluokan City pa rin.
04:00Mula noon, hindi na umuwi ang senior citizen kaya nagpatulong sa mga otoridad ang kanyang mga kaanak.
04:06Kahapon, natagpuan siyang patay sa creek sa barangay 175.
04:10Medyo looban pa yung pinasok namin.
04:12Mayroong mga bystander doon na nagtuturo na sa amin kung nasa ang banda yung bangkay.
04:17Nandoon siya sa may gilid ng creek sa tubig.
04:20Pero nagdaan po muna kami sa station ng pulis para i-coordinate po yung tawag sa amin.
04:28Pinalam din po namin sa kanila.
04:29Agad, pinroseso ng pulisya ang bangkay ng biktima.
04:32Positibo siyang kinilala ng kanyang pamilya.
04:35Tumanggi munang magbigay ng pahayag ang pamilya habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
04:40Hinihintay rin ang resulta ng otopsy.
04:43Gabriel Gonzalez, Nakatutok, 24 Horas.
04:47Iginiit ng pamilya ng isa sa dalawang Pilipinong nasawi sa Strait of Hormuz
04:52na ginamit ng kanilang kaanak ang karapatan nitong tumangging maglayag sa lugar na piligroso.
04:59Iniimbestigahan na ng Department of Migrant Workers kung nalabag ang karapatan yan.
05:04At nakatutok si JP Soriano.
05:09Nito lang August 6 nang sumampas sa isang Saudi Arabia flagpole tanker na si Deer,
05:14ang 28 taong gulang na seaman na si Rodrigo Favis.
05:18Pangarap niyang makaipon para sa kanyang pamilya sa Laguna.
05:21Pero sa isang iglab, hindi na yan matutupad.
05:25Nasawi kasi si Favis sa pag-atake ng Iran sa sinasakyang barko nang dumaan sa Strait of Hormuz.
05:31Personal niyang itinarating sa kanyang ina na mga tauhan ng kanyang non-agency.
05:35Kasi hindi ko ba talaga, hindi ko ba tanggap, sir.
05:41Kasi ano kanyang mapatabahit po niyan.
05:50Nakas-lakas pa niya nung umalis po siya.
06:04Iniutos na ni Pangulong Bongbong Marcos ang agad na pagtulong sa pamilya ni Favis
06:08at ng isa pang Pilipinong nasawi rin sa insidente.
06:12Ibigay lahat ng kailangan nila, pati ang benetisyo, compensation, insurance proceeds
06:20na naaangkok at na dapat ibigay sa ating kababayan na nasawi.
06:28Kaya pinuntahan ni Department of Migrant Workers o DMW Secretary Hans Cacta
06:33ang pamilya ni Rod upang ipaabot ang pakikiramay at mensahe ng Pangulo.
06:39Yung agency, manning agency, nakausap na rin natin.
06:43Yung ship owner representative, nakausap na rin natin ng ating labor attache,
06:50both in the UAE and Oman.
06:52Ipinarating ng pamilya sa kalihim na ginamit naman ni Favis
06:55ang kanyang right to refuse sale o yung karapatang tumangging sumampa sa barko
07:00ng malamang dadaan ito sa State of Hormuz.
07:03Yung kapatid ko, hindi talaga yung aakit ng barko na kung doon yung daan sa Street of Hormuz.
07:12Kasi yun yung usapan naming dalawa, personal yun.
07:15Na malaman niya na dadaan doon, wala na siyang magawa.
07:19Gusto niya na mag-back out talaga eh.
07:22Wala, nandun na siya eh.
07:23Binasa rin na kinakasama ni Favis ang text niya.
07:26Kaugnay niyan.
07:27Mag-transit kami Hormuz ngayon.
07:29Baka di muna ako makachat ilang araw.
07:31Mag-exit kami, biglaan lang eh.
07:33Nung nagtanong lang po siya, doon niya lang po nalaman na mag-Hormuz daw po.
07:36Wala pang tugon sa ngayon ang local manning agency ni Favis sa Pilipinas
07:40nang hingan namin ng paliwanag.
07:42Pero tiniyak ng DMW na may pananagutin ito
07:45dahil hindi maaaring labagin ng barko ang right to refuse sale.
07:49We continue to remind our ship owners to be mindful of the DMW requirements
07:55such as risk assessment prior to assuming the voyage,
08:01making sure that there are enough security protocols,
08:07escorts ng ships as they cross the dangerous waters.
08:10We will also look into this matter as we investigate this incident.
08:14Ayon sa ulat na natanggap ng DMW,
08:16mula sa east coast ng United Arab Emirates
08:19ay lumapit ang Sinir oil tanker patawid sa bahagi ng Strait of Hormuz.
08:24Doon ito tinamaan at nagliyap.
08:27Yung katawan ng anak ko,
08:29dahil gusto ko po maipaimbestigaan po talaga kung ano yung talagang nangyari doon.
08:34Ayon sa DMW, naka-ret alert pa rin o high-risk zone ang Strait of Hormuz.
08:38Kaya pinapaalalahanan ang mga ship owner na huwag kitaan dito ang mga barko.
08:44Bago ang insidente ito,
08:45ay may tatlong Pilipinong marinong nasawi na rin sa pag-atake sa Strait of Hormuz.
08:50Isa naman ang nananatiling nawawala.
08:54JP Soriano,
08:55Nakatutok 24 oras.
08:58Nagkain ang not guilty plea ang Sandigan Bayan para kay Sen. Gingoy Estrada.
09:02Para po sa kasong plunder at ground,
09:04kaugnay ng flood control projects sa Occidental Mindoro at Bulacan.
09:08Nakatutok si Baki Pulido.
09:13Dahil sa problema sa kanyang tuhod,
09:16nakasaklay na dumating si Sen. Gingoy Estrada sa Sandigan Bayan.
09:20Kaya naman hindi na siya pinatayo ng mga maestrado
09:23ng basahan ng sakdal sa kasong plunder at graft.
09:26Dahil tumangging maghain ng plea si Estrada,
09:29Korte ang naghain ng not guilty plea para sa kanya.
09:32Ang kaso ay kaunay ng diumanoy sa buwata ni na Estrada
09:36at mga dating opisyal ng Department of Public Works and Highways o DPWH
09:40para makatanggap ng komisyong aabot ng 25%
09:44mula sa mga flood control projects sa Occidental Mindoro at Bulacan.
09:49Nauna nang nabasahan ng sakdal ang tatlong kapwa akusado ni Estrada
09:52na mga dating opisyal ng DPWH.
09:56Natuloy na ang arrangement ni Estrada
09:57nang lumabas ang desisyon ng Korte sa amended information
10:01kung saan tinanggal bilang akusado si dating DPWH
10:05Secretary Manuel Bonoan at ginawang state witness.
10:09Dahil dito, mag-i-issue na rin ang release order para kay Bonoan
10:12na naka-detain sa PNP General Hospital sa Karakrame
10:16mula ng sumurender.
10:17We will exhaust all legal remedies available to us
10:24as advised by my lawyers.
10:26May kinakaharap na isa pang count ng graft si Estrada
10:29sa Sandigan Bayan 2nd Division.
10:31Sa kasong ito naman, tanging si Bonoan ang kapwa niya akusado
10:35at hindi pinayagan ng 2nd Division na matanggal si Bonoan
10:39para maging state witness.
10:40Bukas inaasahan ng arraignment sa kasong graft ni Estrada at Bonoan
10:44sa 2nd Division.
10:46Nang kumustahin naman ang kanyang tuhod,
10:48sabi ni Estrada.
11:01Mackie Pulido, nakatutok 24 oras.
11:05Patuloy pa rin, nagpapaulan ng habagat sa Luzon at Visayas.
11:09Sa Zambales, may mag-ama pang inanod sa ilog.
11:13Nakatutok si Ivan Mayrina.
11:19Sunod-sunod na pagbagsak ng tipak ng bato.
11:23Ang tuloy ang humarang sa kalsada sa Sityo Orzadan sa Suyo, Ilocosur.
11:27Ang video, nakuhana ng motorisang patawin sana
11:30na mangyaring insidente.
11:32Nagsagawa na ng clearing operation sa lugar.
11:36Dahil naman sa tuloy-tuloy na pagulan sa Vigan, Ilocosur,
11:40nagmisulang ilog ang ilang kalsada.
11:46Sa lawag Ilocosorte naman, halos mag-zero visibility.
11:52Sa Botolan Zambales, patay ng natagpuan ang isang lalaking na wala
11:55kasunod ng pagtangay ng agos ang ilog sa sinasakyan nilang kariton.
12:00Hinahanap ang anak niyang pitong taong gulang.
12:02Ayos sa motoridad, pauwi na mag-ama.
12:05Nambiglang lumakas at bumilis ang agos ng tubig mula sa kabundukan.
12:08Tumilapan at tumawabang kariton bago tangay ng agos ang dalawa,
12:12pababa ng ilog.
12:14Isang motorsiklo naman ang tumirik sa binahang kalsada sa Payete sa Laguna.
12:18Ayos sa pag-asa, patuloy na nakakapektong habagat sa Luzon at Visayas
12:22na nagdadala ng maulap at kalat-kalat na ulan.
12:28Sa batanis nga, ramdam ang malakas sa hangin sa naglalaki ang alon.
12:32Iban may rin na nakatutok 24 oras.
12:36Yak ng kakasuhan ng frustrated at attempted murder
12:40ang labing limang taong gulang na shooter sa Tacloban,
12:43kung saan tatlo ang nasa winitong Hunyo.
12:45Yan po ay matapos matukoy na may discernment siya
12:49o nauunawaan na kung ano ang tama at mali.
12:52Nakatutok si Mark Salazar.
12:59Ang pamamaril sa loob ng paaralan sa Tacloban City noong June 22
13:03natapos sa pagkamatay ng tatlong estudyante
13:06habang may iba pang mga nasaktan.
13:08Ang mga shooter, isang 14 at isang 15 anyos lamang.
13:12Dahil mga minordi edad,
13:14pinag-aralan ng Department of Justice
13:16kung maaari silang makasuhan sa ilalim ng batas.
13:19Ang desisyon, kakasuhan na ang 15 anyos na child in conflict with the law
13:24ng frustrated murder at attempted murder
13:27matapos makitang nakipagsabuatan siya sa kasamang 14 anyos.
13:32Our prosecutors in Tacloban City have ordered
13:36four counts of frustrated murder and six counts of attempted murder
13:41filed against the 15-year-old classmate accused of opening fire
13:47during the 22 June 2026 incident
13:52at the San Juan National High School
13:55after our prosecutors found that he acted with discernment
14:00and in conspiracy with a second minor.
14:04Mahigit kalahating milyong piso ang itinakdang piyansa para sa kanya.
14:08Sa ilalim ng batas, walang pananagutang kriminal
14:11ang mga batang wala pang edad 18.
14:13Pero, ang mga mahigit 15 anyos, maaaring makasuhan
14:18kung makikitang ginawa nila ang krimen
14:20nang may discernment
14:21o nauunawaan niya ang krimeng ginawa.
14:24The CICL has shown his ability to distinguish between right and wrong
14:32and still proceeded to commit the wrong.
14:36So, his acts prior, during and after the incident
14:41would form the context within which to determine discernment.
14:47Ang 15 anyos na shooter lang ang kakasuhan
14:50habang ang kanyang 14 anyos nakasama
14:52isa sa ilalim lamang sa rehabilitasyon.
14:55Kahit pa lumalabas sa investigasyon
14:57na ang mas batang shooter
14:59ang nakapatay sa tatlong biktima ng mass shooting.
15:02The 14-year-old is a minor
15:05so the criminal process will not apply to him.
15:09But the intervention or the jurisdiction over him
15:14is now under the local social welfare and development office.
15:20Because 14-year-old is exempt from criminal liability.
15:24Ang kanyang tiyahing polis na sinasabing may-ari ng baril
15:27na ginamit sa pamamarel
15:29ay nauna ng pinakasuhan ng DOJ
15:31ng reckless imprudence
15:32resulting in multiple homicide and physical injuries.
15:37Mark Salazar, nakatutok 24 oras.
15:45Good evening mga kapuso.
15:47Ika nga, you will not get over the loss of a loved one.
15:50You'll only learn to live with it.
15:52Kaya naman bittersweet para kay Ashley Rivera
15:54ang kanyang bagong life milestone
15:56na hindi niya maibabahagi sa kanyang yumaong ina
15:59na nakipaglaban sa cancer.
16:01Makitsika kay Nelson Kanda.
16:06I'm not okay, to be honest.
16:08It's only been two months.
16:12Sa gitna ng masayang media conference
16:14para sa bagong showbiz roundup show na Kalurks,
16:17napaiyak si Ashley Rivera
16:19nang matanong tungkol sa mga pinagdaanan niya
16:22nitong nagdaang mga buwan.
16:24Nitong Hunyo lang,
16:25Ashley lost her mom
16:26matapos makipaglaban sa sakit na cancer.
16:29I'm really trying my best
16:31to just stay positive.
16:34And I'm really happy kasi nga,
16:38uy, ano ba ito?
16:39Kasi first time ko magkaroon ng gantong klaseng show
16:42and it just sucks na I won't get
16:45to share it with my mom
16:46because she's my number one fan.
16:48And like I always say,
16:50I feel like I'm grieving for two people
16:52because I didn't just lose my mom,
16:53I also lost my best friend.
16:56Sa kabila niyan,
16:57nagpapasalamat pa rin si Ashley
16:59dahil patuloy na natutupad
17:01ang kanyang mga pangarap
17:02na inaalay niya sa kanyang ina.
17:04Ever since nawala siya,
17:06tuloy-tuloy pa rin naman yung blessings ko
17:08and I know na she's really guiding me
17:13every single day.
17:15Kelurker Ashley!
17:17Kabilang sa blessings na natatanggap ni Ashley,
17:20ang newest talk show na Kalurks.
17:22Makakasama niya dito
17:23ang lovable DJ and host na si Jai Ho.
17:27Hindi mawala yung challenge para sa akin
17:29araw-araw
17:30kasi di ba hindi naman
17:31nobody's perfect
17:32so may mga pagkakataon
17:34na hindi lahat alam ko
17:35at ayoko naman maging know it all.
17:37I love your imperfection.
17:39Yes!
17:39Yun nga yung nagugustuhan
17:40ng mga tao, di ba?
17:41So siguro i-imperfect ko na lang lagi.
17:43Hindi!
17:44Hindi siya rin!
17:45Hindi siya rin lang!
17:45Hindi siya rin lang!
17:46Hindi, joke lang!
17:46Here's our Baos Rupo!
17:49Mati ang unang hirit hostmate
17:51and the people have spoken
17:53celebrity Pete,
17:54Baos Rupo
17:55at Kalurker Baos
17:57Mas mapapalaban nga raw sa Kalurk si Baos
18:00na recently ay nag-viral
18:02dahil sa kanyang oops moment sa TV.
18:05Kaya naman mga kapamilya
18:13Hopefully unintentional, di ba?
18:15So I think tama naman parang
18:16the imperfections make us interesting
18:19but of course I would like to do a very good job.
18:21I would love to hit my mark consistently
18:23and hopefully in doing that
18:25I don't commit any mistakes along the way.
18:27There is a responsibility
18:29to still come from the truth, di ba?
18:32So that is something I take very seriously
18:33and I'm very excited to learn
18:35from mga haligi ng industriya, di ba?
18:38So that is something I welcome
18:40with open arms and an open heart
18:41kasi kapuso tayo.
18:43Yes!
18:45Kalurk, it's your newest Sunday night
18:47at Jismi Sun!
18:48Nelson Canlas, updated sa Showbiz Happening!

Recommended