Skip to playerSkip to main content
Narito ang mga nangungunang balita ngayong September 4, 2026

- Walang tigil na ulan, naranasan sa Castillejos, Zambales kaninang madaling araw | Ilang bahagi ng Brgy. Santa Fe, nalubog sa lahar; eskuwelahan at kabuhayan ng mga magsasaka, apektado | San Marcelino LGU: Timog na bahagi ng Brgy. Sta. Fe, idedeklarang "no build zone" | 35-anyos na lalaking inanod ng ilog, bangkay na nang matagpuan; kaniyang 7-anyos na anak, hinahanap pa

- Kalsada sa Vigan, nalubog sa baha | Landslide, nahuli-cam | Halos zero visibility sa ilang lugar, epekto ng malakas na ulan | Bahay, muntik nang madamay matapos bumigay ang bahagi ng dike

- Ilang negosyo sa Dagupan City, nalulugi na dahil sa ilang linggong pagbaha | Ekonomista: Mga negosyante, mas mainam kung makasabay sa nagbabagong panahon

- Sen. Zubiri: Pagbaba sa botong kailangan para mahatulan si VP Sara Duterte, napag-usapan uli ng senator-judges | Sen. Zubiri: Impeachment trial, posibleng tapos na sa Disyembre

- Paglaya ni dating DPWH Sec. Bonoan, iniutos ng Sandiganbayan 5th Division | PNP, tinitiyak muna na walang ibang arrest warrant si Bonoan bago siya palayain

- Not guilty plea, inihain ng Sandiganbayan 5th Division para kay Sen. Jinggoy Estrada para sa kasong plunder at graft | Kampo ni Sen. Estrada, tumangging maghain ng plea dahil hindi sila sang-ayon sa amended information

- Alex Eala, pasok sa Round of 32 ng U.S. Open; natalo niya si Oleksandra Oliynykova ng Ukraine


Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).


For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:12Transcription by CastingWords
00:39Transcription by CastingWords
01:00Mula sa Himpapawid, kita ang lawak na mga nalubog sa lahar sa barangay Santa Fe sa San Marcelino, Zambales.
01:07Hanggang binti ang lahar sa Santa Fe National High School.
01:11Nagiging pag-ugnayan na raw ang munisipyo sa Department of Education para mapabilis ang paglilinis ng paaralan.
01:17Noong nakaraang buwan, rumagasa rin ang lahar sa iba't ibang bahagi ng barangay.
01:22Kinailangan ding ayusin ang kahoy na tulay na nagdurugtong sa hilaga at timog na bahagi ng barangay para maituloy ang
01:28pagbibigay tulong sa mga nasalantang pamilya roon.
01:32August 10 ang masira ang tulay dahil sa matinding pagragasa ng ilog dahilan din kaya na-isolate ang mahigit isanlibong
01:39pamilya.
01:40Pahirap pa rin ang lahar sa pagbibigay ng tulong, lalo kapag walang tigil ang malakas na ulan.
01:46Ang mga lupain na tabunan ng lahar, hindi na mataniman kaya apektado ang kabuhayan ng mga residenteng nagtatanim ng palay,
01:54mais, kamote at gulay.
01:56Pag umuulan, may mga na-erode dun sa pinagdadalan natin para makapunta po tayo sa Santa Fe.
02:03May mga eroded portions na hindi pwedeng makadaan yung mga sasakyan.
02:10Pusible pa ang flash floods at lahar flow ngayon dahil sa mga pagulan.
02:15Ang ating operation center ng MDR mo ay continuous po, 24-7 na nagmamonitor.
02:20May mga threat pa rin po ng lahar flow kasi even dun po kasi sa Santa Fe River, hindi lamang
02:27siya purely water, may mga pyroclastic materials.
02:31Ayon sa LGU, i-dedeklara ng no-build zone ang timog na bahagi ng barangay Santa Fe.
02:37Kaya sa hilagang bahagi na nito itatayo ang barangay hall at paaralan.
02:41May pangmatagalang plano na raw para sa pagtatayo ng mga bagong imprastruktura sa barangay.
02:47Sa bayan ng Botolan, bangkay na nang matagpuan ang 35-anyos na lalaking inanod sa ilog.
02:54Hinahanap pa ang 7 taong gulang niyang anak.
02:56Ayon sa Philippine Coast Guard, pauwi na ang mag-amasakay ng karitong hinihilan ng kalabaw.
03:02Nang dumating ang rumaragasang tubig mula sa bundok at itinaob ang kanilang kariton.
03:08Itong unang balita, EJ Gomez, GMA News.
03:15Nakaranas ng baha at landslide ang Ilocos Provinces dahil sa hanging habagat.
03:19Binaha ang ilang kalsada sa Vigan, Ilocos Sur.
03:23Nahirapan tuloy ang ilang motorista kaya ginamit ng iba sa kanila ang mas mataas na sidewalk para maiwasan tumirik ang
03:30kanilang sasakyan.
03:31Ayon sa ilang residente, bumaha sa lugar dahil mabilis umapaw ang mga kanil kasunod ng ulan.
03:36Nakuna naman ang video ang pagbagsak ng mga bato mula sa bundok papunta sa isang kalsada sa barangay Orzadan sa
03:46Suyo.
03:46Dahil sa landslide, walang nakatawid ng mga motorista.
03:49Binayo rin ng malalakas na ulan at hangin ang lawag Ilocos Norte.
03:53Halos na zero visibility sa ilang kalsada.
03:56Muntik na mamadamay ang isang bahay matapos bumigay ang isang dike sa barangay Lataag sa Lawag.
04:03Dati na raw nakitaan ng bitak ang dike bago nangyari ang pagguho.
04:08Itong Marso lang daw natapos ang Flood Control Project.
04:12Nagsagawa na inspeksyon ang City Engineering Office at DPWH.
04:15Agad daw aayusin ang nasirang dike.
04:18Nagbigay ng ayuda ang City Disaster Risk Reduction and Management Office sa pektadong pamilya.
04:30Nalulugi na ang ilang negosyante sa Pangasinan dahil sa nagpapatuloy na baha.
04:35May unang balita live si Jasmine Gabriel Galvano, GMA Regional TV.
04:40Jasmine.
04:45Igaan kanya-kanyang diskarte ngayon ng mga negosyante para kumita.
04:49Ngayong lubog pa rin sa baha ang downtown area o ang sentro ng Kalakalan sa Dagupan City.
04:56Sa ilang linggong pagbaha na naranasan sa ilang lugar sa Dagupan City,
05:01apektado ang kalakalan sa syudad.
05:03Ang negosyanting si Edison na pilitan ng buksan ng pwesto sa Rizal Street para kahit na paano makabawi ng kita.
05:10Apektado na rin daw kasi ang kabuhaya ng kanyang mga empleyado.
05:13Siyempre may mga customer, kailangan nila ng support.
05:17Kung hindi kami nakbukas, saan silang kukuha ng gamit?
05:22Yun ang purpose namin para makatulong din naman sa customer.
05:26Ang pwesto namang ito sa AB Fernandez,
05:28hindi naabutan ng baha kaya hindi raw epektado ang pagbubukas ng negosyo nitong mga nakaraang linggo.
05:34Gayunman, lugi ang negosyo dahil pa rin sa kukunting bilang ng mga namimili.
05:38Oo, matumal pa rin kasi yung bahay matadaanan nila kaya hindi silang pupunta rin ito.
05:45Malulugi talaga at alawang customer gano.
05:47Ayon sa isang ekonomista, mas mainam kong makasabay rin ng mga negosyo sa nagbabagong panahon.
05:54These are difficult times kasi ano.
05:56Extraordinary yung ating sitwasyon ngayon dahil na rin sa climate change.
06:01We hope really na ang mga business sector ay maka-adopt din sila.
06:06Dagdag pa nito, may mga priority na rin daw sa pamimili ang mga consumer.
06:11Inuuna natin yung mga mas important.
06:14Ina-anticipate natin na may mas mahalaga pang mga pupwede tayong makaharap na mga gastusin.
06:24Igan, kumpara noong nakaraang mga araw ay bumaba ng antais ng baha.
06:28Dito nga sa may downtown area sa lungsod ng Dagupan,
06:31nakakadaan na ang public transportation gaya na lamang ng mga jeep.
06:35Samantala, umaasa ang mga negosyante na sa pagbaba ng antas ng baha
06:38ay makapagbukas na sila ng kanilang mga pweso establishmento ngayong umaga.
06:43Igan?
06:44Maraming salamat.
06:46Jasmine Gabriel Galban ng GMA Regional TV.
06:57Napag-usapan muli ng Senator Judges na ibaba ang bilang ng boto na kailangan para sa hatol
07:03kay Vice President Sara Duterte ayon kay Senador Migs Zubiri.
07:06Batay sa saligang batas, two-thirds o labing-anim mula sa 24 na senador
07:11ang kailangan para makonvict ang bisi.
07:13Yan din ang sinabi ng impeachment court presiding officer Cheez Escudero
07:17sa unang araw ng impeachment trial noong July 6.
07:20Pero dahil kulang ang mga senator-judge na nakakadalo sa impeachment trial,
07:25maaaring mas kaunti rin ang boto na kailangan para sa hatol.
07:28Nakakulong si na Senador Gingue Estrada at Senador Rodante Marcoleta.
07:32Nagtatago si Senador Bato de la Rosa na wanted na International Criminal Court.
07:36Naka-medical leave naman si Senador Loren Legarda simula August 3.
07:40Sabi ni Zubiri, posibleng tapos na sa Desyembre ang impeachment trial.
07:44Buong arawan niya ang trial sa October 1 at 2, October 5 hanggang 9, at October 12 hanggang 15.
07:51Bukod sa impeachment trial, nagsimula na rin ang mga pagdinig para sa 2027 national budget
07:56at iba pang pagdinig at pulong para pag-usapan ang mga panukalang batas.
08:01Sa dami ng dapat gawin ni Lina o ni Zubiri, ang kanyang naunang pahayag na pagod na pagod na siya.
08:09Sa totoo lang, Mr. President, Mr. Presiding Officer, pagod na pagod na ako.
08:1312-hour days po tayo dito. From 9 to 9, nandito po tayo.
08:17So you're not complaining, sir? You're just being honest?
08:20I'm being honest. It doesn't matter kung pagod na pagod ako.
08:23Gagawin namin ang aming tungkulin bilang Senador at impeachment court judges.
08:28If we have to work 24-7, gagawin namin 24-7.
08:35Inutos ng Sandigan Bayan 5th Division na palayain si dating Department of Public Works and Highway Secretary Manuel Bonoan.
08:42Ito'y matapos alisin si Bonoan bilang kapwa-akusado sa mga kasong plunder at graft kaugnay
08:47sa 573 million pesos na kickback o mano sa flood control projects.
08:53Hinilingyan ang ombudsman para maging state witness si Bonoan sa investigasyon sa flood control scandal.
08:58Halos tatlong buwan na nakakonfine si Bonoan sa PNP General Hospital dahil sa iba't-ibang sakit.
09:05Bene-verify muna ng 14 National Police kung may iba pang arrest warrants si Bonoan bago siya palayain.
09:14Naghain ng not guilty plea ang Sandigan Bayan 5th Division para kay Sen. Gengoy Estrada
09:18para sa kasong plunder at graft.
09:21Kaugnay po yan sa Sabuatan, Umano, Ina Estrada at mga dating opisyal ng Department of Public Works and Highways
09:26para makatanggap ng komisyon sa mga flood control projects sa Occidental, Mindoro at Bulacan.
09:32Ayon sa abogado ni Estrada, hindi sila naghain ng plea dahil hindi sila sang-ayon sa amended information
09:38na tinanggal bilang akusado si dating DPWH Secretary Manuel Bonoan at ginawang state witness.
09:44Ayon kay Estrada, pag-aaralan nila ang lahat ng legal na hakbang kaugnay nito.
09:48Nauna nang nabasahan ang sakdal ang tatlong kapwa-akusado ni Estrada ng mga dating opisyal ng DPWH.
09:56Nahaharap pa sa isang count ng graft si Estrada sa Sandigan Bayan 2nd Division kung saan kapwa-akusado niya si
10:03Bonoan.
10:04Hindi naman pinayagan ang 2nd Division na matanggal si Bonoan para maging state witness.
10:09Ngayong araw, inaasahan ang arraignment kaugnay niyan.
10:21Pasok na sa round of 32 si Pinay tennis star Alex Ayala matapos manalo sa 2nd round ng US Open
10:28kanina.
10:29Sa round of 64, natalo ni Ayala ang Ukrainian tennis player na si Oleksandra Olenyevkova.
10:36Sa 1st set, nakuha ni Ayala ang lead at nanalo sa score na 6-1.
10:41Sa 2nd set naman, bahagyan nakalama ang kalaban niya, pero nakabawi si Ayala at muling nakuha ang set sa score
10:48na 6-1.
10:48Posible niyang makaharap sa round of 32 si Eva Jovich o si Francesca Jones.
Comments

Recommended